Fifteen

983 23 2
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Callisto Bautista's Point of View

Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makita sina Eric at Liam na basang-basa ng pawis. Kagagaling lang nila sa plasa at nakipaglaro siguro ng basketball.

Sa ikatlong araw nila dito ay medyo kumportable nang gumalaw ang dalawa at meron naring mga nabarkadang mga kalalakihan sa amin. Pati narin sa mga magulang ko ay kumportable na silang makipag-usap at ang nakakatuwa ay mas close si Colossus kay Liam kesa kay Eric.

"Oh, panalo?" tanong ko sa kanila.

"Talo!" sabay nilang sagot. Napahagikgik naman ako at itinuloy ang pagbilog sa harina. Magluluto kami ng tambo-tambo kaya kasama ang kapatid ay nagbibilog kami ng harina samantalang ang nanay ko ay inihahanda ang mga ingredients sa loob ng bahay, nasa silong kasi kami ng mangga dito sa labas.

"Oy, para saan yan?" puna ni Liam at tumabi sa akin. Agad kong naamoy ang amoy ng pawis niya na nahahalo sa deodorant at pabango niya.

"Umalis ka nga diyan, ang baho mo!" pagtataboy ko sa kanya at itinakip sa ilong ang likod ng braso ko dahil puro harina ang kamay ko, siyempre joke lang na mabaho siya. Ang bango kaya niya. Natawa sina Eric at Colossus sa inakto ko. Si Liam naman ay sumimangot pero hindi umalis sa tabi ko.

"Para saan 'yan?" tanong niya ulit.

"Magluluto si Nanay ng tambo-tambo," sagot ko.

"Pwedeng tumulong? Paano ba 'yan?" tanong niya at akmang dudukot sa harina pero pinigilan ko siya. Tinapik ko ang kamay niya.

"Err! Ang dumi ng kamay mo, ano ka ba?" saway ko sa kanya. Hindi na siya nagpumilit pa at pinanuod nalang kaming magkapatid sa ginagawa. Kwento siya ng kwento tungkol sa mga bagong kakilala niya.

"Bro, ganda nung Jinky ano?" narinig kong sabi niya kay Eric. Natigil ako sa pagbilog ng harina pero agad ding itinuloy nang makabawi. Parang nanadya si Liam ah! Pwes, hindi ako papaapekto.

"Type mo?" tanong naman ni Eric. Tiningnan ko si Liam at napatingin din siya sa'kin. Ako na ang unang nagbawi ng tingin.

"Ewan ko, bro. Pero nagagandahan ako sa kanya," sagot ni Liam.

"Ollong, puntahan mo nga si Nanay. Tingnan mo kung natapos na siya sa ginagawa niya," utos ko sa kapatid ko. Tahimik naman siyang sumunod. Nagtatakbo siyang pumasok sa loob ng bahay.

Nang mawala na ito ay hinarap ko sina Eric at Liam. "Oy, kayong dalawa ha. Pwede bang 'wag kayong mag-usap tungkol sa mga chicks niyo sa harap ng kapatid ko? Baka mahawa sa pagiging chickboy niyo," nakasimangot na sabi ko.

Tumawa lang sila ng mahina. Maya-maya ay inutusan ko ang mga itong balatan 'yong niyog at hatiin upang kudkurin ko na. Mukhang sanay naman silang magbalat ng tuyong bunga ng niyog dahil mabilis sila, nag-unahan pa.

Kinuha ko ang kudkuran sa loob ng bahay at lalagyan at inutusan si Eric na siya na ang gumawa ng bagay na sana ay ako ang gagawa. Hindi naman siya kumontra.

"Ikaw naman Li, kunin mo sa loob 'yong thermos ng mainit na tubig. Gagamitin natin 'yon kapag natapos ni Eric 'yong niyog," utos ko kay Liam. Sumunod naman siya na walang salita.

Lihim akong napapangiti dahil pakiramdam ko ay hanggang sa talampakan ko ang haba ng buhok ko ngayon. Dalawang nagguguwapohang lalaki, nagmimistulang slave ko ngayon. Eee, kakilig ano?

Naging seryoso kami sa pagpipiga ng nakudkod na laman ng niyog sa mga sumunod na oras. Halatang excited ang dalawa dahil gusto na daw tikman ng mga ito ang lulutoin namin.

Abala kami sa pagluluto nang may tumao sa labas ng bahay. Inutusan ko ang si Colossus na tingnan kung sino 'yong nasa labas at nang bumalik ay kasama na niya si Jinky.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now