The 15-year-old Gabo...
"Anak hindi ka ba naka-ihi bago tayo umalis ng bahay?" Tanong ni Nanay bago inayos ang kwelyo ng polo-shirt kong suot.
"B-Bakit ho?" Bakit ako nauutal?
Pumikit na lang ako nang tinawanan ako ni Nanay.
"Para ka namang aakyat ng ligaw anak sa kaba mo eh." Pagbibiro ni Tatay habang tiningnan ang relong suot.
"Nanliligaw kaba kay Trese?" Nanlaki naman ang mata ko kay Nanay.
"Hindi po Nay!" Mariing tanggi ko.
"Ay bakit hindi?" Nagtatakang tanong ni Nanay. Kaya napasapo na lang ako ng ulo ko.
Hindi naman halatang gustong gusto niya si Trese diba?
"Kuya ang laki pala ng bahay nila Ate Trese?" Namamanghang sabi ni Gwy habang hawak hawak ang ribbon ng suot niyang dress.
"Umuwi na ho kaya ako?" Parang tangang sabi ko.
"Ay akala ko ba ay inimbitahan ka ng apo ni Señor Eleven? Hindi ba't magkaibigan kayo? Baka magtampo iyon sa iyo kapag wala ka dito." Tanong ni Tatay, habang inaayos din niya ang nalukot na polo.
Hahanapin pa ba ako ni Trese sa dami ng tao sa bahay nila ngayon? Scam ang babaeng iyon.
Ang sabi niya ay kaunti lamang ang dadalo sa kaarawan ni Señor Eleven, pero mukhang buong bayan ata ng Villa Himalaya ang nandito.
Scam si Trese!
"At tsaka akala ko gusto mo makilala si Señor Eleven?" Tanong mulo ni Tatay.
Kaya nga ho ako kinakabahan.
Makikita ko na si Señor at ipapakilala raw ako ni Trese. Natatakot akong hindi makapag-salita at matulala lang sa harap niya. Sobrang tinitingala ko siya at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Kuya tara na!" Bumalik ako sa ulirat ng hilahin ni Gwy ang kamay ko papasok sa loob ng bahay.
Alanganin akong nagpahila kay Gwy habang pinapanuod ang mga tao sa paligid. Nakahilera ang magagandang sasakyan sa gilid ng bahay nila Trese. Magagara rin ang suot ng mga bisita at mapapansin mo ang kinang ng mga gintong suot nila.
Hindi ko maiwasan mang-liit at mahiya, simula noong naging kaibigan ko si Trese tila nakalimutan ko na agad kung gaano nga pala kalaki ang mundo na meron siya.
Sa sobrang simple at dali niya kasama hindi mo iisipin at hindi rin niya ipaparamdam sayo ang agwat ng pamumuhay na meron siya at ikaw.
Nabuhay muli ang kaba ko ng makita ko sa bukana ng bahay sila Señor Eleven, kasama nito ang asawa at magiliw na binabati ang mga bisita.
"Maligayang kaarawan ho Señor." Bahagyang yumuko pa ang ulo ni Tatay habang binati si Señor.
Sinuklian naman iyon ni Señor ng malaking ngiti.
"Gilbert! buti nakarating kayo. Hindi malaki ang Villa Himalaya pero madalang namin kayong makita." Magiliw na sabi ni Señora
"Kaya nga ho nang makuha namin ang imbitasyon ay pinahinto ko muna ang trabaho sa palayan para makapunta kami sa kaarawan ni Señor." Pagpapaliwanag ni Tatay.

YOU ARE READING
How to be in the Same Page With You | #1
RomanceBooks have different pages and carries different kinds of stories, and the question here is, what kind of story do we have? What page are we on? Tell me how to be in the same page with you? TRESE x GABO