Chapter 6

5 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway lalabas ako para mag lunch break. Nasa loob ako nang elevator nang biglang mag ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay agad ko iyong sinagot.

"Andrew."

"Where are you?" He said in a husky voice. Kung ibabang babae ang makakarinig nang tinig niya ay ma in-love na yun sa boses palang niya.

"Pababa ako. Mag la lunch sana."

"Sabay na tayo. Wait for me at the nearest restaurant, Kate." narinig ko ang tila nahulog na mga gamit sa tingin ko ay nasa opisina pa njya siya.

"I'll text you the address." Yun lang ang sinabi ko bago pinatay ang tawag.

Nagtungo ako sa pinakamalapit na restaurant na nakita ko. Naupo ako sa pang dalawahang mesa na nandoon at naghintay muna sa kanya bago umorder nang pagkain.

I heard the door clings and darted my gaze at it since I expected someone. At nakita ko nga siya. Sopistikado siyang naglakad palapit sa pwesto ko. Narinig ko ang bulungan sa paligid lahat nang babae halos mabali ang leeg kakatitig sa kanya.

Hindi naman maikakala na gwapo talaga si Andrew. He has this aura na kaya kang paamuhin in just a minute. He can easily get a woman's attention without even trying. Para lang siyang naglakad sa red carpet na may mga camera nakatutok sa kanya. Artistahin yarn.

Kung ikukumpara kay Cole ay may pagka bad boy tingnan si Cole dahil sa kasuotan niya samantalang itong si Andrew ay boss style masasabi sa unang tingin palang na kagalang galang na. Napakurap ako. Bakit nasali sa Cole sa usapan.

Narinig ko ang pagka dismaya nang mga kababaihan nang makitang lumapit si Andrew sakin bago hinalikan ang pisngi ko. Umupo siya sa silya sa harapan ko.

"Kanina ka pa?" tanong niya sakin kung akala mo naman isang oras akong pinaghintay.

"Kadarating ko lang." tinawag niya ang waiter at nag order nang pagkain hindi parin maiwasang pagmasdan siya nang mga kababaihan doon. Matamis kung nginitian ang waiter bago ito nagpaalam.

"Pinagtinginan ka nang mga kababaihan oh."

"Hayaan mo sila." sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sakin na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya sa loob nang restaurant na iyon. Inirapan ko lang siya.

Ilang sandali pa ay dumating na yung inorder namin at nag simula nang maghanda. I was slicing my steak nang kuhanin niya iyon sakin at pinagpalit niya nang sa kanya na tapos nang ma slice lahat.

Narinig ko ang bulungan sa paligid.

"You don't have to do that. Kaya ko namang mag slice nang steak, Andrew." sabi ko nalang.

"Let me serve you kahit man lang sa ganitong paraan." nagkibit balikat na lang ako. Bahala niya sa kung anong gusto niya. Madali naman akong kausap.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid niya ako. Pinasakay niya ako nang kotse niya kahit sinabi ko nang mag commute na lang ako dahil malapit lang naman but he insists.

Nang makarating ang sasakyan niya sa lobby ay nag thank you ako sa kanya at nagpaalam ngunit bago ko mapihit ang pinto pabukas ay hinawakan niya ang braso kaya napalingon ako sa gawi niya.

"Kate." Sobrang seryoso nang mukha niya.

"Bakit?"

"Let's pursue the wedding." I was caught off guard. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon mula sa kanya. Sa pag aakalang nag bibiro siya ay tinawanan ko lang siya.

"You're joking right?" nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang hindi nag bago ang expression niya. "You knew from the very beginning that I don't have feelings for you, Andrew."

My Bestfriends BrotherWhere stories live. Discover now