Kabanata 2

91 8 0
                                    

"Palabasin mo 'ko," maawtoridad na utos nito sa Security Guard na nakabantay sa gate.

"Hindi po pwede, Sir. Baka sisantehin po ako ng Daddy niyo." Nagdilim ang paningin ni Alister at kinuwelyuhan ang security guard. He even begging himself not to do something on him.

"Clear my pass." utos nito.

Sa University nila, they have gate pass na itatapat mo ang I.d mo sa monitor para makapasok at makalabas ka at kapag umuwi ka naman ng wala sa oras nakarecord sa pass ang I.d mo at ang oras na lumabas ka, they will report it to the Master Teacher na nagmamanage ng bawat profile ng mga estudyanteng pumapasok roon. If they notice that you leave that time without any valid reason ay makikick-out ka sa University. Hindi kana makakapasok roon kahit kalian, that's one of their school's Rules and Regulations.

Kahit na Isa ang daddy niya sa may-ari ng Univeristy at Lola naman niya ang Principal wala pa rin siyang access na makalabas at makapasok kahit kailan niya gusto dahil according to his dad, Alister is just an ordinary student and he don't need a special treatment kahit pa anak niya ito.

"I said clear my pass now! Bingi ka ba?"

"O-opo." Nang tumunog ang monitor, tanda na ginawa na nito ang inutos niya ay walang lingon-lingon itong umalis at hinanap ang sariling sasakyan sa Parking Lot ng eskwelahan. Agad niyang binuksan ang pintuan at inihagis ang bag sa back seat saka pinaharurot ang sasakyan. Wala siyang pakialam kung mag-over speeding siya. Mas binilisan niya ang pagdadrive nang biglang may babaeng humarang sa dadaanan niya kaya mabilis siyang nagpreno at galit na galit na itinigil ang sasakyan saka bumaba ng kotse para tingnan ang nabangga.

"Hoy! Tanga kaba? Hindi mo ba alam na naka go ang traffic light?Magpapakamatay ka ba?" galit na sigaw nito sa babae na nakatungo.

Hindi nagsalita ang babae at tumunghay lamang para tingnan siya. Kumunot ang noo niya ng makita ang mukha ng babae. Hindi niya alam kung
namamalikmata lang siya habang pinagmamasdan ang magandang babaeng nabangga. Nakikita niya ang magandang mukha ng babae sa babaeng nasa panaginip niya palagi.

Naputol ang pag-iisip nito ng businahan siya ng mga kasunod na sasakyan. Hindi niya namalayang nag cause na ng traffic ang sasakyan niyang nakaharang sa highway.

Sasakay na sana muli siya ngunit hindi niya mapigilan hindi mapatingin sa babaeng nabangga niya. Wala manlang itong reaksyon habang nakatitig sa kaniya, marumi ang mukha pero mahahalata pa rin ang kagandahan nito.

"Haist..." Badtrip niya itong binalikan at hinila ang kamay saka isinakay sa backseat ng kotse niya at nagsimula nang magmaneho hanggang sa makarating sa bahay nila ng ate niya.

"W-what the hell, Ali?" Gulat na tanong ni Alissa ng makita ang babaeng nasa backseat ng kotse niya.

"Linisin mo ang sugat niya pagkatapos ay paalisin mo na." Aalis na sana siya ng pigilan siyang muli ni Alissa. "Kailan ka pa natutong mag uwi ng babae?" Halos lumuha na ito sa kakatawa.

"Nabangga ko siya hindi ko siya pwedeng dalhin sa ospital dahil papagalitan lang ako ni mommy kapag sinabi kong naka-aksidente ako, " sagot ni Ali sa kapatid.

"Hello my dear brother, hindi lang naman ospital natin ang p'wede mong pagdalhan sa kaniya. At bakit hindi? Responsibilidad mo 'yon dahil kaskasero ka kasi masyado," paninisi ng ate niya.

"It's her fault Ate! Kung hindi siya tatanga-tangang haharang sa kotse ko e 'di sana hindi ko siya nabangga!"

"Bakit hindi mo tiningnan na may tatawid?"

"Holy hell! Naka go ang traffic light so it means wala dapat tatawid. Kausapin mo nga 'yang babaeng 'yan mukhang wala sa matinong pag-iisip." Bumaling si Alissa sa babae at hinawakan ito sa braso. "Hi, I'm Alissa pasensya ka na sa kapatid ko ha pinaglihi kasi talaga sa sama ng loob 'yan e. Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong nito habang papasok sila sa loob ng bahay. Naupo si Alissa sa couch katabi ang babae at kaharap naman nila si Alister.

Angel in Disguise Where stories live. Discover now