CHAPTER 40: Target

702 49 2
                                    

Jeffrey's POV

"Then I will end-" the bidder was about to hit his gavel on the table when suddenly someone spoke.

"10 million" Halos mag ingay na ang mga tao sa gulat at napatingin sa taas ng may nagsalita sa second floor, 

"This is crazy..."

"Woah! Woahhhh!"

"That's a lot of money!"

"Such Insane people!"

May naghawi ng kurtina at lumabas ang isang lalaking nakasuot ng tuxedo ng itim at gold na mascara. Kahit malayo, Hindi ko maitatanggi sa kanya ang perpektong kurba ng kanyang mukha, lalo na ang kapulahan ng kanyang labi, May hawak din syang numero kagaya ko.

"1-10 million from number 4, our VIP guest" Anunsyo ng bidder bago ako tiningnan. Itinaas ko ulit ang numerong hawak ko at nagsalita, "15 million" Seryoso kong sabi. I can't lose this ring, I have to own it. 

"30 million," he said.

"55 million," I said then I gritted my teeth.

"110 million," Nakasandal sa balkonahe nyang sabi ng malamig, I clenched my fist. Is he toying with me right now? He just doubled the price.

"500 million" I said coldly while raising my number, halos natahimik ang buong kwarto nang bigla nyang binasag ang katahimikan, gamit ang isang tawa, tumawa ng malamig yung lalaki, I don't know why his sending me chills.

"1..." If he said 1 billion, I'd raise it to 5 billion, that's already my limit. I grip my hands tightly. I have to own that ring at all costs. 

"... Trillion" Sumama ang timpla ng mukha ko, Fuck this bastard. Parang sinasadya nya 'to. I don't remember offending someone.

"Ha?! Trillion?!!"

"Worth it ba yun?!"

"Shit, it's insane!"

"Super insane, mas mahalaga pa ata yung singsing sa buhay ko"

"Damn, I want him to be my sugar daddy"

"Number 28, Sir do you still want to continue?" Binitawan ko ang numerong hawak ko bago nagsalita.

"No," Malamig kong sabi, "Sinong baliw ang gagastos ng ganon kalaki para lang sa singsing, tsk." Tiningnan ko sya, nakangisi sya sakin na para bang inaasar pa ko, tsk.  

"Doc?"

"Brad alis ka na?"

"Dito ka muna tol, baka may mas maganda pang item dun!" Hindi ko pinansin ang mga kasama kong tumatawag sakin at nadaredaretso paalis.

Ivy's POV

Such an amusing scene.

Who wouldn't think that the terrifying serial killer that everyone is afraid of has this side? I smirk while looking in Jeffrey's direction leaving the auction room, it's been a while since the last time I saw him, hmm... I wonder why he wants to buy that ring, he seems desperate. I never guessed that his attending this kind of event.

Nandito ako ngayon sa isang Auction, binabantayan ang target, halos isang room lang ang pagitan ng kwarto namin. Napatingin ako sa cellphone ko ng magring ito. Sinagot ko ito habang nakatingin parin sa unahan. "Young Mistress, umalis na po si Young Master Eivan ng mansion, nailagay ko na din po yung GPS tracker na ipinalalagay nyo sa sasakyan nya." The smirk on my face widens.

"Alright, thanks, Halena. You can rest now" I said before ending the call. Binuksan ko ang cellphone ko at medyo napakunot ang noo ng makitang papunta sa kumpanya ni Dad ang pakay ni Eivan, kahit nagtataka... lumawak lalo ang ngisi ko.

"Such an idiot. Blame yourself for being slow" Napatigil ako sa pagiisip ng marinig na may mga yabag na papaalis, sinilip ko ng kaunti ang kurtina, patay na ang ilaw sa kabilang kuwarto.

Umupo ako ng ayos sa upuan, bago may tinawagan. "Where is he heading?" Tanong ko ng malamig ng sagutin ng kausap ko ang tawag.

"He booked a room in Del Yujina Hotel, room 2008" Sagot ng isa sa mga tauhan ko.

Binigyan ako ni Dad ng kalayaan na pumili ng mga tauhan, kaya ang kinuha ko ay ang mga shadow guards nya, I thought he will be mad but to my surprise he let me use them as my own, tskk. I think this shadow guards are also reporting my actions, but I don't care as long as they are useful.

Pumunta ako sa hotel na kinaroroonan nya, at pagka dating ko dito, pumasok ako at may sumalubong na stuff. "Good day. Thank you for visiting the Del Yujina Hotel. What can I do for you?"

"I need reservation for room 2009" Tumingin sya sakin, bago napatingin sa folder na hawak nya.

"I'm sorry Ma'am but it's already booked," she said.

"How about room 2007?" I asked. She checked the list bago tumingin ulit sa akin.

"It's already booked, Ma'am" Napatingin ako sa isang staff na may dalang pagkain, napangisi na lang ako ng may naisip akong ideya.

"Alright, booked me an available room," inilabas ko ang card ko bago itinuloy ang sasabihin. "Then send me some foods" I said.

"Okay, thank you have a good day, Ma'am!" Rinig kong sabi nya ng makuha ko ang card na binigay nya. 

Naglakad na ako at tiningnan ang room ng kwarto ko, room 1980. Naglakad ako hanggang makarating ako sa kwarto, agad ko itong sinarado at nagdaresto sa kama bago binaba ang bag kong puno ng mga armas, kagaya na lang ng baril na may silencer, iba't ibang hugis ng shurikens, at matutulis na kutsilyo.

*Knock Knock! * Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, "Ma'am, Nandito na po ang pagkain" Rinig kong boses ng lalaki sa labas, kumuha ako ng isang baril bago sumandal sa pinto ng kuwarto. "Alright, come in" I said while hiding the gun at my back. *Creaak...* Unti unti nyang binuksan ang pinto bago pumasok at sinilip ako. 

"Put the food in my bed" Sabi ko habang ibinabaling ang ulo ko at sinesenyasan syang pumasok, hindi ko alam kung bakit parang natulala sya sakin bago napalunok, Tsss. "O-Okay po..." Pagkalapit nya sakin, nilampasan nya ako bago pumasok ng kuwarto ko, ramdam ko syang natigilan ng makita nyang nagkalat ang mga baril, kutsilyo at kung ano ano sa bedsheet,

"Crasshh!!" 

Nabitawan nya ang tray na hawak nya at unti unting napaantras, kita ko ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo at sunod sunod nyang paglunok ng laway. Napangisi ako at agad na itinaas ang baril ko bago hinampas ang ulo nya. "Sorry, but I need to take off your clothes for a while..." Seryosong sabi ko habang tinatapakan ang dibdib nya. Nagdugo ang ulo nya at bago unti unting napapikit bago nawalan ng malay.

***

*Knock Knock! * *Knock Knock! *

Inayos ko ang cap nasuot ko bago humawak ulit sa trolley, kung saan kinuha ko sa isang staff. Pagkabukas ng pinto, bumungad sakin ang isang babae na mukhang clown dahil sa tinadtad na foundation at lipstick sa mukha. "What do you want?" Mataray na tanong nya.

"Food Service" I said, I feel my voice changed into a man's voice because of the voice changer that I'm using, it's an advance technology gadget that I created. Binuksan nya ng malawak ang pinto bago ako pinapasok. "Tsk, istorbo" Nang umalis sya, yumuko ako at napangisi ng palihim. This is easier than I thought.

Pagkapasok ko sa loob, sobrang ganda ng kwarto, at parang pang VIP guest ang itsura, white, gold, and caramel ang theme tapos sobrang laki at lawak sa loob. Napatingin ako sa bandang sala ng makita ang target, nagsi-cigarette sya habang may katabing dalawang babaeng halos hubadan na ng damit sa sobrang iksi ng suot.

"Sir~ why don't you stop smoking and play with us instead?" Malanding hagikhik nung isa sa katabi nya habang hinahawakhawakan ang dibdib nya, dinala ko ang trolley sa harap dahil kailangan kong makita nang ayos ang mukha nya.

"Can you remove your mask, Sir? Why are you hiding your handsome face?" Malanding sabi din nung isa.

Vengeance ResurrectionWhere stories live. Discover now