Twenty Five (Book Two)

1.3K 38 14
                                    

CALISTO BAUTISTA's POINT OF VIEW

 

"Gusto mong samahan kita sa boarding house ninyo?" narinig kong tanong ni Alex nang makalabas na kami sa gate ng school. Tiningnan ko siya pero agad din akong nagbawi ng tingin.

Bumuntong-hininga ako. Honestly, kinakabahan ako. Kinakabahan akong makaharap ang nanay ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit. Na-meet ko naman na siya. Okay naman si Tita Vilma, hindi naman siya masungit. Pero basta, I really feel nervous.

"Huwag na," mahinang sabi ko. "Thank you nalang."

Ngumiti naman si Alex. Nagpaalam na siya saka sumakay sa kanyang motorsiklo pauwi pero bago siya makaalis ay nagbiro pa siya na baka daw mamamanhikan na sina Liam. Loko 'yun! Pero ang totoo, napangiti ako dun.

Huminga ako ng malalim at naglakad na ako pauwi sa boarding house namin.

Habang papalapit ako ay humihigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Bahagya pa akong napapitlag nang tumunog iyon. One message received.

Si Liam.

May sa2bihin daw si mama. Uwi ka agd pgkatapos ng klase mo ha? I love u.

Imbes na kiligin ako dahil sa text niya, mas lalo akong kinabahan. May sasabihin daw si Tita Vilma. Ano kaya? Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Alam kaya niyang syota ako ng anak niya at sasabihin niyang hindi ako nababagay kay Liam? Sasabihin ba niyang imoral ako at malandi?

Ehh, kinakabahan talaga ako, I swear! Pinagpapawisan na rin yata ang ilong ko. Yes, ilong. Kapag tensed o kabado ako, pinagpapawisan ang ilong ko.

Hindi ko na namalayan pero nasa corridor na pala ako ng boarding house namin, naglalakad ng diretso papunta sa unit namin.

Nang tumapat ako sa main door ay tumigil muna ako at hindi pumasok. Huminga-hinga ako ng malalalim at sunod-sunod para punoin ang baga ko ng hangin. I need courage. Where are you, cowardly dog?

Nang hawakan ko ang doorknob ay biglang umikot iyon at bumukas kaya bahagya akong nahila papunta sa loob. Agad akong tumayo ng tuwid at inayos ang sarili ko. Then I smiled nang makita si Liam.

Ngumiti din siya saka lumapit sa akin. May benda parin ang palad niya at mukha parin siyang bangag. Pero kahit ganun, siya parin ang pinakagwapong nilalang para sa akin.

Nang makalapit siya sa akin ay umakbay siya pero halatang iniiwasan niyang huwag masanggi ang palad niya. Sa laki ba naman ng sugat niya doon, siguradong makirot iyon.

Tiningala ko siya and he looked down at me. Ibang klase ang ngiti niya. Mukha siyang masaya na hindi ko maipaliwanag. Bigla tuloy bumalik ang kaba ko.

"Ba-ba-bakit ka ngumingiti ng ganyan?" tanong ko pero nagkibit-balikat lamang siya. "Liam, kinakabahan na talaga ako. Ano bang sasabihin ng mama mo?"

Again, he shrugged. Pero maya-maya ay hinila na niya ako papunta sa sala. Doon ay naabutan namin sina Tita Vilma at si Livor. Nang makita ko ng huli ay energetic niyang isinigaw ang pangalan ko saka tumakbo palapit sa akin.

"I missed you, Ate Cali," sabi niya at napangiti ako ng tipid. Ate parin? Didn't I tell him that I am a boy? Oh well. Yumakap siya sa binti ko kaya yumuko ako at sa leeg ko naman siya yumakap. Gumanti na rin ako.

"I missed you, too baby boy," sabi ko and I kissed his cheek.

"Nagseselos na ako," narinig kong sabi ni Liam kaya nagpapanic akong napatingin sa kanya. Nasa malapit ang mama niya, tapos ganun ang sinasabi niya? Sira ba siya? Paano kung makahalata si Tita Vilma? Baliw talaga 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon