Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Ngprya 06

82.8K 2.6K 777
                                    


Ngprya 06 // Nomination

Sa pagkarating ni Eddard Vane sa classroom, parang tumalbog ang puso ko bigla sa sobrang kaba. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil lang sa presensya niya. Hindi na ako natutuwa pero wala akong magawa.

Ang abnormal na ng katawan ko dahil sa lalaking 'yan.

"Okay class, pipili na tayo ng class officers. Any nomination for president?"

Dahil magkakakilala na kami, pwera kay Eddard Vane, mas madali ang pagpili ng officers dahil alam na kung sino ang pwede i-nominate. Halos parehas ang officers pero may ilang nawala dahil umayaw na sila.

Si Maureen ang naging secretary dahil maganda ang sulat niya pati nagrereklamo na rin kasi 'yong dati naming secretary. Pagod na raw siya magsulat sa blackboard. Si Marie ay nakuhang isa sa mga sargeant at arms. Ninominate ni Marie si Mao bilang treasurer pero natalo.

Hindi raw kasi mapagkakatiwalaan si Mao na tinawanan naming lahat.

"For muse?" tanong ni President. Lumibot ang tingin niya sa paligid. Madalas ang muse namin ay si Reena kaya nagtaas ng kamay ang isa niyang kaibigan para i-nominate siya. Sinulat ni Maureen ang pangalan ni Reena. Ngumiti si President sa kabilang dulo at tumuro. "Eddard? May ino-nominate ka?"

Kahit nakatingin ako sa kawalan, tumigil sandali ang buong paligid ko nang marinig ko ang paggalaw ng upuan. Tumingin ako sa mga kaklase namin na nilingon siya. Paglingon ko kay Eddard, napatitig ako sa kanya dahil nakatingin siya sa akin habang nagsasalita.

"I nominate Maris for muse," sabi niya habang nakangisi.

Umupo si Eddard habang ang mga tao ay panay tanong. "Maris? Sino si Maris?"

Nanlalaki ang mga mata ko na ibinalik ang tingin sa blackboard. Narinig ko ang paulit-ulit na pagbanggit ni Mao ng 'Maris' na pangalan.

"Maris? Maris. . . Marisol? Marisolei? Mari?" Nilingon ako ni Mao. Lumingon din ang ilan sa nakarinig. "Ikaw si Maris?"

Gusto kong lumubog sa sahig nang isulat ni Maureen ang pangalan ko sa blackboard, sa ibaba ni Reena, sa ilalim ng Muse category. Hindi ko malingon si Eddard dahil natatakot akong nakatingin siya sa akin. Sobrang kinakabahan ako.

"Woohoo! Kaibigan ko 'yan!" sigaw ni Marie kaya mas lalo akong nahiya. "Kasing ganda ng pwet ko 'yang si Mari Two!"

Nagtawanan ang lahat. Mas gusto kong lumubog kaya yumuko na ako.

"Anyone? Last?" Nagturo ulit si President. "Eddard? May ino-nominate ka ulit?"

Pumikit ako. Nagpaulit-ulit sa utak ko na sana mag-nominate pa siya ng iba. Na marami kaming pinagtitripan niya. Sana hindi lang ako. . . sana-

"I close the nomination."

Putek.

"I second the motion!" sigaw ni Marie habang tumatawa. Tinutulak-tulak pa niya ako.

Double putek!

"Okay, tulad ng tradisyon, nominated muses?" Tiningnan ni president kami ni Reena. "Rampa sa aisle!"

Nanginginig na ako sa sobrang kaba. Nauna si Reena. Dahil full of confidence siya, maganda ang pagkakarampa niya sa aisle. Tumawa-tawa pa siya habang naglalakad sa gitna.

Kung ako tatanungin, si Reena ang pinaka-okay na maging muse dahil kakayanin niyang dalhin ang sarili niya. Nang time ko na para maglakad, nanginginig pa ang tuhod kong tumayo. Nanlalamig na rin ang kamay ko at pinapasmado.

Hindi ako 'rumampa'. Naglakad lang ako mula harap papuntang likuran papuntang harap ulit. Sobrang bilis nang paglalakad ko dahil pakiramdam ko bigla akong babagsak sa sobrang kaba. Bago ako maupo sa pwesto ko, napalingon ako kay Eddard Vane na nakangiting nakatingin sa akin. May binubulong sa kanya ang katabi niyang si Kith.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon