Eleven

1.1K 27 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Callisto Bautista's Point of View

Dalawang araw na ang nakalilipas nang matapos ang final exams namin. Wala na kaming pasok pero hindi pa ako umuuwi sa probinsya. Nagdadalawang isip pa kasi ako.

"Cali, ayos na ang gamit ko. Kelan tayo uuwi sa inyo?" maya-maya ay sumulpot si Liam sa likuran ko.

Nasa rooftop ako at nag-iisip. Tumingon ako sa kanya, parang excited na excited ang itsura niya. "Sure ka na ba talagang sasama ka sa'kin?"

"Alam mo, pang isanglibo't dalawampu't tatlong beses mo nang tinanong sakin 'yan. Parang ikaw yata ang may ayaw na sumama eh. Sabihin mo lang, nakakahiya naman kung-"

"Oo na! Oo na! Don't give me that face again," sabi ko dahil nakasimangot na naman siya. "Sinisiguro ko lang."

"Masyado mo namang pinapahalatang ayaw mo akong sumama." sabi niya saka ngumuso.

"'Wag mo ngang gawin 'yan! Para kang bata. Ampangit mo pa naman. Hindi mo bagay," saway ko sa kanya. Imbes na masupla siya sa sinabi ko ay tumawa pa siya.

"Kelan pa ako naging pangit? FYI, gwapo ito kahit anong anggulo!" sabi niya at nag-pogi pose pa.

Tinampal ko ang noo niya. "Kapalmuks."

"Totoo naman ah. Saan ka pa makakakita ng ganitong mukha?" ngumiti saka siya pinagalaw ang mga kilay. "May dimples, magagandang ngipin at ngiti. Bilugang mata. Moreno at siempre, macho!" sabi pa niya at pinakita ang mga muscles sa braso.

"Sige, uuwi na tayo bukas," sabi ko para matigil na siya sa pagiging narcissistic niya. "Pahiram cellphone mo?"

"Bakit?" tanong niya.

"Basta! Akin na. Tatawagan ko sina Nanay," sabi ko at hindi pa man niya iniaabot sa akin ang cellphone niya ay hinablot ko na ito. Tiningnan ko ang number ng nanay ko sa cellphone ko at dinial sa cellphone ni Liam.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumayo ng bahagya kay Liam. Natagalan bago sumagot ang nanay ko.

Hello?

"Hello 'nay!"

Sino 'to?

"Hala, may iba ba kayong anak maliban sa amin ni Colossus? Nanay, si Estong 'to," sabi ko tapos ay may narinig akong humagikhik sa likuran ko kaya napalingon ako. Nakikinig pala si Liam sa likuran ko.

Tinakpan ko muna ang mic ng cellphone ni Liam. "Bakit ba?" tanong ko.

"Estong?" sabi niya at saka tumawa. 'Di ko muna siya pinansin.

"Ah 'Nay? Hello?"

Hello. Napatawag ka. Bakit anak? Kaninong number 'tong ginamit mo?

"Number ho 'to ng boardmate ko. Actually, kasama ko ho siyang uuwi bukas. Gusto raw niyang magbakasyon sa probinsiya eh," sabi ko habang kinakamot ko ang likod ng ulo ko.

Naku anak. Okay lang iyon. Mas mabuti nga iyon nang makilala namin ang mga nakakasama mo diyan, sabi ni Nanay. Parang excited ang boses niya. Kaya naman napangiti ako.

"Oh sige po, 'yon lang po ang sasabihin ko," sabi ko. "Ay teka! Si Colossus nga po pala?" bigla kong naalala ang kapatid ko.

Andun sa silong ng mangga sa labas. Kasama tatay mo. Kakausapin mo ba?

"Sige po."

Ilang sandali pa ay medyo naging maingay sa kabilang linya. Narinig ko pa ang sinabi ng nanay ko, Collong, kuya mo. Gusto ka raw kausapin. Eto oh.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin