CHAPTER 19 Sunmi

10 0 0
                                    

Lihim na pinuntahan ko si Taeyeon sa Hotel.

Alam ba ng girlfriend mo na nandito ka?
Agad na bungad niya ng mapagbuksan ako ng pinto

Atleast invite me in first. Or gusto mong dito tayo mag usap sa hallway. Sagot ko

Come in. As if naman hindi ka talaga papasok kahit hindi kita papasukin dito.
Nagtataray na ito, alam ko

And what the hell is the meaning of this?
Bakit ka lumapit kay Seulgi?

Natawa naman ito ng mahina noong una pero naging seryoso na ng humarap sakin.

Hindi ko alam na masyado ka palang affected sa presensiya ko Sunmi. Sagot niya

Just tell me kung ano ang kailangan mo kay Seul. Pwede naman kitang tulongan.

If you really wanted to help sana hindi mo ko pinablacklist sa ibang recording label. Kahit hindi mo sabihin sakin Sunmi, alam kong kayo ang gawa nun. Kayo ang nagbigay sakin ng rasun para mismong si Seulgi ang lapitan ko. I have no choice do i?

Mahirap magbintang Taeyeon. Tugon ko lang

Really? Don't play so innocent. Alam ninyong wala akong laban sa inyo dahil isa lamang akong pipitsuging singer na kung saan saan nalang kumakanta para mabuhay not like you, madaming koneksiyon, madaming pera, may mayamang jowa may mayamang kaibigan. Ano ba ang kasalanan ko sa inyo? Hindi ba dapat ako ang mas galit? Pero parang kayo pa ang naagrabyado.

Natahimik naman ako.

All i want is for you to help me para maabot ko ang pangarap ko Sunmi, akala ko kaibigan kita pero bakit ganito?

Umalis kana lang dito habang maaga pa Taeyeon. Habang hindi ka pa nakarecording. Sagot ko

Bakit? Yan ba ang utos niya sayo?

Walang nag utos sakin. Habang hindi pa kayo nagkikita, habang hindi pa magulo.
Tugon ko

Do you think na manggugulo ako dito? I am here for one reason Sunmi, at yun ay maging isang recording artist. Alam ko yun, alam niya yun. Pero you never helped me. Kaya pwede ba, hayaan niyo nalang ako. Kinapalan ko ang mukha ko sa pag approach kay Seulgi tapos gusto niyong mawala na lang akong bigla? Just pretend na hindi tayo magkakilala like you did ng magkita tayo sa opisina niya. Wala akong sasabihin sa kanya, kung hindi niyo ko pakikialaman.

Umalis nalang ako kaagad dahil alam ko namang hindi na magbabago pa ang desisyon niya.

Ayoko lang ng gulo.

Babe.

Napatalon ako bigla ng hindi ko mapansin na magkasalubong pala kami ni Seulgi sa lobby.

Babe. Pinilit ko nalang ngumiti

San ka galing? Bakit diyan ka lumabas sa Guest Elevator?

Parang bigla kong nalulon ang dila ko dahil nablanko ang utak ko.

Ahm, hey babe. Ahm, may binisita akong isang kaibigan dito kasi siya naka check in. Ginabi ka ata?
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi

A friend? Sino? Bakit hindi mo sinabi sakin. Sana binigyan ko ng discount.

Hinila ko siya papasok sa private elevator niya.

It's okay. Overnight lang naman sila Babe. Luluwas na din sila tomorrow. Nakilala ko sa Manila noong nagpunta ako dun last week. Kanina lang naman nila ako natext.

Ah okay. Gabi na pero dumalaw ka pa din.

Tila may ibang ibig sabihin ang pagkakasabi niya.

Huli ko na nabasa kasi Babe yong mensahe nila. Kaya heto ginabi na din ako sa kakakwentuhan. By the way, kumain kana ba?pag iiba kona lang ng paksa

Pangarap Where stories live. Discover now