CHAPTER 78 TAEYEON

8 0 0
                                    

Every week namin binibisita ang Resort nila sa Palawan. Kahit ayaw ko sanang sumama dahil nahihiya akong umabsent sa trabaho hindi ko mahindian ang asawa ko.

We stayed for 2 days tsaka na bumiyahe pabalik ng Cebu. Agad akong nag report sa opisina dahil tumawag si Jackson na may emergency meeting kami bandang alas singko ng hapon.

Okay take care. I love you.
Hinalikan ko nalang sa noo si Fany at agad ng nagdrive papuntang kumpanya

Nasaan ka na Miss Taeyeon?
Napangiti ako ng marinig ang boses niya

Hello Mcdo, papunta na po. Sorry naman po. Namimiss mo lang ako eh.

Natawa namna ito.

Ingat sa pagdadrive.

Opo.

Mabilis na akong nagpark sa basement dahil baka magalit ang boss ko.

Nagulat ako dahil halos lahat ng department heads andun na sa conference hall.

Have a seat Miss Taeyeon.
Sabi naman ng sister in law ko

Mabilis naman binigay ni Jackson sakin ang folder na naglalaman ng Agenda.

Napakunot noo ako. Pero hindi ako nagtanong, nakinig muna ako kay Seulgi.

Masyado itong risky para sa budget ng Kumpanya natin Boss Seulgi. Sabi ng Head of Marketing

I know. This is a risky project for us. Pero bakit hindi natin isipin na isa itong challenge? Yes maglalabas tayo ng malaking halaga para sa proyektong iba ang makikinabang sa credits. We will just be a shadow of them. And tama ka, malaki ang mawawala sa kumpanya pag hindi ito naging hit. Pero malaking achievement to sa mga Artists natin. Explain naman ni Seulgi

Ano ba kasi ang nangyayari? Wala akong maintindihan sa discussion nila.

Napabuntong hininga naman ang ibang Dept. Heads sa explanation ni Seulgi.

Boss.
Nagtaas din ng kamay ang taga Finance

Yes.

I don't want to sound nega pero pano kung magiging flop to? Maraming projects ang mawawalan ng pondo. Marami ding artists ang magkakaroon ng low budget, mahihirapan tayong habulin to kung sakali.

I know that too. Ang gusto kong marinig sa inyo ngayon ay hindi positibo. I acknowledge all your worries. Kaya ko nga kayo ipinatawag dito lahat. Because i want to know how would you react to this.
Alam kong tayo ang mas apektado when worst comes to worst about this project pero tayo din ang makikinabang pag naging Jackpot Hit to. We just have to trust our Artists. You just have to trust me. I won't make you work on this dahil alam kong marami din kayong mga responsibilities dito sa Company at sa mga Pamilya nito. I will take full responsibility on this. 100%.

Napabasa na lang ako ng ibang nakasulat sa laman ng folder. About pala to sa Concert ng The 8 Star sa Manila.

May tiwala naman kami sa judgement mo Boss. And salamat din at nakinig ka din sa worries namin. The budget will released on Monday.
Sabi ng Head Of Finance.

Thank you.
Tugon ni Seulgi

Nagsitayuan na silang lahat dahil tapos na ang Meeting. Pero sumunod ako sa office ni Seulgi.

What's happening? Tanong ko

No need to worry about that right now.
Just prepare yourself. May imemeet tayo sa Hotel ngayon.

Ngayon na?

Yes. Just bring the schedule ng walo. I'll check it on the way natin sa Hotel.

Pangarap Where stories live. Discover now