The 18-year-old Trese...
"You look so beautiful today Trese." Sergio commented as he guides my hand to his shoulder and slowly start swaying. He looks so proud and happy.
"Ang gwapo mo din po ngayon." Ganting puri ko sa kanya because he really looks dashing today, ilan ito sa mga iilang pagkakataon na makikita mo si Sergio na naka-ayos ng pormal.
Bagay na bagay sa kanya ang tuxedo na suot niya ngayon.
"Sana ganyan din ang sinabi niya kanina, imbes na purihin ako, pang-aasar lang ang natamo ko. Porke't nuknukan siya ng ganda ngayon, hmp! Akala niya ba... edi siya na ang maganda." Natawa ako sa mahabang litanya niya at umiling-iling.
Akala mo naman talaga ay kaya niyang sabihin lahat ng yan sa harap ni Emi.
"Nakahanap ka na rin ng katapat mo." At pasimple akong tumingin sa gawi ni Emi na masayang nanunuod habang nakikipag-kwentuhan kay Alaska.
Ang ganda nito sa suot na formal dress.
"Isosoli ko na siya kay Gabo." Hindi ko napigilan mas tumawa dahil sa sinabi niya. Pero kahit masama ang loob niyan makikita mo sunod naman ng sunod kay Emi.
Halatang nagtatampo siya kay Emi, pero puri naman ng puri doon sa isa. Nito lang nang maging si Sergio at Emi.
Ganoon na lang ang naging gulat namin at kamusta naman ang reaksyon ni Gabo ng malaman niya?
Kaya pala itinaon ni Sergio sabihin kay Gabo na sila na ni Emi ay kasama ako. Ipinagbabawal daw na teknik iyon na si Emi ang nakaisip upang hindi magalit ng sobra ang kuya niya.
Epektib naman, hanggang kwelyo lang ang napuruhan kay Sergio.
"Happy birthday ulit Trese." Huling paalam niya bago tuluyang huminto sa pagsasayaw at iabot ako kay Cash.
"Umayos ka Cash, kung ayaw mo maging zesto ang tagiliran mo." Tumatawang biro ni Sergio at ang isa naman ay tumawa lang din.
"Happy Birthday Pres!" Nang-aasar na sabi niya.
Alam na alam talaga nito kung paano ako inisin. Siya nanaman kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayong grade 12 kami ay ako pa rin ang president ng klase.
"Ang panget mo kabonding Cash." Nakasimangot kong sagot sa kanya.
"Okay lang, nasobrahan ka naman sa ganda ngayon." Pinaikot niya pa ako habang nagsasayaw kami.
"Bolero ka pa rin." Palatak ko.
"Eto naman hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo?" At umakto pa siyang humawak sa dibdib kunwari'y nasaktan sa sinasabi ko.
"Kaya ka nasasabihang paasa eh." Ilang beses na ba itong nasampal ng babae? Hindi ko na rin maalala.
Totoong mapang-asar si Cash pero mabait din talaga ito, ayaw nga niyang may masasaktan siyang damdamin. Kaya ayun imbes na i-turn down ang babae, ngingiti lang ito at irereto naman si Sergio o si Dom o kahit sinong maalala niyang lalaki.
Kaya ang ending ang pagiging friendly niya ang naging dahilan ng pagkakasampal sa kanya.
"Change topic na nga! Yung regalo ko on the way pa lang ha."
"Matino ba yan?" Dudang tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Sige na, itigil na natin ito bumabaon na sa likod ko ang talim ng titig nang boyfriend mo." At nakangiti niya akong binitawan.

YOU ARE READING
How to be in the Same Page With You | #1
RomanceBooks have different pages and carries different kinds of stories, and the question here is, what kind of story do we have? What page are we on? Tell me how to be in the same page with you? TRESE x GABO