Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Ngprya 01

313K 4.4K 1.7K
                                    


Ngprya 01 // Inside the Box

Kung bibigyan ako ng chance maglakad palayo sa mundong ginagalawan ko, tatakbo ako. Palayo sa lahat. Palayo sa mga problema. Hindi sa nagrereklamo ako ah, sa tingin ko lang kasi, may mga bagay sa mundo na kailangan kong matuklasan para sumaya. Mga pangyayari na kailangan kong makita at ma-experience dahil sa teenager ako.

Hindi tulad ngayon na late ako at tinatadtad ng texts ni Marie.


Marie

SAAN KA NA YUNG PAA KO TINUTUBUAN NA NG UGAT BAKA MAMAYA MAGBUNGA NA RIN AKO NG PRUTAS DITO IBABATO KO SAYO TO

To Marie

Tatakbo na, sorry!

Marie

LIPAD DARNA LIPAD


Lakad-takbo na ang ginawa ko. Habang palapit sa bookstore, pansin ang pila ng mga babae at ilang lalaki na nag-uusap, mukhang kinikilig at ilang parang nagtitilian.

"MARI TWO!"

Gusto kong tumalon bigla papuntang 1st floor mula 3rd floor dahil sa sigaw ni Marie. Pinagtitinginan ako ng mga tao!

Nagulat ang lahat nang bigla akong sampalin ni Marie sa pisngi. Pinanlakihan ko siya ng mata. Sasampalin ko sana agad pero nag-iwas siya.

"Ang sakit ng sampal mo!" pagrereklamo ko habang hawak ang pisngi ko.

"Late ka kasi! Pinaghintay mo ako doon!"

Tinignan ko ang pinanggalingan niya at napangiwi. "Teka, umalis ka sa pila?"

Tinitigan ako ni Marie. Nagbago ang expression ng mukha niya at napa-'ow' pagkalingon niya sa pila. Yumuko ako at umiling.

Imbis tuloy na nasa unahan kami ng pila dahil maaga lagi si Marie, diretso kami sa dulo. Tumahimik ako sa tabi habang si Marie ay walang balak tumahimik. May kausap siya sa phone.

"Hoy Pusa! Ano na? Kami ba kukuha ng libro para sa'yo? Pusa ka 'di ba? Hindi pagong?" halos pasigaw lahat ng sinasabi ni Marie.

Lumayo ako kaunti at tumalikod, tumingin sa ibang direksyon.

Ilang minuto ang nakalipas, narinig namin ang tilian sa unahan ng pila saka gumalaw. Sakto naman ang pagdating ni Maureen na dahilan kung bakit kami nakapila.

"Girls, sorry late ako!"

Hinihingal si Maureen palapit sa amin. Tumitig si Marie sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin na sinundan ni Marie kaya nagtakip na siya ng mata.

Hindi kasi siya sanay sa eye contact, kahit elementary friends kami, nahihiya at naiilang talaga siya.

"Ilang oras na kami naghintay, doon ka nga sa dulo ng pila, mahiya ka sa mga nauna sa'yo." Tinuro ni Marie ang sobrang habang pila sa likod namin.

Ngumuso si Maureen at nagmakaawa. "Ililibre kita ng cake mamaya."

Namilog ang mata ni Marie. "Chocolate?"

"Yup. Mga tatlo."

"Tatlo lang?!"

"Sige na!" Nag-give up na si Maureen. "Lima."

"Okay." Ngiting-ngiti si Marie na umayos nang tayo.

Ako naman, napatitig sa t-shirt ni Maureen at nag-init kaagad ang pisngi ko. Tumingin ako sa paligid, may ilan ding mukhang nakatitig sa shirt ni Maureen. Sobrang papansin ng shirt design niya!

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon