Chapter 22 : The Debutant

1.1K 44 4
                                    

Ellysabeth P.O.V

Mula pag gising ko ay abala na ang lahat sa paghahanda sa kaarawan ko.

Maging lahat ng maid at ilang mga  hinire ni dad na mag design ng event.

Sa sobrang busy nilang lahat mas pinili ko na lang na mapag isa muna sa kwarto ko. Mamaya pa daw darating yung mag me-make up sa akin sabi ni Dad kaya mag relax muna daw ako dito sa loob.

Muli na namang may nakikita akong malabong mukha ng babae sa alaala ko, kasabay nito ang pag kirot ng ulo ko.

"Ahh!" napasigaw ako sa sobrang sakit, napatingin na lang ako sa pintong bumukas, she's wearing a black pants and black leather jacket and booths, anong ginagawa niya dito ang aga aga.

"Elly, are you okay?" tanong niya sa akin.

Agad niya akong inalalayan maka-upo sa kama.

"Yung gamot ko pakikuha" utos ko sa kanya habang tinuturo ang gamot sa table pati tubig, dali-dali niya itong kinuha at binigay sa akin.

Agad ko namang ininom ito. Ilang segundo akong nanahimik at pilit kinakalma ang sarili, nakatingin lang siya sa akin at inoobserbahan ang mga galaw ko.

"Dapat may bantay ka dito, paano kung anong mangyari sayo" sabi niya. Bumukas muli ang pinto nakita ko si Dad sa labas the door was half open tama lang na nakikita niya kami.

"Detective George... sumama ka na mag-almusal sa amin" yaya niya sa babaeng ito.

"Ah, Thank you Sir, pero aalis na din po ako may gagawin pa ako sa office, dinalaw ko lang po si Elly" sabi nito kay Dad.

"Sige.. pumunta ka mamayang gabi sa birthday party ni Elly" sabi ni Dad at muling isinara ang pinto. Rinig ko ang yapak ng paa ni Dad habang papaalis.

"What are you doing here?" maya-mayang tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kitang makita, kasi hindi ako makakapunta sa birthday party mo mamaya, may gagawin kaming operation" paliwanag niya.

"Gusto ko mapag-isa, umalis ka na" deretsong sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako sa mata ng seryuso, like she's begging for my attention.

"Mag-iingat ka palagi, you know how much I love you Elly" she said while looking at me. Anong ginagawa niya? I don't even know her, ano to she's in love with me?

"Just get lost!" sigaw ko sa kanya, hindi ko alam nalilito na ako sa dapat kong gawin at maramdaman, naiirita ako sa ginagawa niya.

"Okay.. fine..aalis na ako" malumanay na sabi niya.

"Good" maikling sagot ko, but there's something weird inside me, nagsasabing huwag siyang umalis, ano ba ito? Hindi ko kilala ang babaeng ito, Detective George tawag sa kanya ng lahat, pumupunta punta sa akin, so anong connect?

Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya bago umalis, tsaka na rin ako nakahinga ng maluwag, maya-maya ay rinig ko na ang tunog ng motor niyang papaalis na.

Dumaan pa ang ilang sandali halos naging doble ang kabusy-han ng mga tao sa mansion.

Dumating na din ang designer na mag-aayos sa akin, halos lahat sila naka focus ang attention sa paghahanda sa kaarawan ko, nakita ko rin yung ibang staff na hinired ni Dad, na madaming bulaklak at ilaw ang kinakabit sa venue sa garden dahil doon gaganapin ang celebration ng kaarawan ko.

It was just a beautiful set of venue, pati design.

"You're so beautiful and elegant Ms. Anderson" napatingin ako sa biglang nagsalita sa likuran, si Ms. Clayton pala ang choreographer ko. Lagi niyang sinasabi na hindi lang daw kahapon unang pagkikita namin nagkita na daw kami noong nakaraang linggo pa.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Where stories live. Discover now