Kabanata 6

134 10 4
                                    

Trigger Warning: Sexual Harassment

Makalipas ang ilang minuto pagkatapos ng klase ay parang mabibingi si Angel sa dami ng nagtatanong sa kaniya kung magkaano-ano sila ni Alister. Malabo raw na kapatid siya nito dahil kilala nila si Alissa na siyang nag-iisang kapatid nito kaya naman lahat yata ng estudyante ay ang tingin sa kaniya asawa siya ni Alister.

Hindi ba p'wedeng pinsan muna?

Ngayon ay nasa Guidance office siya kausap ang lecturer at principal nila at hinahanap ng mga ito sa kaniya si Alister na hindi niya rin alam kung nasaan.

"Hindi ko pa po siya nakikita," mahinahong sagot niya.

"Hija, you're the only one I know na malalapitan ko, graduating si Ali at sa tingin ko babagsak talaga ang batang iyon kung hindi siya magseseryoso," sabi ng lecturer nila.

"A-ano po bang maiitulong ko?" walang ideyang tanong niya.

"Kung p'wede sana at kung susunod si Alister sayo ay ikaw na ang bahalang pangaralan siya, kasi kahit ako na lola niya hindi niya 'ko pinapakinggan. Nabanggit sa 'kin ni Alissa na close daw kayo ni Alister kaya rin ako pumayag na mag-aral ka dito kasama niya... "

Sandali siyang natahimik sa sinabi ng lola ni Ali. Hindi naman po kami close ng apo niyo. Si ate Alissa lang naman ang nagdesisyon noon, hays.

Nagdadalawang isip pa rin siya. Alam niyang hirap din siya na pasunurin si Ali. Pero gagawin niya ito para sa lola nito, at kay ate Alissa.

Tumango siya. "Si-sige po. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko." Tumango ang mga ito at nang matapos na ang usapan ay lumabas na siya. Sumalubong agad sa kaniya ang bagong kaibigan na si Ana.

"Hindi mo sinabi sa 'kin na asawa mo pala si Ali, uy ikaw ha!" Nakangusong reklamo ni Anna sa kaniya habang naglalakad papunta sa cafeteria.

"Hindi ko nga kasi siya asawa," depensa nito.

"Asus, kunwari ka pa, ayaw mo pang aminin. Tayo lang naman nakakaalam dito," pangungulit ni Anna sa kaniya. Pababa na sana sila ng hagdan ng makarinig sila ng ingay sa Music Room.

"Nasa loob si Ali," gulat na sabi ni Anna sa kaniya. "Pano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Angel.

"Narinig ko iyong boses niya... saka 'di ba sabi nila Gino dito iyon pumupunta kapag badtrip," Anna replied. Hindi ito naniniwala hanggang sa marinig rin nito ang boses na nang-ga-galing sa loob.

She been my queen
Since we were sixteen
We want the same things,
We dream the same dreams,
Alright (alright)

I got it all
'Cause she is the one
Her mom calls me 'love',
Her dad calls me 'son',
Alright (alright)

"Grabe! Nakaka-inlove talaga ang boses niyang si Ali," komento ni Anna habang kilig na kilig sa pakikinig nila sa binata.

"Ahmm, Anna can we see each other again later? Kakausapin ko lang sana si Ali." Tumango naman ito. "Yah. See you later!" Nagpaalam na rin ito kaya pinihit niya ang door knob ng pintuan at agad na nakuha niya ang atensyon ni Ali at napatigil ito sa pag-strum ng gitara at pagkanta.

Nakangiting lumapit kay Alister ang dalaga. "Hey," bati nito at tumabi ng upo kay Alister.

Alister look at her once. "Anong ginagawa mo dito?" Inilapag nito ang gitara at hinarap ang dalaga.

"Okay ka lang ba?" seryosong tanong nito sa binata.

"Bakit naman hindi?" supladong sagot nito.

"Ali, I know wala lang ako sayo, we're just a strangers to each other. I have no rights to say this pero sana pakinggan mo ang sasabihin ko... k-kinausap kasi ako ng lola mo at ng lecturer natin... sabi nila kung hindi mo raw aayusin ang pag-aaral mo this semester ay posible raw na hindi ka maka-graduate." Tiningnan lang siya ni Alister ng seryoso bago ito nagsalita, "Wala naman akong pakialam kung bumagsak ako, saka p'wede ba, 'wag mo na nga akong pakialaman. This is my life, this is the life I want. So please stop expecting for me to change. Hindi mangyayari iyon. I'll never change myself for others," Aniya.

Angel in Disguise Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ