03

7 2 0
                                    

I left my unit early and went straight to UST, I saw Aicy sitting in her desk but I did not talk to her. Jillian is still in my bed when I left pero nagluto naman ako in case na magising siya at gusto niya nang kumain.

Noong dumating ang prof namin ay nakinig lang ako, History of Architecture nanaman. Buti nga ay hindi ako inantok. Nang matapos na ang klase namin sa History of Architecture, bumaba muna ako para tawagan si Jill. Baka marinig kasi si Aicy at kung anu-ano nanaman ang maisip nun.

"Hey, Jill. Good morning, are you still in the unit?" I asked.

"Ah, no, nakaalis na ako, why? May naiwan ka ba? Pupunta lang naman ako sa studio. Pwede kong ihatid sa may UST Hospital. Gusto mo?" Sabi niya, parang naglalakad nga lang siya.

"Wala naman akonv naiwan. Just checking on you. Matagal ka ba sa studio niyo?" Tanong ko because if we have the chance now, I will introduce her to my family.

"Hindi naman. May guesting lang. Probably, mga 3-4 hours. Anyways, bye. Nandito na yung sundo ko from the management."

She ended the call and bumalik na ako sa room namin. Pagkaakyat ko ay nakita ko na mayroon nang professor sa loob kaya hindi na ako pumasok. I waited outside for 1 hour and 30 minutes, after that, it's our time for lunch.

Naghanap ako ng malapit na makakain dito sa España dahil nakaligtaan kong magdala ng delivered food ng chef namin sa mansion. Okay na rin naman ako dito sa nahanap ko na fast food.

Naisip kong tawagan si Jill pero baka busy na siya sa guesting niya kaya hindi ko na itinuloy pero bigla siyang nag live sa IG niya kaya nanuod muna ako. Syempre, todo papansin ako, siya naman, tawa lang nang tawa sa mga joke ko.

Bumalik na ako sa UST after that, at nag stay sa room for 5 hours dahil sunod-sunod na ang klase namin. Nang matapos iyon ay mag-gagabi na, nakita ko na nag message rin sa akin si Mommy.

Rita Buenavista: Nak. Where are you na? Dress up, okay.

Teri Buenavista: Campus pa po mommy, pauwi na sa condo. Can I bring a plus one po? Naikwento ko po kasi sa friend ko and gusto niyang sumama.

Rita Buenavista: Sure, anak. Ayaw ko lang yung mga pa cool ha, I want that friend of you to look elegant. Nakakahiya sa mga amiga ko.

Teri Buenavista: Opo, mommy.

I drove as fast as I can hanggang sa makarating ako sa condo, I also bought one glittering beige dress for Jillian. Puro lang kasi plain ang damit na binili niya.

Nang pumasok ako sa unit ay nakaupo siya sa kitchen at ang iPad niya ay nasa dining table, nakapagluto na rin siya and nakapambahay na, wala na ring make up pero may lipstick pa.

"Hey, Therese. How's your day?" She asked me before she hugged me then get my tote bag and place it in the couch.

"Okay lang naman. I need to change because naghihintay na sina mommy. Anyways, gusto mo bang sumama sa akin? I bought a dress for you. It's inside my tote bag. Please get it and change if you want to join me." I said before I rushed in my bedroom and change.

Mabilis lang naman talaga akong magbihis kahit noon pa man, after kong magbihis, sinilip ko ang phone ko at may text ulit si Mommy.

Rita Buenavista: Teri, saan ba nakatira yung friend mo? Kailangan mo pa ba siyang sunduin?

Teri Buenavista: Hindi na po, dito lang siya nakatira sa condo. Paalis na rin po kami.

Rita Buenavista: Okay, see you later.

Lumabas na ako ng room and I saw Jilian in the dress already and fixing her make up in front of the mirror, she's also wearing the white high heels that she bought yesterday.

Meadow In The Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon