Chapter 21 : Longing To Elly

1.2K 41 5
                                    

Ellysabeth P.O.V

Napahinga nalang ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin, wala akong maalala sa sinasabi ng Detective na yon kesyo special daw siya sa buhay ko.

Hindi ko magagawang magtiwala agad sa mga sinasabi niya dahil wala akong maalala sa kanya.

Maya-maya ay narinig kong tumunog na ang motorcycle na sinasakyan niya patakbo akong lumapit sa balkonahe para sulyapan siya.

Tumingin siya sa dereksiyon ko, ganoon na lang ang pagkailang ko nang tignan niya ako.

Kita ko ang lungkot sa mga tingin niya parang ang bigat bigat ng dibdib niya sa nangyayari sa akin, how can I trust with her words eh wala talaga akong maalala.

Bumusina siya ng dalawang beses bago pinaharorot ang motor, tinitignan ko siya hanggang makalabas siya ng gate.

Papaalis na sana ako ng balkonahe ng balkonahe ng biglang sumakit ang ulo ko, sandali akong napahawak sa glass door na pinto nito.

"Ang kulit mo talaga!" umaalingawgaw sa isip ko ang boses na yon, pero hindi ko matukoy kung kanino at sino ang taong yon, malabo kong nakikita ang isang babaeng hinahawakan ng mahigpit ang braso ko at hinihila ako pataas ng balkonahe na ito.

"Kapit lang.." rinig ko ito sa mismong isip ko na hindi ko matukoy kung sino ang nagsasalita dahil malabo siya sa alaala ko.

"1..2..3.." parang nag e-echo ito sa tainga ko. Nakikita ko ang kamay ng isang babae na nakahawak sa akin ng mahigpit pero hindi ko makita ng maayos ang mukha.

Napaupo nalang ako at napahawak ng mahigpit sa sobrang sakit ng ulo ko.

Sino ka ba talaga Detective George??
Ikaw ba yung babaeng yon?

Pinilit kong makatayo at naglakad ako ng dahan dahan papunta sa kama ko binuksan ko ang cabinet na malapit dito at hinanap ko ang gamot ko, agad kong nilagay ito sa bibig ko at patakbo akong pumunta sa mini table para uminom ng tubig.

Napa upo ako sa sahig, sobrang sakit ng ulo ko, kasabay non ang paglitaw ng kakaunting alaala na yon.

Maya-maya ay nawala ang sakit nito.
Tsaka ako kumalma habang pawis na pawis naman ako dahil sa sakit na nilabanan ko ng ilang segundo.

Napahinga ako ng malalim, ewan pero parang ang sikip ng dibdib ko ng makita ko ang kakaunting alaala na yon, kahit malabo ang mukha ng babaeng nasa alaala ko nakaksigurado ako na malaking bahagi siya ng buhay ko.

Namalayan ko nalang ang pagtulo ng luha ko, pinunas ko ito ng palad at tinignan ko ang palad ko, bakit ako umiiyak? Bakit tumutulo ang luha ko? Ano bang nangyayari sa akin?

Nakaramdam ako ng antok pagkatapos ko uminom ng gamot kaya pumunta ako sa kama ko at humiga maya-maya rin ay nakatulog na ako.

****

"Elly!!" Nagising nalang ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko ang sigaw nang isang babae mula sa panaginip ko, pati sa panaginip ko, nakikita ko ang babaeng yon pero sobrang labo ng mukha niya.

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay bumaba ako sa kitchen nakita ko ang isang matandang babae na nagluluto na ng haponan namin, ngumiti siya sa akin ng napalingon siya sa dereksiyon ko, Siya si Na ny Evy yun ang pagpapakilala niya sa akin, mabait at maalaga ang matandang ito sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Tulungan ko na po kayo magluto" sabi ko sa kanya.

"Huwag na baka masugatan ka na naman" sabi niya.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Where stories live. Discover now