Chapter 17

74 3 0
                                    

"Lady Sophia? May naghahanap po sa inyo sa labas..." Napataas ang aking ulo at napatingin sa taong kumausap sa akin ngayon. Isa siya sa mga kaklase ko.

Isang buwan ulit ang nakalipas at etoh kahit papaano ay may iilan ng uma-approach sa akin...

Masaya ako dahil kahit papaano ay nabawasan na ang bashers ko-I mean ni Sophia...

Napalingon ako sa labas ng pinto at pilit sinisilip kung sino ang naghahanap sa akin ngunit hindi ko man lang makita ito kahit anino man lang.

Napakibit-balikat na lang ako at hinarap ulit ang kaklase ko.

"Alright. Thank you Lady Rose." Nakangiti kong pagpapasalamat dito na ikinapula ng pisngi at nahihiyang ikinayuko nito.

"Wala pong anuman..." Nahihiyang saad nito at mabilis na umalis sa harapan ko.

Napa-iling-iling na lang ako sa aking isipan dahil sa naging reaksiyon niya.

Napahinga ako ng malalim at tumayo na lang upang harapin ang kung sino man na naghahanap sa akin.

I gracefully walk towards our classroom door and didn't mind the stares that some of my classmates giving me.

Ngunit nabigla ako ng pagkaapak ko pa lang sa labas ng pintuan ay may biglang humablot na sa aking kanang kamay at kinaladkad ako patungo sa kung saan.

"Oip! Hey! Stop dragging me?!" Reklamo ko sa lalaking walang-hiya na humablot sa akin.

Buti na lang at break time namin ngayon.

Napatigil naman ito bigla when I think he already realize what he've done, na muntikan ko pang ika-bangga sa likuran niya. Mabuti na lang at agad kong naibalanse ang sarili ko.

Agad ko ding binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya na agad naman niyang binitawan.

"Aish! Pwede mo naman sabihin kung ano ang kailangan mo sa akin hindi yung kakaladkarin mo pa ako. Sasama naman ako ng matiwasay sayo..." Reklamo ko habang hinihimas ang kamay ko ng humarap ito sa akin ng wala man lang ka-emo-emosiyon.

Parang robot lang???

"(Sigh) I'm Sorry, My Lady. I just want to treat you some snacks." He said without emotions na nakapagpangiwi sa akin.

Ganito ba talaga siya magsalita? Wala man lang kabuhay-buhay at parang napipilitan lang??

Aist! Ewan. By the way, he's Timothy Ryback, a knight at the royal palace on the continent of Baryan.

Siya yung lalaking sumalo sa akin noon at nahusgahan ni Kuya Dave. We again met on the other day kaya nagkakilanlan na kami sa isa't isa at heto medyo close na kami, hindi lang halata. Haha! Nakahingi na din ng tawad sa kanya si Kuya Dave and his friends.








Also, napag-aralan ko na din ang tungkol dito sa mundong kinalalagyan ko. Geortha ang tawag sa mundo nila at binubuo ito ng pitong(7) kontinente.

Una, ang Katino. Ito ang pinakamalaki at pinakamalakas na kontinente sa lahat kung saan ako napunta. Pumapangalawa dito ang kontinente ng Baryan na kinabibilangan nga ni Sir Timothy. Ikatlo ang Papein(Pa-pin), ikaapat ang Fora, ikalima ang Vixo, ikaanim ang Telian(Tel-yan), at ang huli't pangpito ay ang Untreid(Un-trid).

Ang bawat kontinente ay binubuo ng isang Hari't Reyna at ang kinasasakupan naman nito ay mayroon silang itinalagang iba't ibang pinuno sa iba't ibang bayan. Ito ay ang mga Duke/Duchess, Marquess/Marchioness, Earl/Countess, Viscount/Viscountess, at Baron/Baroness.

A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon