Kabanata I

207 10 0
                                    

"Hindi ba niya alam na mali ang ginagawa niya?" tanong ni Carrie habang kasama ang mga katulad niyang mga anghel at ang isa sa mga namumuno sa kanila.

"Alam mo, Carrie gan'yan talaga ang ugali ng ilan sa mga taga lupa kaya nararapat lamang na turuan sila ng leksyon, " sagot ng babaeng namumuno sa kanila na si Elena.

Mula sa isang Salamin ay napapanood nila kung gaano kasama ang ginagawa ni Alister sa isa sa mga kaklase nito.

"What did you do? Ang tanga mo naman! Hindi mo ba nakitang dadaan ako at talagang inapakan mo pa ang sapatos ko?" sigaw ni Alister sa nakabunggong estudyante.

"P-pasensya n-na,  A-Alister hindi ko napansin h-hindi ko si-sinasadya... s-sorry," utal na sagot ng lalaking takot na takot.

Agad itong kinuwelyuhan ni Alister at umaktong susuntukin ngunit nagsalita muli ito, "Sapak o pupunasan mo ang sapatos ko?" tanong muli nito saka naglaro ang ngisi sa labi.

"P-pupunasan ko n-nalang po..." ani estudyante at agad na kinuha ang malinis na panyo niya sa bulsa at walang pagdadalawang isip na pinunasan ang sapatos ni Alister.

Ngumisi ito ang binata. "Ganyan nga, kita niyo to?" Turo ni Alister sa lalaking nagpupunas pa rin ng sapatos niya.

Takot na takot lahat ng nakakakitang estudyante dahil sa gulong ginagawa niya.

"Ganito ang ginagawa ko sa mga tangang katulad nito, that's why, better look on your way kung ayaw niyong mas malala pa dito ang gawin ko sa inyo, maliwanag?" Nagsitanguan lamang ang mga estudyanteng nandoon dahil sa takot.

"Now, go! Umalis kayong lahat sa paningin ko!" Sinipa nito ang estudyanteng nagpupunas ng sapatos niya kanina lamang. Ang iba naman ay mabilis na nagtakbuhan palayo.

"Napakasama niya talaga, ina. Dapat siyang matuto ng leksyon! Hindi niya dapat tratuhin ng ganiyan ang kapwa niya," reklamo ni Carrie kay Elena habang nakakunit ang noong pinagmamasdan si Allister sa lupa.

"Oo nga, ina! Kailangan niyang magbago..." wika naman ni Riz, isa sa mga kasamahan ni Carrie.

"Carrie, halika at mag-uusap tayo... Riz bumalik na muna kayo sa pagbabantay sa mga alaga niyo," utos ni Elena at mabilis naman ang mga itong nagsialisan.

"Ano 'yon, Ina?" tanong ni Carrie, nagtataka kung bakit nais siyang kausapin ng Pinuno at tagapangalaga nila.

Yumuko si Elena at hinawakan si Carrie sa magkabilang balikat. "Nakita mo naman si Alister hindi ba? Kailangan niya ng isang tao na magtuturo sa kaniya ng kabutihang loob. At gusto kong ikaw ang gumawa noon." Nanlalaki ang matang sinalubong ni Carrie ang tingin nito. "Ngunit Ina, paano ko gagawin iyon? Isa akong anghel... hindi ko siya matuturuan ng maayos kung nandito ako at wala sa mundo ng mga tao." Ngumiti si Elena at naglakad palayo kay Carrie saka lumingon muli. "Siya ang misyon mo, anak. Kaya maghanda ka dahil nais kitang ibalik sa lupa bukas para maging susi ng pagbabago ni Alister. Tinatanggap mo ba?" Malalim ang naging pag-iisip ni Carrie.

Napaisip ito. "Makakabalik pa ba ako rito sa lugar natin?" Nagdadalawang isip na tanong nito.

Tumango si Elena. "Oo anak. Sa oras na matapos ang misyon mo ay ako ang kusang magbabalik sayo rito sa mundo natin. Matatapos lamang iyon kapag natapos mo na ang misyon mo." Tumango si Carrie at walang pag-aalinlangang sumagot, "Tinatanggap ko po Ina. Sisiguraduhin ko po na gagawin ko ang lahat para magbago siya." Tumango si Elena at muling lumapit kay Carrie.

"Maghanda kana para sa misyong ito dahil alam kong mahihirapan kang baguhin ang batang iyon, Pagkarating mo sa mundo ng mga tao pansamantala kong kukunin ang memorya mo at wala kang maaalala kahit na sino dito sa atin." Muli siyang nagulat. "Pero paano ako makakabalik? Paano ko kayong makikilalang muli?"

Angel in Disguise Where stories live. Discover now