FIFTEEN

31 3 0
                                        

"Cake na lang kaya," sabi ko rito.

Last hour ko na malaman na birthday pala ni Gwen, buti na lang nagising ako ng madaling araw tapos nag online ako dahil maaga ako natulog tapos nakita ko message ni Janelle na gusto niya raw bumisita kami kanila Gwen dahil nga birthday niya raw.

"May cake na yun siya, wag na cake." Sabi ni Janelle.

"Wala nga akong idea na birthday niya sana sinabi mo kahapon para may nabili akong gift, cake lang ang alam ko puwede iregalo sa kaniya. Wala tayong time para mag isip pa ng regalo, rush na Janelle." Sabi ko rito.

"Okay, mali ko yun. Sanay kasi ako mag isa na pumupunta roon kaya hindi ako sanay sa update kaya sorry Ven. Mapapatawad mo ba ako?" Tanong nito kaya inirapan ko siya.

"Ewan ko sa'yo Janelle, magseryoso na nga tayo." Sabi ko sa kaniya saka siya hinila papasok sa Mall.

Nagsayang lang kami ng oras sa pag iikot nag end up din tuloy kami sa cake.

"Sayang ka sa oras alam mo yun," sabi ko rito saka siya tinarayan.

"Sorry naman po Madam," sabi ni Janelle saka siya kumapit sa braso ko.

"Kailan ka ba magiging mabaho?" Tanong nito sa akin na halatang inaamoy ako.

"Magtigil ka nga, umayos ka." Sabi ko sa kaniya.

Naglalakad na kami papunta sa terminal ng sakayan papunta sa bahay nila Gwen.

"Mabango ka rin naman ha," sabi ko rito.

"Ay weh!?" Sabi niya saka napabitaw sa pagkapit saka inamoy ang sarili.

"Ang dami mo naman napapansin sa akin, maling desisyon ata maging kaibigan ka beh." Sabi ko.

It was just a pure joke

"Nagsisisi ka na ba?" Sabi nito.

Akala ko ay magagalit siya or what pero sa tono niya parang hindi naman siya apektado siguro ay sanay na sila na minsan nakaka-ooffend yung word na lumalabas sa bibig. Siguro kailangan ko bawasan pagiging rude ko sa kanila. Naaawa ako sa kanila sila na lang 'tong palagi umiintindi sa akin.

Babawi ako sa kanila.

"Nope, thankful pa nga ako eh. Kahit minsan gusto ko na bumalik sa dati." Sabi ko kaya natawa siya.

"Masaya ka naman kaya hindi ka na lugi," sabi niya kaya tumango na lang ako.

Pinara ko ang jeep saka kami naglakad papasok. Tahimik lang kami habang nasa biyahe kami.

"Marami kaibigan yun si Gwen, expected na natin na hindi niya tayo maasikaso pero don't worry magkasama naman tayo kaya ayos lang." Sabi niya kaya tumango na lang ako.

Ito ulit ang unang beses ko a-attend ng birthday matagal na huling attend ko ng birthday kasi mas pinipili ko mag-celebrate ng birthday sa bahay tapos kami lang na pamilya ang bisita, ayoko ng may ibang tao.

"Naririnig ko agad yung videoke nila, pangit ng boses ng kumakanta." Sabi nito kaya hinampas ko siya sa braso ng mahina.

"Wag mo na laiitin, hayaan mo at masaya siya sa boses niya. Pagtiyagahan na lang natin sa tainga." Sabi ko kaya tumango lang siya.

"Happy Birthday, Gwen!!" Magkasabay namin na bati ni Janelle.

"Ay hala! Magtatampo na ako kasi akala ko hindi kayo pupunta. Lalo ka na Princess hindi ka kasi nag-re-reply sa chat ko, wala naman problema sa akin if hindi makaka-attend si Ven since bago lang siya mauunawaan ko pero ikaw Princess humanda ka sa akin." Sabi nito kaya naman natawa lang si Princess.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant