And now they are 23...
"Saan ka mag-intern Trese?" Kaye asked me while eating her ice cream.
"Pwede ba sa bahay na lang, tapos ang gagawin ko matulog." Habang natagal, pawala ng pawalang kwenta ang mga naiisip ni Cash.
"Oo, para hindi ka maka-graduate. Okay lang yan." See, pati si Kaye sinukuan na siya.
"Ako kahit saan basta huwag muna sa firm ni Dad." Because Dad was really expecting me.
Kung nakita niyo lang ang nakakalokong ngiti ni Dad noong nalaman niya na internship ko na. He was expecting me to say na sa firm namin ako papasok and alam kong pahihirapan niya ako lalo doon.
"Gusto ko nga doon sa firm niyo eh." Baling sa akin ni Cash.
"Sige sabihin ko kay Dad, tapos ibibilin ko na rin na alilain ka nila." Mabilis na kinabig ni Cash ang kamay ko, magte-text na sana ako kay Dad.
"H-Hindi pa ako sure, sama na lang pala ako sayo." Mabilis na bawi niya sa akin.
"Itatanggi na kita! Bwisit ka Keith." Kapwa naman kaming nagulat ni Cash kay Kaye na inaaway ang cellphone niya.
Noong makabawi na kami ni Cash ay tsismosang nakisilip kami sa cellphone ni Kaye, habang nagagalit pa din siya.
"Sinetch itey kaaway mo marsiee?" Cash is really getting weirder every day. Isipin mo ba naman na nag-aral siya ng gay-linggo for fun? Pero nakakatuwa siya tingnan.
Hindi pa ata sapat ang plates namin dahil may free time pa siya matuto ng kung ano-ano.
"It's my cousin, remember the guy at my birthday party who keeps talking to Trese?" Pagpapa-alala niya sa amin, but I have poor memories.
"Hindi." Sabay na sagot namin ni Cash sa kanya na mukhang ikina-stress niya lalo.
"He keeps asking me for your number and IG account." Gulat naman akong napaturo sa sarili ko.
"Ay baket daw?" Curious kong tanong.
"Ang slow naman nito! Uutang yan Trese, ang yaman mo ba naman!" Cash said, kaya binatukan siya ni Kaye.
"Di ko rin talaga gets bakit maraming patay na patay sa'yo." Nangungunsumi na sabi ni Kaye, kaya binelatan ko si Cash. "Isa ka pa! Ang ganda mo at talino mo lang." O diba pati sa akin nagalet. "My cousin likes you!"
"Oh." Sabay ulit na sagot namin ni Cash, kaya mas lalong kumunot ang noo ni Kaye.
"Nakaka-stress kayong dalawa!" Ay galet nanaman siya!
"Anong ginawa namin?" Sumang-ayon naman ako kay Cash.
"Can you give me better reactions? My cousin likes you and ilang linggo na niya ako pinipilit to introduce him again to you." I don't know why she is explaining further; eh gets ko naman siya. "He's a good guy, I can assure you, so can you go out with him just once?"
"Ah, eh... ano-kasi..."
"Alam ko, you are not a fan of this kind of thing, pero... ang kulit na talaga niya, and I swear if hindi mo gusto yung company niya chat or text, mo lang ako susunduin kita agad!" She's really convincing me to go, that's why I looked at Cash to ask for his help.

YOU ARE READING
How to be in the Same Page With You | #1
RomanceBooks have different pages and carries different kinds of stories, and the question here is, what kind of story do we have? What page are we on? Tell me how to be in the same page with you? TRESE x GABO