"Himala ata at nandito ka sa bahay ng weekends," sabi ni Ate Yla sa akin.
"Nakakapanibago na nandito tayong tatlo sa bahay," sabi ni Ate Elle.
"Basta ako tinatamad lang gumala," sabi ni Ate Yla.
"Tambak ako sa gawain sa school," sabi ni Ate Elle.
"Ayoko lang," sabi ko.
"Atsaka napansin ko Jk is no longer come here, I mean last time nagpunta siya rito nag alok sa'yo ng branding under ng manager niya. Hindi ba nag work?" Tanong ni Ate Yla.
Actually, nakalimutan ko na rin yun dahil nga sobrang busy ko sa acads dahil nga dumami yung pasahan then pa-graduate na kami and also yung thesis namin na-busy ako kaya nawalan na ako ng time sa ibang bagay, I'm to focus on my acads kasi nga I'm running as valedictorian.
"Actually ilang beses nag-offer hindi ko lang nasasabi kasi nga masyado ako naka-focus sa pag aaral ko. Siguro nagsawa rin kaka-offer sa akin kaya hindi na ako kinulit pa." Sabi ko.
"Still sayang yun, promotion lang gagawin mo libre na yung item magkano rin kaya yung item sis." Sabi ni Ate Elle.
"Edi sana ikaw na gumawa teh," sabi ko rito.
"Umayos ka nga Ven, hindi mo kailangan magalit. Nagtatanong lang kami." Sabi ni Ate Yla.
"Hindi ako galit,"
"Naiinis lang," sabi ni Ate Elle.
Napabuntong hininga ako.
"Okay lang ako,"
"We're not asking if you are okay?" Sabi ni Ate Yla.
"Ewan ko sa inyo, bahala nga kayo riyan." Sabi ko saka tumayo.
"Kinakausap ka pa namin," sabi ni Ate Elle habang hawak ang kamay ko.
"Okay ayoko lang pag usapan yun kasi tapos na yun," sabi ko sa kanila.
"Binabalikan niyo pa kasi yung bagay na tapos na mangyari eh," dugtong ko pa.
Ayoko na pag usapan yun tapos magtatanong sila bigla. Kung puwede ko lang sabihin sa kanila na nag-mo-move on ako sinabi ko na kaya lang wag na keep ko na lang 'to habang buhay.
"See? May mali talaga eh." Sabi ni Ate Yla.
"May LQ kaya walang gala, alam mo Ven hindi ka magaling magsinungaling. Masyado ka honest kaya kung hindi ka namin mapipilit magsabi halata naman sa kilos mo. Sige na sis spill the tea. Gusto namin ng chika." Sabi ni Ate Elle kaya tinarayan ko sila.
"First of all Jk and I are not a lovers para magkaroon ng LQ busy lang kami ngayon kaya hindi na kmi nagkakasama, atsaka isa pa walang chismis tigilan niyo 'ko at gusto ko ng tahimik na buhay." Sabi ko sa kanila.
"Malalaman din naman yan bunso, may lahi ata kami na imbestigador. Walang sekreto ang hindi nabubunyag." Sabi ni Ate Elle kaya napasandal na lang ako ng ulo sa sofa.
"Magsabi ka lang, handa kami makinig." Sabi ni Ate Elle.
Naiwan ako mag isa kaya tuluyan na akong humiga sa sofa. I always want myself busy para hindi ako nag iisip ng kung ano anong bagay dahil kapag nag iisa ako ay nalulungkot ako kaya as much as possible I want to make myself busy on doing my acads.
Ano ba naman akala nila sa healing stage ko sobrang dali, isang araw lang balik na ulit sa dati. Physical na sugat nagagamot hindi gano'n kasakit pero yung sakit ng nararamdaman ng puso natin at mentally ay mahirapa magamot. Mangungulila ako at hindi ko alam kailan ako makaka usad ng hindi na nasasaktan.
"Why everything is hard?" Sabi ko sa isip ko.
"Because you carry it on your own, why don't you ask for a help? Hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang humingi ng tulong minsan lalo na kapag hindi mo naman talaga kaya, wag mo pairalin sa lahat ng pagkakataon ang pride mo. Minsan try mo rin magpakumbaba dahil hindi lahat mauunawaan ka at hindi kami manghuhula na alam yung nararamdaman mo ng hindi nagsasabi sa amin." Sabi ni Ate Elle kaya napaayos ako ng upo.

YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...