Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Ngprya 08

79.5K 2.9K 1.2K
                                    


Ngprya 08 // Highly Strung

Masyado ata akong nag-expect na mamamangha si Eddard sa akin. Sinisisi ko ulit si Maureen sa pagpasok sa akin ng mga ideas na ang lalaki ay napapatulala at napapatunganga sa mga nakaka-date nila. Bakit nga ba ang pumayag sa ganito? Pwede namang hindi na lang ako sumipot!

Tinitigan ako ni Eddard. Natulala. At biglang tumawa!

Pinagpatawanan niya ako sa harap ng mga tao sa loob ng mall! Pinagtinginan kami ng lahat dahilan para manigas ang buong katawan ko sa kinatatayuan ko. Aaminin kong ang gwapo ni Eddard sa buhok niyang medyo gulo-gulo pero alam kong naka-wax, isama pa ang light blue button down niya at white knee-length shorts pati ang brown na hindi ko malaman kung rubber shoes o kung ano mang sapatos na mukhang mamahalin.

Nag-init ang buong pagkatao ko na pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang kahihiyan. Nanlaki ang mata ko habang tawa siya nang tawa. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa!

Nakakahiya!

Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng asul kong bistida nang lumapit si Eddard. Gusto ko siyang sipain palayo pero nagulat ako nang hatakin niya ako at biglang niyakap.

Ang mabilis na tibok ng puso ko ay may mas bibilis pa pala.

"Sorry for laughing," sabi niya habang natatawa pa rin. Diniin niya ang ulo ko sa dibdib niya. "I was caught off guard."

"Ano?" mahina kong tanong.

"Your dress. Bakit nakaganyan ka?"

Lalo akong nakaramdam ng hiya nang lumayo siya sa pagkayakap at tiningnan ako mula ulo hanggang paa papunta sa mga mata ko.

"A-ano-" Hindi ko malaman kung ano ang dapat sabihin.

"Tara." Hinila niya ako. Tinanong ko sa kanya kung saan at bakit pero sinabihan lang niya ako ng, "Basta."

Tinigil ko ang paglalakad namin nang makarating kami sa pinakasosyal na bilihan ng damit sa mall. Tiningnan ko siya na hinihila pa rin ako.

"Bakit tayo. . . bakit tayo pupunta rito?"

Pinilit niya akong pumasok sa bilihan. Hinila niya ako kaya hindi na ako nag-inarte pa para makakuha ng atensyon. Kung anu-anong damit ang nilapit niya sa akin habang sunod lang ako nang sunod sa kanya.

"Anong gagawin mo sa mga damit?" tanong ko sa kanya nang nasa counter na kami habang hawak niya ang isang dark blue button down at black shorts. "Teka, Eddard-"

"Kung hindi ko bibilhin, ikaw ba bibili?" tanong niya na nagpatigil sa akin. Kinuha niya ang wallet niya at nagbigay ng pera sa counter. Nanlaki ang mata ko dahil ilang libo ang binigay niya. Nagtaka pa ako dahil kinuha niya ang sapatos niya at pinakita sa counter. "At isang pares ng slip-ons. Her size."

Mabilis na umaksyon 'yong katabing saleslady habang napahawak ako nang mahigpit kay Eddard dahil sa mga pinaggagagawa niya.

"Bakit mo ginagawa 'to?"

Tinitingnan na kami ng nasa counter habang nakangiti. Tiningnan ko si Eddard, pinaghalong ngisi at amusement ang nakikita ko sa kanya.

"Binabaon kita sa utang, Maris," sabi niya habang nanlalaki ang mata ko. "Para wala kang kawala sa akin."

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumitig sa presyo nang binili niya kahit button down, shorts at isang parehas ng slip-ons na sinasabi niya. Pagkakuha niya ng pinamili, hinatak niya ako at pinapuntang CR para makapagbihis.

Nakapasok na ako ng CR pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari kahit parang pakiramdam ko ay wala pang isang oras ang pagkikita namin ni Eddard.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon