05

5 2 0
                                    

Nagising ako na wala siya dito sa unit, bumaba rin ako sa lobby to look for her, pero wala rin. Pumasok ako sa kwarto niya pero naroon pa rin naman pala ang gamit niya kaya hindi na ako masyadong nag-alala. Wala akong pasok ngayon dahil Sunday, may pupuntahan lang kami nina Myrhe na party mamaya, last na party na ito for this month.

Bandang alas-onse ng umaga, nag message si Jillian sa akin.

Jillian Concepcion: Nasa airport ako ngayon going to Camiguin island for a guesting. I left at 4 am pero tulog ka pa kaya hindi na kita ginising. Yung binili ko na pala na yesterday ay nasa room, kuhanin mo na lang, sketch pad 'yon pero naka roll. Nakita ko kasi na malapit nang maubos yung gano'n mo. Baka wala rin signal sa island, babalik rin naman kami kaagad. Mag-iingat ka ha.

Therese Buenavista: Okay.

Naglinis lang ako sa unit and bought some new designs and wall arts, magpapapaplit nanaman ako ng designs. It's a usual thing to do for me every two months. I bought beige design for me and purple for Jillian. While in the kitchen and living room, I chose neutral corols.

Yung kwarto ko ang inuna ko, after that, may kumatok and when I opened it, I did not expect that it was Aicy with Mryhe. Wala si Liz. Hindi kumpleto ang barkada kapag kulang ng isa.

"Anong ginagawa mo rito, Espino? Balak mong silipin kung ano ang ginagawa namin ni Jill?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Teri, sorry about our behaviour the last time, hindi naman namin alam na masasaktan si Jill nang ganoon. Believe me, it was all a joke," sabi niya but I can't keep her here if Jill is hurting dahil sa mga sinabi niya.

"Myrhe, come inside. Espino, not today." I said before I closed the door.

"Magkaaway kayo. Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Myrhe.

"Nasaktan si Jill sa mga sinabi nila regarding sa pagtuloy niya rito, kesyo live in na raw kami and I think, may iba pang naririnig si Jill na hindi nakakarating sa akin." I said and she sat next to me.

We were just talking about some stuffs hanggang sa mapukaw ng mga decorations ang mga mata niya kaya iyon na ang ginawa namin. May pupuntahan rin kasi kaming party mamaya.

Napapadalas na nga rin ang party these days. I should control myself. Mababa ang tolerance ko sa alak. And may kasama na ako sa unit, hindi na pwedeng umuwi ng late.

"Okay. So what are we gonna do? You want me to help you in the decorations?" Myrhe asked.

"Sa room ko pwede, pero sa room ni Jillian, hindi. Ako ang mag aayos ng design doon. So, let's start."

Mabilis lang naman kaming nakagawa ng maayos na style ng room ko. Aesthetic nga siyang tingnan pero natatamaan ng sunlight kapag tirik na ang araw. I hate it because it is hot.

Ang room ni Jillian ay nilagyan ko ng mga polaroid photos niya na nakuha ko sa Instagram. Any shade of purple rin ang pinaghalo ko. Magugustuhan niya naman siguro ito kapag bumalik na siya.

Bago kami pumunta ni Myrhe sa party, nag update sa akin si Jill. Picture yun na nasa backstage na siya and maraming lights tapos nagwawala na ang crowd. I just replied it with 'take care of yourself there, ily♡' and she managed to replied again with, 'nabigla naman ako sa pa ILY mo madam', I just laughed when I read that.

"Pupunta si Aicy at Liz?" I asked Myrhe.

"Si Aicy, kahit hindi mo na tanungin, you know the answer na. Go yun agad kapag may party. Si Liz, I don't know, maybe kung mapipilit ni Aicy, yes but don't assure that she would come." Myrhe said as we ride in a cab.

Malapit lang rin naman ung location. Kaibigan yata ito ni Kuya Lenard dahil nasa harap sila, kasama rin nila yung boyfriend ni Sandy at yung pesteng tsinito na gustong-gusto ako. Lewis yata ang pangalan ng lalaking iyon.

Meadow In The Pink SkiesWhere stories live. Discover now