Page 4: The Princess and The Knight

30 11 0
                                        



The 16-years-old Trese...



"Tatakbo ka nga?" Tanong ulit ni Alaska, hindi ko pa nasusubo ang fishball ko nagtatanong nanaman siya.

"Hindi nga, saan mo ba kasi nadampot yan?" Nakakunot ang noo kong sagot sa kanya. "Kuya Dadong penge pa ng sauce ha." Ngumiti naman sa akin si Kuya at tumango lang.

"Naririnig ko kasi sa mga grade 10 na gusto kang patakbuhin ng partido nila Cash." Pagpapaliwang niya bago sumubo ng pagkain.

Nasa labas na kasi kami ng school at kumakain, inaantay ko din si Gabo na saglit lang daw sa praktis.

Gusto ko na umuwi pero alam kong magagalit siya kaya, behave ako at inaantay siya dito. Sakto inaantay din ni Alaska sila Dom at Sergio na may ginagawa pa sa library.

"Sino si Cash?" Hindi ko alam na kilala pala ako ng iba pang mga grade 9 students.

Patapos na nga pala ang school year at election na ulit sa ssg at magmumula naman sa batch naming ang susunod na president at ibang officer.

"Hindi mo kilala si CASH?!" Muntik ko ng mailaglag ang plastic cup ko ng fish ball dahil sa sigaw niya at pang-aalog sa akin.

"Tatanungin ko ba kung kilala ko?!" Ganting sigaw ko naman sa kanya.

"My ghad! Dahil para kayong kapeng twin pack ni Gabo, hindi mo kilala ang ibang gwapong lalake dito sa school." Eh ano namang kinalaman noon dito?

"Hanggang ngayon ang ingay mo pa rin Alaska." Natatawang sabi ni Kuya Dadong habang nagtitinda.

At doon lang din napansin ni Alaska na nakatingin na sa kanya karamihan ng nabili. Buti kahit maingay siya pinapatambay pa din kami ni Kuya Dadong dito sa pwesto niya.

"Ahehe sorry po, sige po kain lang kayo diyan. Maingay lang po ako pero maganda ako." Pinipigilan ko ang tawa ko dahil sa hindi maipaliwanag na reaksyon ng mga nabili kay Alaska.

"Tama na nga yan nakakahiya ka!" Hila ko sa kanya.

"Mabalik tayo sa usapan! Si Cash ay ang poging matalino ng grade 9, section b, siya ang kinuha ng partido ng kasalukuyang president ngayon ng SSG para lumaban bilang president sa darating na eleksyon." Nasa ibang level nga pala pagiging tsismosa ng babaeng to.

May kaklase pala siyang Cash?

"Oh tapos?" Tanong ko habang kumain. "Kuya Dadong sampung pisong fishball pa nga po."

"At base sa reliable source ko, ikaw ang gusto ni Cash na tumakbo bilang SSG vice president niya." Nagni-ningning ang mata ni Alaska at mukhang may kung ano nanaman siyang naiisipan. "Kaya tumakbo ka na!"

"Gusto mo ikaw na lang? Nakakatamad kaya magkaroon ng responsibilidad kapag grade 10 ka na." Mas gusto kong maging busy sa studies kesa ma-stress sa pagiging officer.

"Ano ba naman ito, malay mo ito na yung chance mo para magka-boyfriend!" Naibuga ko sa kanya yung iniinom kong juice.

"Ay hala sorry!!" Dali dali kong inilabas ang panyo sa bulsa ko at natatawang pinunasan ang mukha ni Alaska.

How to be in the Same Page With You | #1Where stories live. Discover now