Kabanata 4

74 8 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggo at tuluyan nang hindi nagparamdam kay Alister ang babaeng palaging laman ng panaginip niya kaya sobra siyang nagtataka kung paano nangyari 'yon. Nagsisimula na rin niyang pag-dudahan ang babaeng kasama nila ng ate niya sa bahay na bigla na lang dumating sa buhay nila. Walang araw nga na hindi niya rin ito napagti-tripan pagdadating niya galing eskwelahan but his sister always there to rescue the girl from her.

"Angel, will you please call, Alister on his room. Sabihin mo bumaba na siya para mag-lunch, " utos ni Alissa kay Angel na agad naman nitong sinunod.

Sa pag-daan ng dalawang linggo ay marami na itong natutunan kay Alissa, madali niya kasing nakabisado lahat ng sinasabi at tinuturo nito sa kaniya at kapag sinisigawan siya ni alister ay lumalaban na siya. Para saan pa't nasa bahay siya ni Ali kung hindi siya gagawa ng paraan para mabago ito, that is her mission.

"What the fvck are you doin' with my condxms?" Nanlalaki ang matang Inagaw ni Ali ang gamit niya sa dalaga na nakaupo sa kama habang pinapakialaman iyon. "Are these kind of a balloon?" Nakakunot noong tanong ni Angel kay Ali.

"Tang*na! Hindi, those are protection from... ahm a-ano basta akin na nga yan!"

Narinig ni Alissa ang sigawan sa taas kaya nag-pasya na rin itong sumunod sa dalawa. "What's going on?" Crossed arm na tanong niya kay Angel at Ali na nakakuha ng atensyon ng dalawa.

"The f*ck ate, tinuruan mo na lang din 'to mag-english bakit 'di mo pa pinaalam sa kaniya kung para saan tong c*ndm?"

Nanlaki ang mata ni Alissa at agad na tinulak si Alister sa kama na agad na natumba. "Condom? Pano ko naman ituturo sa kaniya kung ano at para san 'yan? Meron ba 'ko niyan? Alister Kent Buenavista, sabihin mo nga sa 'kin bakit may gan'yan ka? 'Wag mong sabihing...oh no! Kapag ikaw talaga nakabuntis ng maaga palalayasin kita dito sa pamamahay ko!" sigaw ni Alissa.

"FYI bahay ko rin 'to. Saka pa'no ako makakabuntis e may c*ndom nga? And it's... just incase..." Nakangisi itong tumingin sa kapatid.

"Incase of what?" seryosong tanong ni Alissa.

"Incase of emergency..."

"Itago mo 'yan ngayon na! Ayokong makikita ulit yan kadiri ka talaga, Ali...umayos ka nga." Hinila nito si Angel palabas ng kwarto ni Alister at ibinagsak ang pintuan. Naiwan naman si Alister na halos maluha na sa kakatawa dahil sa nangyari.

Nang bumaba ito ay nagsisimula nang kumain ang dalawa. Naghila siya ng upuan sa tabi ni Angel habang habol naman ang tingin ng ate niya rito. Nagtataka ito kung bakit kay Angel ito tumabi, e palaging siya ang katabi nito noon.

"Hi babe..." Nginisian nito si Angel na napatigil sa pagkain at nilingon ito. "Babe your face, pervert!" Halos mailuwa ni Alissa ang kinakain ng marinig ang sinabi ni Angel sa kapatid. Hindi niya iyon inexpect.

"Ganyan nga, Angel 'wag kang papauto riyan." Bulong ni Alissa sa sarili habang pinapanood kung paano mag-away ang dalawang nasa harapan.

"Arte mo! Pa-salamat ka nga at pina-pansin kita. Sa school nga umaasa silang mapapansin ko silang mga babae." Pagmamayabang ni Alister. She rolled her eyes at tumingin muli rito, "And? Sa school niyo 'yon, hindi mo naman ako kailangang pansinin kung ipamumukha mo sa 'kin 'yang kahambugan mo."

Nagsisimula nang mainis si Alister dahil sa sinasabi ng dalaga. "What the f*ck, woman!" bulong ni Alister at laking gulat pa nito nang biglang tumama ang kamay nito sa kaniyang pisngi.

"Ano ba, para san 'yon?" tanong ni Alister.

"Bawal magmura, ayoko ng nagmumura 'wag ka na lang mag-salita kung mumurahin mo lang ako." aniya sa supladang tono.

Angel in Disguise जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें