CHAPTER 67 SEULGI

11 0 0
                                    

Bago sila nakauwi ng pilipinas ay nakaplano na talagang uuwi na din ako. Nadelay lang na nadelay dahil sa mga papeles na dapat aayusin ko pa.

Kaya natagalan pa ako ng six months sa San Francisco.

Where were you last night? Hinahanap ka ng Ate mo. Pinasok ako ni Taeyeon sa opisina

Sinabihan ko na naman siya na nagdate ako ah. Ayaw ba niyang maniwala?
Nakangiti kong sagot

Seryoso ka ba diyan sa bago mo? Mukhang ang saya mo kasi ngayon.

Oo naman. Seryosong seryoso ako. Syanga pala yong sinabi kong favor sayo tungkol sa invitation ng resort kay Jen. Huwag mo nalang ilagay sa schedule nila total wala ka pa namang nacoconfirm. Babalik din naman siya ng sunday.

Mataman itong nakatingin sakin kaya nagtataka ako.

Hindi mo ba siya sasamahan?

Bakit parang iba ang gustong palabasin ni Taeyeon?

Hindi. May meeting ako sa Manila bukas so sa sunday din ako babalik. Bakit nag iba ba ang isip mo at gusto mo siyang samahan?

Napahinga naman ako maluwag ng mabilis itong umiling.

Busy ang Ate mo kaya hindi niya ako masamahan, kaya hindi ako pwedeng umalis ng wala siya. May meeting din kami sa ibang Managers kaya busy din ako. Sure ka bang papaalisin mo siya ng mag isa?

Hindi naman yun pababayaan ng mga staff dun. Sagot ko

Saan ka uuwi mamaya? Para alam ko ang isasagot sa Ate mo.

Maaga akong aalis kaya sa Penthouse ako uuwi.

Tumango lang ito at umalis na agad. Napapailing nalang ako, ginagawa na naman nila akong teenager na dapat alam nila lahat ng ginagawa ko.

Boss, nagpapagrocery pala si Jennie. Andun siya sa condo.
Mahinang inform ni Winter

Agad akong napangiti. So bumalik siya dun.

Ako na ang bahala. Ano'ng sched ko sa hapon?

Meeting with the sponsors. Then may dinner date ka ng 6pm.

Tell Jackson to attend the meeting. Samahan mo nalang. Then call Yuqi sabihin mo napaaga ang lipad ko dahil may urgent kaya nagmamadali na akong umalis. Lilipad na kami pa palawan later ni Jennie. Thanks Winter.

Mabilis na akong umalis ng building, kasama ko si Jimin dahil siya pa din naman ang driver/bodyguard ko.

Dumaan kami ng grocery.

Ooopss. Sorry.
May nakabanggan si Jimin sa dalawang lalaki

Sir! boss!
Si Kai pala at Sungjae na nakahoodie at shades

Kayo pala. tugon ko

Nag grocery po kayo?
Tila nagtataka pa sila

Yeah. It's been awhile na din na hindi ako nakapagrocery dito satin. Mukhang madami kayong binili?

Tig iisang cart kasi sila na puno na ng laman.

Uuwi kasi kami Boss. Mga pasalubong lang.
Sagot ni Sungjae

Medyo tahimik itong si Kai ngayon.

Ahh. Sige. Mauna na kami.
Paalam ko nalang

Okay Boss.

Bumili ako ng pang samgyupsal, pang sinigang na hipon, ilang toiletress, snacks, at ilang beer. Kumuha din ako ng cooking wine, champagne at tequila.

I'll be at the hotel until tonight. Then lilipad ako pa Manila sa madaling araw. Go back sa kumpanya at ikaw na bahala kay Winter. Magtataxi nalang ako.
Sabi ko kay Jimin ng makatapos na ako sa paggrocery.

Pangarap Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz