Chapter 14

85 7 1
                                    

Should I run for my life now?









"What are you still doing here outside of the room Lady Wilven?"

Nagulat at napaharap ako bigla sa taong nagsalita sa likod ko.

Mukhang siya na ang magiging professor namin ngayon base sa uri ng suot at dala-dala niyang mga gamit.

"I'm sorry Sir. Kakarating ko pa lamang po kasi at tsaka naghahanap pa po kasi ako ng maaari kong maupuan." Half truth - half lie na saad ko.

Hindi naman kasi talaga ako naghahanap ng mauupuan, sadyang nailang lang kasi ako sa mga titig na binibigay sa akin ng mga magiging kaklase ko kaya natagalan ako sa pagpasok.

Madami ba ang naging kaaway ni Sophia dito o galit at naiinis lang sila sa kanya dahil sa chismis? Or maybe......... both??

"Move Lady Wilven. You're blocking the way. If you don't want to enter, then you are freely to skip my class until the end of the school year. You're not a loss in my class, by the way."


"Haha! Yan kasi masiyadong pa-bida."


"Tsk! Haha! Bitch!"


"Dapat lang yan sa kanya. Haha!"


"Siguro, ginayuma niya ang limang Lords kaya lumalapit na ang mga ito sa kanya."


"Yeah. That is what I think also. She's really a whore. No doubt. Impossible naman kasing maging malapit sila sa isa't isa, sa sobra pa namang sama ng ugali niya?!"


"You're right!"


Nagsitawanan ang karamihan sa loob sa sinabi ng striktong professor namin. Ngunit kahit na napahiya ay dumiretso pa rin ako papasok ng magiging classroom ko at naupo sa pinakalikod. Usual spot ng mga alone.




May upuan naman sa gitnang parte at marami pang free seats sa ibang sides, pero dito ko mas pinili sa likod dahil walang mga matang mapanghusga ang tututok sa akin.

Naalala ko tuloy yung limang babae na nangbully sa akin noon, wala na akong naging balita sa kanila simula ng hulihin sila ng mga duchal knights. Ewan lang kina Kuya, pero mukhang sila ay siguradong may alam pa.







Nagdaan ang mga oras na hindi ganun masiyado kaganda ang nangyari. Gaya ng laging nangyayari every first day of school, nagpapakilala muna isa-isa... Pasalamat na lang ako kahit konti dahil hindi na kailangan pang pumunta sa harapan.




Dumating din ang lunch time na hindi ako umalis sa aking kinauupuan kahit saglit. May snack time naman pero hindi na ako nag snack. Wala akong dalang kakainin eh, tsaka wala akong alam kung saan lupalop ang cafeteria dito at wala din akong dalang pambayad. Kaya, kesa sa maligaw ay nanatili na lang ako dito sa pwesto ko. Mukhang nakalimot din si Kuya dahil di man lang siya pumunta dito sa akin kanina. At dahil sinabi niya na pupuntahan niya ako dito ng lunch ay nagtiis na lang ako kahit medyo nagugutom na ako.




Pinaalpas ko muna lahat ng kaklase ko na nagsisilabasan na dito sa classroom. Ayoko kong makipagsiksikan sa kanila lalo na't parang may masasama silang balak sa akin, sa uri pa lang ng tingin na iginagawad nila sa tuwing dumadapo ang bawat pares nilang mata sa akin.

Nang makalabas na silang lahat ay tsaka lang ako tumayo at naglakad papalabas.

Pagkalabas ko ay wala pa si Kuya, medyo bumagsak ang balikat ko dahil gutom na talaga ako. Pero wala akong magagawa kundi ang hintayin siya na dumating.

A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon