"Ang dami na sa'yo humahanga, see pati mga teacher namamangha sa'yo." Sabi ni Janelle.
Ilang teacher kasi halos ang pumuri sa akin kaya masyadong naging big deal kay Janelle samantalang sa akin ay normal na yun kahit noon pa lang nakakatanggap ako wala lang sa akin yun.
"Idol mo na naman si Nevaeh," sabi ni Gwen.
Walang araw talaga na hindi magbabanganayan 'tong dalawa na 'to promise. Everytime na magsasalita si Janelle laging may side comment 'tong si Gwen.
"Idol ko naman yan dati pa, hanggang ngayon naman eh. Pinapa-inggit ko pa nga sa mga high school friend ko na magkaibigan kami ni Nevaeh eh." Sabi ni Janelle kaya naman napailing ako.
"Share mo lang?"
"K fine," sabi ni Janelle kaya tinawanan siya ni Gwen pero tahimik lang si Janelle.
"Bahala kayo riyan," sabi ko sa kanila.
Nawala ata sa mood si Janelle kaya umuwi agad ng hindi man lang nagpaalam sa amin kaya nagkatinginan lang kami ni Gwen ng naglakad 'to palayo sa amin.
"Napikon mo ata," sabi ko kay Gwen.
"Hayaan mo na at kausapin ko na lang, puntahan ko na lang sa kanila. By the way kailangan ko na rin umalis at sasamahan ko pa si Mama magpa-check up. Sige na Ven, ingat sa pag uwi mo. See you na lang." Sabi nito saka ako niyakap at bineso at nauna na maglakad kaya napabuntong hininga ako.
"Saan na ako ngayon?" Sabi ko sa sarili ko.
Since I don't what to go home I decide to go to the place where Austin bought me. Natatandaan ko pa yun since tinandahan ko talaga siya kasi alam kung babalik ako roon kapag gusto ko lang ng peaceful mind.
Naglakad na ako palabas ng school at naghintay lang ng jeep pagkarating sa terminal.
Inabot ako ng isang oras bago nakarating sa lugar dahil nga naligaw pa ako dahil nga itong lugar na 'to ay hindi bukod sa medyo tago ay hindi rin masyado alam ng tao na may ganito pala na lugar siguro dahil na rin sa lugar 'to para sa may gusto ng peace of mind.
Naglalakad ako para maghanap ng puwesto ng may makilala ko ang taong nakaupo sa damuhan at tila kagaya ko ay mag isa lang din.
"I know everything about him," sabi ko sa sarili ko.
Kahit kabado ako ay naglakad pa rin ako palapit sa kaniya saka siya kinalabit pagkalapit ko.
"Jk," tawag ko sa kaniya kaya agad siya napalingon kaya nagulat siya.
It's been a long time since we talk and this time we met again like we were not talking and decide not to approach each other inside or outside of school. Pero now, I see myself approaching him for the first time again.
"Ven," sabi nito saka siya tumayo kaya napatingala ako sa kaniya.
"I miss you..." Sabi nito saka ako niyakap kaya gano'n na lang ang pagkagulat ko.
"I always want to be with you pero kapag nakikita kita na masaya sabi ko wag na kasi sasaktan lang kita, I want you to be happy kaya I ignore you whenever I see you in the school." Sabi nito saka bumitaw sa pagkakayakap.
"I always want to talk to you pero lagi akong nauunahan ng kaba," sabi nito.
Masyado na akong naguguluhan hindi ko na alam ano pa ang dapat kung gawin. Tahimik lang ako umupo sa damuhan.
"Miss ko na yung dating tayo," sabi ko rito.
"Miss ko na yung pang aasar mo, miss ko na yung pagpapakilig mo, everything about us miss ko na pero hanggang miss lang ako." Sabi ko rito.
Natahimik ulit kami pero sandali lang din ay nagsalita siya.
"Puwede pa naman ulit simulan, malay mo naman." Sabi nito.
Papaasahin lang natin ang bawat isa kaya wag na tayo magsalita ng tapos.
"Ewan ko," sabi ko sa kaniya saka siya tiningnan.
"Masaya na ulit ako Jk kaya sana dapat ikaw rin maging masaya, maraming rason para maging masaya tayo kaya piliin mo palagi ang maging masaya." Sabi ko sa kaniya.
Hinawakan ko siya sa pisnge.
"Mahal na mahal kita, ikaw ang unang lalaki na minahal ko. Wag mo akong kakalimutan ha? Lagi ka lang tumingin sa ulap para maalala mo pangalan ko, Nevaeh kapag binasa mo pabaliktan it's Heaven." Sabi ko sa kaniya saka bumitaw sa pagkakahawak.
"Hindi kita makakalimutan, ikaw ang pinaka magandang bagay na nangyari sa akin at hindi ko pinagsisihan na minahal kita." Sabi nito sa akin saka ako hinalikan sa noo.
"Thankful pa rin ako kasi dumating ka sa buhay ko, pinasaya mo ako kahit sa maikling panahon at pinaramdam mo sa akin na kahit gaano kasakit magmahal ay masarap pa rin sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo at doon pa lang panalo na ako. Ang mahalaga sa lahat ay nalaman natin yung nararamdaman ng bawat isa, no regrets. Wala ka pagsisihan pag alis mo." Sabi ko sa kaniya.
Masaya ako kung aalis siya na okay kami at least alam kung hindi siya aalis sa bansa ng may dalang sama ng loob.
"Pinapatawad na kita," sabi ko sa kaniya.
"Salamat din kasi pinasaya mo 'ko ikaw yung rason bakit nagkaroon ako ng lakas na loob, salamat Nevaeh." Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko kaya hinayahan ko na lang.
Just like before, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang siya naman pinatong niya ang ulo niya sa ulo ko.
"Napatunayan ko na time is gold, kailangan natin sulitin ang araw na kasama natin yung mga taong mahal natin kasi hindi na kaya nito maibalik ang kahapon." Sabi ko sa kaniya.
"Tama ka," sabi niya.
A moment of silence. Magkasabay namin pinanood ang paglubog ng araw.
"Ilang years ka roon?" Tanong ko rito dahil masyado na tahimik hindi ako sanay.
Simula ng maging kaibigan ko yung dalawa natutunan ko ang pagiging matanong.
"Ewan ko baka kasi roon na ako mag aral, matagal baka pagbalik ko rito matanda ka na rin hindi na natin makilala ang isa't isa." Sabi nito kaya napaayos ako ng upo kaya napabitaw siya sa kamay ko.
"Siguro pero sabi nila kapag daw hindi ka nakalimutan ng puso, maaalala ka ng puso mo." Sabi ko sa kaniya.
"Edi greatest love yun," sabi nito.
"Siguro," sagot ko na lang.
Paano mo ba masasabi na siya ng yung greatest love mo? Anong malay ko first time ko lang magmahal. Ito ba yung greatest love? Baka sa mga susunod na taon malalaman ko rin, it takes time.
Hindi ko kailangan magmadali.
Napabuntong hininga ako dahil sa katahimikan.
"Can you wait for me?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"I don't know, nagbabago ang gusto ng tao. Habang lumalaki tayo mas natuto tayo anong malay natin kung may magustuhan tayo habang malayo sa isa't isa. I don't want to settle myself sa paghihintay ng walang assurance kaya wag tayo mangako." Sabi ko rito.
"Babalik ako kahit anong mangyari," sabi nito sa akin.
"Kung tayo naman ang nakatadhana para sa isa't isa, siguro naman gagawa si Lord ng way para pagtagpuin tayo." Sabi ko rito.
"Hindi puwede yun, dapat ipilit natin na tayo pa rin sa huli." Sabi niya.
"Pagtatagpuin tayo kahit gaano pa tayo katagal nawalay sa isa't isa kung tayo talaga ang nakatadhana," sabi ko rito.

ESTÁS LEYENDO
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Novela Juvenil𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...