06

9 1 0
                                    

We spent couple of months together in my unit up until she bought her own unit too pero kapitbahay ko pa rin naman siya. Hindi ko rin nakita ang mommy niya na pumunta man lang doon nung inilipat niya na ang mga binili niyang gamit.

Napansin ko rin na araw-araw na siyang nagtatrabaho ngayon, minsan nga hindi ko na rin siya nakikita. Pareho rin naman kaming busy dahil finals week ko na rin. Naisip kong puntahan siya sa unit niya pero mukhang wala na naman yatang tao. Hindi na madalas magtagpo ang schedule namin.

Nag message ako sa kaniya pero wala ring reply kaya pumunta na lang ako sa office ng management niya, baka sakali lang na narito siya. Nagdala na lang rin ako ng favorite niyang donuts para naman matuwa siya.

Nag taxi lang ako papunta ng Mother Ignacia Avenue, kaunti lang naman ang fare dahil malapit lang ito sa condo. Nang makarating ako, nag tanong ako sa guard kung naroon ba siya, sabi nung guard ay oo kaya pumasok na ako.

Umakyat na ako sa second floor dahil may nakapagsabi sa akin na naroon daw siya. Inilibot ko muna ang paningin ko bago ko siya makita sa loob ng isang silid, may green sa likod niya at may kayakap siya, ang daring rin ng suot niya.

"Oh kaninong yaya yung nasa labas?"

Narinig kong nagtanong yung isa sa staffs ng management nila. Grabe naman kung mang look down 'yan, mukha ba akong yaya sa suot ko?

"With all due respect, Mister, I am the daughter of the CEO of the biggest hotel in this country. I am Therese Rushandi Buenavista, daughter of Mr. and Mrs. Teodoro and Margarita Buenavista." I introduced myself.

"Oh my gosh. I didn't mean to say that, ma'am. What do you need here po? Bakit ka po sumisilip?"

I didn't answer the question. I left the place instead and look for a taxi, nakita kong humabol pa si Jillian pero nakasakay na ako kaya hindi na niya ako nakita. After a while, tumawag siya. But I didn't answer.

Nagpahatid lang ako sa office ni Daddy pero mukhang wala naman siya dito kaya sa lobby lang ako. Tuloy-tuloy pa rin ang pag dial ni Jillian kaya nag message na lang ako na tapusin niya na muna ang trabaho niya.

Tumingin ako sa phone ko nang mag vibrate ulit ito. Ang kulit naman, sabi ko ngang tapusin na muna ang trabaho.

itsyourjillian: I'm so sorry kanina sa behavior ng staff. Hindi ko alam na ikaw yung nakatayo doon kanina. I am sorry again. Promise, babawi ako kapag hindi na masyadong busy.

I just leave it on read. Narito ako sa lobby nang biglang dumating si Dad kaya sumama ako sa kaniya sa office niya.

"It makes me happy seeing you here, anak. What brought you here?" Tanong niya.

"Just having some problems lang po, dad and gusto ko lang po mag visit para naman makakita ako ng ibang lugar. Lagi na lang kasi akong nasa Timog and España e." I answered.

"Timog and España lang? I saw you a lot sa Mother Ignacia. You're visiting Jillian, right?"

Nagulat ako nang sabihin niya 'yon, akala ko walang nakakakita sa akin na masyadong ka-close habang naghihintay ako kay Jill. I never thought na si daddy pa pala ang makakakita.

"Paano niyo po nalaman?" I asked.

"I was once a young man, anak." He responded.

Pumasok ang secretary niya kaya tumahimik muna ako. Workaholic 'yan si daddy, kapag trabaho, trabaho lang, huwag hahaluan ng kalokohan dahil may time naman para sa kalokohan at nakikisabay naman siya sa trip ng employees namin. Nagsalita lang ako ulit nang lumabas na ang secretary niya.

"Dad, what would you feel if I told you that I like a girl?" I asked.

"It's fine. Introduce us to the lucky girl." He said.

Meadow In The Pink SkiesOnde histórias criam vida. Descubra agora