MarteeTatlong araw na ang nakakalipas simula nung gabing iyon. Iniwasan ko parin siya. Ngunit madalas na siya sa mansion ngayon. Nagugulat narin sina manang Sita dahil umuuwi na si Sir Santi tuwing kainan. He joins Ma'am Kristina during breakfast and comes home for lunch and dinner. Naging trabaho ko na rin ang magserve tuwing kainan kahit kung puwede lang ay sa iba nalang sana ako.
Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kahit pilit kong nilalayo ang sarili. Sadyang hinahanap parin ng mga mata ang akin.
Naging abala narin ako sa unibersidad. Kapag may oras pa ay naghahanap na ako ng trabaho. Kahit ano na basta iyung mabuti at marangal.
I submitted multiple resumes to different job opportunities pero sadyang walang may gustong tumanggap sa akin dahil sa apilyido ko. It pains me sometimes to realize that the incident that had happened few years ago still had that huge impact to my life now.
Sinasamahan din ako ni Anton minsan sa paghahanap ng trabaho.
Halos pasado alas sais na ng maabutan kami ng ulan dahil sa paghahanap ng trabaho kaya sumilong muna kami sa tindahan ni Aling Nena.
Basang basa na kami ng ulan ng makasilong kami sa tindahan ni Aling Nena. Sabay pa kaming napatingin sa isa't isa at ngumiti na lamang.
Sometimes, the rain makes me realize that it's not only me that cries. Pati pala langit umiiyak din. Funny to think, bakit ba ganito ako mag-isip.
Hinintay namin hanggang sa tumila na ang ulan bago ako hinatid ni Anton sa mansion. Late na ako nakauwi, mapapagalitan na naman ako nito kay Manang Sita dahil ako dapat ang magaayos ng hapag ngayon.
Nang makarating kami sa mansion ay mabilis akong nagpasalamat kay Anton at mabilis na kinuha ang payong ko upang ipahiram sa kaniya. Nginitian niya ako bago umalis.
Gulat ako ng pagkabalik ko ay naabutan ko si Sir Santi na nakaupo sa may sala na mukhang kanina pa may hinihintay. Sinalubong din ako nila manang Sita na galit ang mukha.
" Manang pakihanda po ang mainit na tubig panligo ni Martee. Pakikuha rin po iyung tuwalya niya." Kalmadong untag ni Sir Santi bago tumayo at dumiretso na sa hapag. May iba ng gumawa ng trabaho ko dahil late na ako nakauwi. At galit na galit na sa akin si Manang Sita.
" Hindi ka na nahiya Martee. Ikaw pa 'tong pinagsisilbihan namin, hindi ka na nahiya kay Sir Santi. Kanina pa iyun naghihintay ng mag-aayos ng pagkain niya sa hapag." Untag sa akin ni Manang Sita.
" Pasensha na po manang-"
" Maligo ka na at tumulong ka sa kusina." Galit niya wika bago umalis.
Mabilis akong naligo bago nagsuot ng unipormeng pang katulong at tinungo na ang kusina. Basa pa ang buhok ko ng itali ko iyon para maayos tignan.
Naabutan kong nakaupo na si Sir Santi sa hapag at naghihintay na ng pagkain.
Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin din pala siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.
Tumulong ako sa paghahanda ng pagkain ni sir Santi. Napansin ko rin na wala pa si ma'am Kristina.
" Si ma'am Kristina po?" Tanong ko sa isang kasama ko ng nasa kusina ako.
" Nauna ng kumain si Ma'am Kristina. Nagpapahinga na siya ngayon. Hindi sila nagsabay ni Sir Santi dahil hindi pa raw gutom si Sir kanina." Saad niya. Agad naman akong tumango.
" Bilisan mo na Martee at ihanda mo ang kape ni Sir Santi" Ipinaghanda ko agad si Sir Santi ng kape at isinerve pagkatapos.
Pagkalapag ko ng kape ay nagsalita si Sir Santi.
" Samalat" Iyun lamang ang sinabi niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko.
" Welcome po sir" Tipid kong sagot sabay tango.
Napansin kong medyo matagal kumain sa hapag ngayon si Sir Santi. Panay din ang sulyap niya sa akin na pilit kong iniiwasan.
Nang matapos kumain ni Sir Santi ay ako na ang nag-ayos ng pinag-kainan niya sabay hugas na rin. Hindi nagtagal ay naramdaman ko siyang tumabi sa akin para maghugas ng kamay.
" Why were you late?" He asked. His voice was normal. Hindi galit. Hindi naiinis.
" Uhm may inasikaso lang po Sir" Simpleng sagot ko.
" Were you with that boy?" Tanong niyang muli. Tumango ako.
He stayed silent for a moment.
" Tawagan mo ako kung ganoon na kailangan mo ng magsusundo sa 'yo. Kaya ko namang gawin iyon" He stated calmly.
" Hindi na bale sir. Maaabala ko pa kayo. Ngayon lang naman po. Sadyang nakalimutan ko lang talaga iyung payong ko" Magalang kong tugon. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. He seemed so serious with the topic.
" I'll tell Manong Henry then to fetch you at school everytime it rains." He said. Parang naramdaman niyang ayaw ko siyang sumundo sa akin.
He didn't even wait for my response and just left me without any words.
I sighed.
——
BINABASA MO ANG
Shooting Star (Completed) [R-18]
Short Story"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee