Page 2: Odd and Even

29 11 0
                                        



The 12-year-old Trese...





"Uuwi ka na?" Nagtatakang tanong sa akin ni Alaska habang nag-liligpit ako ng gamit. Nandito kami sa isa sa mga kubo sa school.

"Hapon na at baka may ipapagawa din sa akin si Lola." Pagdadahilan ko sa kaibigan kong ito.

"Nako Trese huwag ako. Hindi ka madalas inuutusan ni Nanay Tessie, anong meron bakit ka uuwi?" Pinaningkitan naman niya ako ng mata habang lumalapit sa akin habang nakaturo ang ballpen niya.

"Alaska sana aware ka na yung matulis na bahagi ng ballpen ang nakatutok sa akin." Pagpapa-alala ko sa kanya habang umaatras.

"Ah!" At tiningnan niya yung ballpen niya. Binaliktad naman niya ito bago muling bumalik ang tingin at tutok ng ballpen sa akin. "So bakit nga uuwi ka kaagad?" Pagtatanong niya ulit.

"Masama na bang umuwi ng maaga?!" Ang kulit mo naman eh.

Paano namin maitutuloy nila Tita ang surprise para sa birthday mo kung ayaw mo akong paalisin?!

"Oo lalo na kung hindi mo man lang ako inaaya." Ibinaba niya yung ballpen niyang hawak at nakasimangot na humalukipkip sa harap ko. "May iba ka na sigurong kaibigan ano?" Bintang niya.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"At saan mo naman nakuha yan babae ka?" Paano ako magkakaroon ng ibang kaibigan eh, ilang o galit ang karamihan ng estudyante sa akin dito?

Siya lang ang namumukod tanging hindi ako itinuring na iba, kinailangan dahil mayaman at nagalit sa akin dahil lang sa histura ko.

Samantalang ang mga naging una kong kaibigan na sila Nica ay tinalikuran ako.

"Ilang araw ko nang napapansin na lagi kang nauunang umuwi, tapos hindi na din tayo madalas bumibili ng cheeseburger tuwing recess." Nagtatampong sabi niya.

Nagtitipid kasi ako, para mabili ko yung gusto mong leggo set sa bayan! Kinse din yung isang cheeseburger no, kaya tinatiyaga ko muna mag-rebisco eh.

Hanga din naman ako sa babaeng ito, ang birthday niya hindi naalala pero ang hindi ko pagkain ng cheeseburger tandang tanda!

"Hindi ko ba nasabi sayo na diet ako?" Matalino yan alam kong hindi yan maniniwala sa akin pero kailangan ko na talagang makaisip ng kahit anong palusot para mauna na.

Alaska hahanapin na ako ng Nanay mo! Ako ang kukuha ng cake mo sa bakery at maghahatid sa Casa Hapag mamaya!

"Plano mo ba maging buto't balat?!" Napapikit na lang ako sa lakas ng bibig niya.

"Alaska ang baboy ha, may laway ka pang tumalsik." Reklamo ko pero inambahan lang niya ako ng batok kaya ito na ang nakita kong chance para kumaripas ng takbo.

Hindi ko na siya nilingon at nagdire-diretso na lang, kahit tinatawag niya ako.

Ang plano kasi namin nila Tita ay lalayasan ko si Alaska. Tapos kapag umalis na ako uuwi yan, magsusumbong kay Tita. Tapos sila na ang bahalang magdala kay Alaska sa Casa Hapag. Isang sikat na kainan yan dito sa bayan ng Villa Himalaya.

How to be in the Same Page With You | #1Where stories live. Discover now