Seventeen

963 22 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Callisto Bautista's Point of View

"Liam!"

Napalingon ako sa may pintuan at tiningnan kung sino ang tumao. Nakita ko doon si Jinky na nakatayo at lihim akong sumimangot bago siya hinarap.

"Jinky, ikaw pala. Wala sina Liam, lumabas. Nakipaglaro ng basketball sa plasa," sagot ko sa babae. Maagang natapos ang gawain namin sa bukid kaya alas kwatro palang ay umuwi na kami.

At matapos maligo ang dalawa ay agad lumabas upang makipaglaro ng basketball sa plasa.

"Ah sige. Dun ko nalang siya pupuntahan. Salamat nalang!" sabi niya at umalis na. Pagkatalikod niya ay nag-make face ako dahil sa inis. Ang kati talaga!

Muli akong pumasok sa loob ng bahay at naabutan ko si Nanay na nagsusulsi ng damit sa sala habang nanunuod ng panghapong programa sa TV. Ang kapatid ko naman ay hindi mahagilap. Lumabas siguro at naglakwatsa. Ke bata-bata!

Naisipan kong pumasok sa kwartong tulugan nina Eric at Liam at nalukot ang mukha ko dahil sa ayos ng kwarto. Magulo ang loob at nagkalat ang mga pinagpalitan nila. Ang kumot ay hindi man lang naayos. Ang mga pinagpalitan nila ay magulong nakasiksik sa isang bag.

Nagpasya akong kunin nalang ang mga 'yon at isama sa mga lalabhan ko bukas. May tatlong t-shirts, pantalon, shorts at briefs!

Ewan ba ko sa sarili kung anong pumasok sa utak ko upang amuyin ang itim na brief na alam kong kay Liam. Nalukot ang ilong ko nang maamoy ko ang amoy-lalaking dumikit doon. Pagkatapos ay napangiti ako dahil sa ginagawa. Para naman akong manyak nito!

Nahaluan ang briefs ng parang amoy ng pawis. At may kakaibang amoy doon.

Sinipat ko ang briefs niya, sa may garter at sa mismong harapan. May parang natuyong uhog doon. Kumunot ang noo ko. Ano kaya 'yon?

Baka pre-cum lang. Nag-wet dreams siguro kagabi

"Ang libog talaga ng mokong na 'yon," wala sa sariling nasambit ko.

Sinamsam ko na lahat ng kalat nila doon saka inilabas at nilagay sa lalagyan ng mga lalabhan ko bukas. Pagkatapos ay muling bumalik sa kwarto at inayos ko ang kama at mga gamit nila. Nagwalis narin ako.

Nang matapos ay naligo ako at nang matapos ay naabutan ko sina Liam at Eric sa sala na kinakausap si Nanay.

Nakatapis lamang ako ng tuwalya na itinaas ko hanggang sa dibdib ko.

Dadaan pa naman ako doon bago makarating sa kwarto ko. Nakabagsak ang basang buhok ko at kita ang mga binti ko dahil medyo maiksi ang tuwalya. Binilisan ko nalang na maglakad upang hindi nila ako mapansin.

Pero pagdaan ko doon, narinig kong may sumipol. Nilingon ko si Liam saka inirapan. Ngumisi lang siya.

Manyak!

Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto at nagbihis at muling lumabas sa sala upang bugbogin si Liam. Pagkatabi ko sa kanya ay agad ko siyang inakbayan at sinakal. Natatawa naman si Eric.

"Ikaw ah, ang manyak mo!" bulong ko sa kanya. Sinita naman ako ni Nanay kaya binitawan ko din siya. Tatawa-tawa pa siya kaya mas lalo akong naiinis.

"Oy kayo. Hindi ba kayo tumatawag sa inyo? Tawagan niyo naman sila para hindi sila nag-aalala sa inyo. Baka isipin nilang nilamon na namin kayo," sabi ko sa kanila. Biglang napalis ang ngiti ni Liam at si Eric naman ay tumingin sa kanya.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko. Hinarap ako ni Eric.

"Wala. Tinawagan ko na si Papa kanina," sabi ni Eric.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon