CHAPTER 66 JENNIE

9 0 0
                                    

HAnggang sa makarating ako sa bahay ay hindi pa din ako makapaniwala na andito na siya.

Tahimik din sa Kai sa kotse kaya hindi din ako nagsasalita. May busy din ako sa thoughts ako.

Kakabihis ko lang ng pambahay ng tumawag si Winter.

Yes Win?

Nagtatanong si Boss if
Available ka daw now?

Napakunot noo ako.

Akala ko may meeting siya?

Ikaw ang ka meeting niya ng
3pm. Sa penthouse. Maghihintay
Daw siya.

Ha? Ahhh. Bakit?

Hindi ko alam Jen. Pero nakalagay
Dito sa planner na ikaw ang ka
Meeting niya kaya inutusan niya
Akong e remind ka. Should i pick
You up or ikaw nalang ang magpunta?

Bakit sa Penthouse? Wala
Bang ibang place?

My second option maman.
Sa bahay nila sa Village or sa
Condo niya sa 3rd street.
Room 209.

Seryoso ka ba diyan?

Napag utusan lang ako Jennie.
Kaya yes, seryoso ako. Yan ang
Mga binilin niya kanina bago
Sila umalis.

Napatingin ako sa orasan. 2:50 na. Alas dos sila umalis ng syota niya kanina tapos ngayon alas tres ako ang kameeting niya.

Tell her wala akong maalala
Na makikipagmeeting ako sa kanya.
I am not available.

Okay. I will. Bye Jen.

Ano'ng trip niya? Sa pagkakatanda ko ni hindi niya ako kinausap bago kami nakauwi ng pilipinas. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin.

Tapos bigla siyang may jowa, tapos may meeting kami? Ano naman ang pagmemetingan namin?  Pero ang mas nakakainit ng ulo, hindi man lang sa mataong lugar. Condo? Sa bahay nila? Sa Penthouse?

Haaay.... Mabilis na akong nagbihis ulit.
Oh di ba, nag isip pa ako ng kung ano ano pero ang totoo, naeexcite ako.

Buti na din na wala akong kotse, pero hindi pala. So now saan pala ako pupunta?
Bahala na....

Naghoodie nalang ako kahit mainit. Nagpahatid ako sa condominium unit.

Andito po ba si Miss Kang? Tanong ko sa reception na pilit akong minumukhaan

Naka sunglasses kasi ako at nakamask. Naka cap at naka hoodie.

Yes Maam. Kayo po ba ang guest na hinihintay niya? Si Miss Honey?

Bwisit. Miss Honey???

Yes. Ako nga.

Akyat nalang po kayo Maam. Nagbilin na naman siya kanina samin na paakyatin nalang kayo.

Buti nalang iniba ako ang boses ko. Pilit pa din akong sinisipat ng babae hanggang makasakay ako ng elevator. Pwede ko namang akyatin sa hagdan pero mainit kasi.

Pangarap Where stories live. Discover now