Simula

22.3K 495 15
                                    

Simula

Cassandra

They said homes are supposed to feel like the safest place on Earth, but why is ours chaotic?

Napapitlag ako sa gulat nang marinig namin ni Cassy ang lagabog na nagmumula sa silid ng aming mga magulang. Nagtatalo na naman sila, kaya heto na naman kami ni Cassy at nakakulong sa loob ng built-in cabinet namin.

Hinaplos ko ang buhok ng kakambal ko. "Huwag ka nang umiyak."

Cassy sobbed. "I'm scared. Baka sugatin na naman ni mommy si daddy."

My eyes softened as my young heart got torn into pieces. At ten, we already learned to be sensitive even in the slightest change in our environment. Our parents are always on a fight due to mommy's addiction to gambling and daddy's constant cheating. 

Ngayon nga ay nagtatalo na naman sila dahil ginastos ni mommy ang perang iniwan ng mga magulang ni daddy para sa amin. Katwiran ni mommy ay kinunsinti naman ng mga magulang ni daddy ang pambababae ni daddy. Sinasabi rin ni daddy na baka si mommy ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ni daddy.

"Putangina ng buo mong pamilya, Carlo! Mabuti at namatay na silang lahat dahil wala silang mga kwenta gaya mo at ng kabit mo!" sigaw ni mommy na sinundan ng paghampas ng babasaging bagay sa pader.

Cassy cried even more when we heard Daddy telling mommy that he's had enough. Nagsigawan silang lalo, at mayamaya ay pumasok si mommy sa kwarto naming magkapatid.

"Cassy! Cassandra!" she shouted. 

Nagyakapan kaming magkapatid dala ng takot. Sinabihan na kami noon ng yaya namin na oras na maghiwalay ang mga magulang namin, siguradong magkakahiwalay kami. Ang isa ay mananatili kay daddy at ang isa ay bibitbitin ni Mommy pauwi ng probinsya. 

I cannot let Cassy stay with mommy. Hindi sila magkasundo dahil may pagkamaselan si Cassy. Palagi niyang napapainit ang ulo ni mommy, kaya kahit na gusto kong manatili kay daddy, alam kong oras na maghiwalay sila ay kailangan kong unahin ang kapakanan ng kapatid ko. 

"Ayaw kong maghiwalay tayo, Cassandra. Dito ka lang, ah? Natatakot ako."

I sniffed. "Kailangan may sumama kay mommy, Cassy kun'di hindi siya aalis dito."

"Ako na lang ang sasama kay mommy--"

"Hindi pwede. Si daddy kaya niyang bumili ng mga gamot mo. Si mommy hindi." I held my twin's hand. "Ako na lang, ah? Dito ka na lang."

Humikbi nang husto si Cassy saka ako niyakap. "Huwag na lang tayong maghiwalay, Cassandra. Kambal tayo, dapat palagi tayong magkasama."

Kung may pagpipilian lang ako, gugustuhin ko naman talagang makasama siya, pero paano kung tuluyan na ngang maghiwalay ang mga magulang namin?

Our most terrifying thing finally happened. Hinatak ako ni mommy palabas. Ang mga mata niya ay puno ng galit para kay daddy.

"Halika na! Uuwi na tayo ng Leyte!"

Wala akong nagawa kung hindi ang sumama. Cassy cried so much while trying to reach for my hand. Pati si daddy ay umiiyak na habang yakap niya si Cassy, pero hindi na niya ako nagawang agawin pa mula kay mommy... at iyon ang pinakamasakit. Iyon bang para lang umalis na nang tuluyan ang mommy ko sa poder niya ay isinakripisyo na niya ako?

"Huwag kang umiyak-iyak diyan, Cassandra. Wala na tayong pera ngayon kaya matuto kang maging matatag!" singhal ni mommy nang makarating kami ng Leyte at hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

Niyakap ko na lamang ang aking unan at doon iniyak ang sama ng loob ko't pangungulila sa kakambal ko. Nang umalis si Mommy para gumamit ng droga sa bahay ng kumare niya kahit na bumabagyo, naiwan akong mag-isa sa aming bahay. 

I was so terrified. Lumalangitngit ang mga yero at parang liliparin na. Wala ring ibang pagkain sa mesa kung hindi ang cup noodles na kanina pa natubigan. 

My stomach growled. Sa sobrang gutom ko ay lumapit ako sa mesa't pinagtyagaang kainin ang cup noodles. Naiyak na naman ako nang maisip ko si Cassy. Kung siya ang naisama ni Mommy, baka namatay na siya sa gutom dahil hindi naman siya pwedeng kumain ng cup noodles. Masyadong maselan ang tiyan niya sa mga instant foods, kaya nga madalas siyang mainggit sa akin dahil nakakain ko ang ano mang gustuhin ko. 

"Cassandra? Cassandra, apo?" dinig kong sigaw ng boses ng matandang babae mula sa labas. 

Nagpunas ako ng luha at pinagbuksan ng pinto ang ina ni mommy na nakatira sa kabilang barangay. 

"L--Lola?"

Her tears glistened when she saw me holding the cup of instant noodles. "Diyos ko, apo. Bakit iyan lang ang kinakain mo?"

"Wala pong iba, eh. Umalis po si Mommy, lola."

Nayakap na lamang niya ako dala ng kanyang awa. "Halika, apo. Iuuwi na lamang kita sa bahay. Tumawag ang daddy mo, nag-aalala sayo. Ang sabi ay pupunta siya sa bahay at susunduin ka. Ilalaban niya ang custody sa inyo ni Cassy."

I wiped my tears with the back of my hand. Mayamaya ay tuluyan kong tinanggap ang kamay ni lola. Isinuot niya sa akin ang kapoteng dala niya saka niya ako pinaupo sa kanyang tribike. Nagpedal siya sa kabila ng malakas na buhos ng ulan para lamang mailayo ako sa bahay na tinutuluyan namin ni Mommy. 

Nang makarating kami sa kanyang bahay ay pinaliguan niya ako kaagad at dinamitan ng damit niya. 

"Pasensya ka na, apo at wala akong damit na kakasya talaga sa iyo. Kung hindi rin kasi ako tinawagan ng daddy mo ay hindi ko malalamang iniuwi ka na ng mommy mo rito sa Leyte," ani Lola habang tinutuyo niya ang aking buhok.

"Lola, tatawag ulit si daddy?" 

"Baka hindi na, apo dahil noong naputol ang tawag, sabi niya ay pabyahe na siya gamit iyong helicopter na hiniram niya sa boss niya."

"Nasaan po si Cassy, Lola?"

"Naiwan daw sa boss ng daddy mo, apo. Sa mag-asawang Caranzo. Ayos naman daw si Cassy roon kaya huwag ka nang mag-alala."

I nodded as I hugged my knees. Gustuhin ko mang manatili sa tabi ni mommy, pero ngayong kami na lang ang magkasama ay pati ako natatakot na sa kanya. 

Nang maibaba ni lola ang tuwalya ay lumapit siya sa lumang telebisyon. "Medyo humina na ang hangin, apo. Manood ka muna habang nagluluto ako nang hindi ka mabagot."

"Salamat po, lola."

Tanging payak na ngiti ang iginanti ni lola sa akin bago niya binuksan ang telebisyon, ngunit bago pa man niya nagawang ilipat ang channel ay nag-flash na sa TV ang balita tungkol sa helicopter na bumagsak sa dagat malapit sa isla ng Leyte. Nakumpirma ang dalawang sakay ng helicopter, at nang ipakita sa news ang larawan ng isa sa mga sakay, nalaglag ni lola ang hawak niyang remote.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at ang luha ay namuo sa aking mga mata.

Wala na ang daddy ko...

DUCANI LEGACY SERIES #4: KLINN (Exclusively Available In The VIP Group)Where stories live. Discover now