Twenty

1K 26 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Lee Amiro Sabrosa's Point of View


Grabe 'tong taong 'to, nagtatampu-tampohan pa!

Actually, binilhan ko talaga siya ng marshmallows. 'Yong malaki pa ah! Sabi niya 'yong tigbebente lang daw pero two hundred-fifty pesos kaya bayad nung kinuha ko.

Pero si Eric kasi ang may hawak kanina kaya siguro 'di niya nakita.

Nung sinabi niya sa text kanina na bilhan ko siya ng ganun, talagang naisip ko na siyang bilhan. Alam kong paborito niya 'yon. Pero wala! 'Eto siya ngayon, nakahiga patalikod sa'kin habang tinatakpan niya ng unan ang tenga niya.

Maya-maya ay pumasok din si Eric at tahimik na ibinigay sa'kin 'tong marshmallows saka lumabas din para i-check 'yong sinaing ni Cali.

Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang umupo sa kama niya. Ano kaya ang magandang way para ibigay 'to sa kanya? Sabihin ko kaya, "O ayan na marshmallows mo!"

Baka mas lalong magalit at sabihing masakit sa kalooban ko ang magbigay.

"Saan kaya gawa ang mga marshmallows? Ang lambot oh," sabi ko. Wala! Sablay ang diskarte.

Never akong sumuyo ng isang tao, mind you! Kaya wala akong idea sa mga sasabihin ko. Pero gumalaw si Cali, 'yon nga lang, 'di pa siya humaharap.

Ang ginawa ko, pinatunog ko 'yong plastic ng marshmallows. 'Yong kunwari binubuksan ko na at kakainin. Naghintay ako ng reaksyon galing sa kanya pero wala! Nanatili siyang nakatalikod. Ano pa ba'ng gagawin ko? Iabot ko nalang kaya sa kanya para matapos na?

'Wag! Nagtatampo nga eh, kaya pagtyagaan mong suyoin, sabi sa'kin ng konsensiya ko.

"Cali—" lumunok ako. Pakshet, nahihiya ako. "Cali, sorry na. 'Eto na marshmallows mo. Bumili naman talaga ako kanina eh, hawak lang ni Eric kaya 'di mo nakita," umusog ako ng konti.

Lilingon na 'yan! Lilingon na 'yan!

Naghintay ako baka dahan-dahan lang ang paglingon niya pero bakit hindi parin?

Dahil dun ay tumayo na ako at pumunta sa kabilang side ng kama niya upang magka-face to face sana kami. Pero walang hiyang buhay naman ito oo! Bakit siya tulog?

Alam niyo ba ang feeling ng tinulugan ka habang kinakausap mo siya? Hanep brad, ang sarap niya hong hampasin ng unan sa mukha! Tang-ina, nag-effort pa mandin akong magsalita kanina. 'Yon pala'y makakatulog siya! At ang bilis niyang nakatulog, ano po?

Napabuntong-hininga na lang ako sa inis ko. Pero nung mamasdan ko ang payapa niyang mukha, agad akong kumalma. There is—there is really something wrong with me now.

Ang lakas ng kaba ko!

Hinila ko agad 'yong upuan at dahan-dahan akong umupo sa harap niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya while placing the junkfood beside him para agad niyang makita paggising niya mamaya. Siguro naman 'di na siya magtatampo sa'kin.

"Matutunaw na 'yan sa kakatitig mo sa kanya, bro!" sabi ng isang tao sa may pintuan kaya mabilis akong lumingon. Si Eric. Nakasandal lang siya doon at mataman akong pinagmamasdan.

There is a slight grin on his lips.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya tapos ay hinila ko siya palabas.

"Ano ba'ng nangyayari sa'kin?" tanong ko sa kanya nang nasa sala  na kami.

What I mean is, hindi naman ako ganito ka-attached kay Cali noon eh. At wala 'tong pakiramdam na ito noon. Pakiramdam na laging bumibilis ang tibok ng puso ko 'pag katabi ko na siya.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Where stories live. Discover now