Kabanata 12

20 2 0
                                    

"Carrie, halika at mag-uusap tayo."

"Ano 'yon, Ina?"

Yumuko si Elena at hinawakan si Carrie sa magkabilang balikat. "Nakita mo naman si Alister hindi ba? Kailangan niya ng isang tao na magtuturo sa kaniya ng kabutihang loob. At gusto kong ikaw ang gumawa noon."

Nanlalaki ang matang sinalubong ni Carrie ang tingin nito. "Ngunit Ina, paano ko gagawin iyon? Isa akong anghel... hindi ko siya matuturuan ng maayos kung nandito ako at wala sa mundo ng mga tao." Ngumiti si Elena at naglakad palayo kay Carrie saka lumingon muli. "Siya ang misyon mo, anak. Kaya maghanda ka dahil nais kitang ibalik sa lupa bukas para maging susi ng pagbabago ni Alister. Tinatanggap mo ba?" Malalim ang naging pag-iisip ni Carrie.

Napaisip ito. "Makakabalik pa ba ako rito sa lugar natin?" Nagdadalawang isip na tanong nito.

Tumango si Elena. "Oo anak. Sa oras na matapos ang misyon mo ay ako ang kusang magbabalik sayo rito sa mundo natin. Matatapos lamang iyon kapag natapos mo na ang misyon mo." Tumango si Carrie at walang pag-aalinlangang sumagot, "Tinatanggap ko po Ina. Sisiguraduhin ko po na gagawin ko ang lahat para magbago siya." Tumango si Elena at muling lumapit kay Carrie.

"Maghanda kana para sa misyong ito dahil alam kong mahihirapan kang baguhin ang batang iyon, Pagkarating mo sa mundo ng mga tao pansamantala kong kukunin ang memorya mo at wala kang maaalala kahit na sino dito sa atin." Muli siyang nagulat. "Pero paano ako makakabalik? Paano ko kayong makikilalang muli?"

"'Wag kang mag-alala ibabalik ko ito sayo sa tamang oras. Tanda na maaari ka nang bumalik dito sa langit. Ngayon pa lamang ay binabati na kita ng maligayang paglalakbay aking munting anghel... umaasa akong sav pagbabalik mo dito ay bagong Alister na rin ang mapapanood namin. Maaari ka nang umalis sa ngayon at bumalik sa mga kaibigan mo. Ipapatawag muli kita kapag kailangan mo nang umalis bukas..." Nakaramdam si Carrie ng lungkot dahil mawawalay siya sa mga kaibigan sa unang pagkakataon. Ngunit nais niyang makatulong. Nais niyang ipakita na kaya niyang maturuan at mabago ang binatang tagalupa.

"Makakaasa ka, Ina.

Himdi mapigilang maluha ni Angel habang binabalikan ang tagpo sa panaginip niya kani-kanina lamang. Wala pa siyang pinagsasabihan noon kahit si Alister.

"Binabati kita sa matagumpay na misyong napagtagumpayan mo, Carrie. Napakagaling mo, hindi mo kami binigong lahat, hindi ako nag si-si-sing ikaw ang binigyan ko ng misyong ito... napakahusay mong bata, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo anak nasasabik na silang makita kang muli."

She wanted so much to cry but don't want a sad farewell that's why she planned to make something memorable for him for the last time.

Masakit pa rin iyong likuran niya because of the wings that trying to grow on her back. Mukhang naghihintay lang ito ng tamang oras para maging ganap na pakpak.

She's running out of time and she's aware of it. Naiisip pa lamang niyang iiwan niya si Ali at ang napakabuting pamilya nito ay nasasaktan na siya ngunit wala iyon compared sa sakit na iiwan niya kay Ali.

Nagbihis siya at nagmamadaling hinanap si Ali sa labas. Sumimangot ito ng makita siyang bihis na bihis.

"Where are you going?" he asked.

"On a date..."

Kumunot ang noo nito at tumayo.

"With whom? Baby, what date?"

"Go to the bathroom and take a bath..."

"And?"

"I'll take you on a date, ayaw mo ba? Ako na 'to oh duh!" She rolled her eyes.

Angel in Disguise Where stories live. Discover now