Kabanata 9

13.3K 446 34
                                    

Kabanata 9

Cassandra

"Ayos naman na si Chichi, Sandro. Kaya lang panay ang tanong ng nanay mo kung kailan ka ba uuwi at may ipakikilala raw sayo. Masama ang kutob ko lalo na iba na naman ang itsura ng nanay mo lately," balita ni kuya Billy sa akin.

I sighed and removed the towel wrapping around my hair. "Baka mamaya iyong matandang mayaman na naman na taga-Surigao."

"Malamang." He sighed. "Alam mo kung ako sayo? Diyan na lang ako. Maghanap ka na lang ng maayos na trabaho diyan tapos padalahan mo na lang ang lola mo rito ng para sa mga kapatid mo."

"Hindi pwede. Kawawa ang mga kapatid ko at si lola kung wala ako diyan, Kuya Billy. Alam mo naman ang ugali ni mommy at ng mga nagiging karelasyon niya. Paano kung may gawing masama kay Chichi at Chokey?"

"Kung sabagay. Hindi bale at nagbabantay naman ako palagi rito kasama ng lola mo. Nananaba na nga ako dahil sa mga niluluto niya't dinadala rito sa ospital."

Natawa kaming pareho, ngunit nang marinig ko ang yapak patungo sa kwarto, dali-dali akong nagpaalam kay Kuya Billy.

I hid my real phone under my pillow and watched the door opened. Mrs. Caranzo went in while still wearing her party dress. Galing sila sa isang charity ball, at base sa pungay ng mga mata niya ay bakas ko ang alak sa kanyang sistema. 

I faked a smile as she walked towards my side. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang aking pisngi kasabay ng paglamlam ng kanyang mga mata. 

"Cassy, anak, mahal na mahal kita. Regalo ka sa akin ng Diyos."

I felt a different kind of warmth in my heart. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawang suwayin ni Cassy ang mga Caranzo gayong magmula nang dumating ako rito bilang siya, walang ibang pinakita ang mag-asawa kun'di kabutihan.

"I love you, too mommy," I managed to reply.

Namula ang sulok ng mga mata ni Mrs. Caranzo sa hindi ko malamang dahilan. Mayamaya ay hinapit niya ako't pinatakan ng halik sa aking sintido. 

"Sana mapatawad mo na ang daddy mo, Cassy. Hindi naman niya 'yon sinasadya."

Napakunot ako ng noo. Ano ang hindi sinasadya ni Mr. Caranzo? Did something happen to Cassy that she didn't tell me?

I decided to keep my mouth shut. Nang siguro ay akala ni Mrs. Caranzo na masama pa ang loob ko, nagpaalam na siya sa akin at iniwan ako sa kwarto. Nag-lock naman ako ng pinto saka ko sinubukang tawagan si Cassy para kumustahin, pero gaya nitong mga nakaraang araw, unreachable siya sa social media pati na sa numero niya.

I sighed. Hindi maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko ay may mas malalim pang dahilan si Cassy kaya niya ako pinagpapanggap na maging siya. Hindi tuloy ako mapakali kaya kahit ayaw ko sanang mangialam sa mga gamit niya, natagpuan ko ang sarili kong binubuksan ang maliit na kahon na nakita ko kanina sa closet niya.

I sat on the carpeted floor of Cassy's walk-in closet as I opened the shoe box filled with sketches. Bata pa lamang kami ay mahilig na si Cassy na gumuhit. Kapag hindi niya nasasabi ang mga bagay na gusto niya, gumagamit siya ng papel at krayola para maipaliwanag ang nais niyang sabihin.

There were torn pieces of paper in it. Sinubukan kong buuin ang mga punit na parte ng bond paper, at nang mabuo ko ay sinubukan kong pag-aralan ang larawan.

It was an old drawing based on the quality of the sketch. Siguro ay mga ilang taon lamang mula nang magkahiwalay kami nang iguhit iyon ni Cassy. It was an image of a sad girl, and some parts of her body were marked with red as if the image was trying to tell something in a cryptic way.

Napapitlag ako nang tumunog ang aking phone. I immediately put the box back to its spot before I went to answer the call. Akala ko ay si Cassy na, ngunit nang makita ko ang pangalan ni Klinn sa screen ay nakagat ko ang aking ibabang labi.

I had to compose myself first before I finally answered his call. "Hello?"

"Hey. Why didn't you tell me that you and Miguel already broke up two weeks ago?"

Napakunot ako ng noo. Miguel? Iyong nobyo ni Cassy? Akala ko ba nasa ibang bansa sila ngayon para sa secret vacation nila?

"A--Ano kamo, Klinn?"

"Si Miguel, nagkita kami kanina sa garahe ni Whiskey. He was asking if nako-contact ba kita dahil hindi ka na raw nagparamdam mula noong nakipaghiwalay ka via chat. Is there something you wanna share? I know I told you that I wanna pursue you, but if you need a friend, I can put my flirty attitude on the sidewalk until you feel better."

Hindi ko napigilan ang mapalunok. "Did you... give this number to Miguel?"

"Uh... should I? I didn't wanna give it without your permission."

"Uhm, pwede bang ibigay mo sa kanya? Para... hindi ka na rin kulitin. Kakausapin ko na lang."

"Huh. Okay. Anyway, just let me know kung tuloy ba tayo bukas sa birthday ni Halley."

"Oo, tuloy naman. Just... just give this number to Miguel, okay? ASAP sana." I swallowed. "Please?"

"Okay," he replied before ending the call. 

Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang phone ko dahil sa tawag ni Miguel. I was hesitant at first when he said he wants to meet me. Pero sa huli ay sumakay pa rin ako ng taxi at nakipagkita sa kanya sa parke malapit sa villa ng mga Caranzo.

I found Miguel sitting on a bench with a glass of liquor in his hand. Nang magtama ang tingin namin ay basag niya akong nginitian. "Cassandra..."

My heart almost jumpe out of my chest. "W--What did you call me?"

Naging ngisi ang ngiti sa mga labi niya. "You think I don't know who you are? You're that twin Cassy said was dead to her."

Para akong sinaksak ng punyal sa dibdib. "Hindi totoo 'yan. Cassy will never say that."

Umismid siya. "Kung hindi siya galit sayo, why would she let you live with the people she despises the most, hmm? Ang lintik na 'yon? Pagkatapos kong tulungan, pati pala ako gagaguhin sa huli?"

"Sandali nga, Miguel. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba kaya ako kailangan ni Cassy dahil may out of the country trip kayo?"

"That was the original plan, but she ditched."

"Paano kung nasa panganib pala siya pero iniisip mong trinaydor ka niya?"

Basag at may bakas ng galit siyang ngumisi. "Because your sister has been cheating on me for a few months now... and you've been her ticket out of her miserable life so she can finally be with her other guy without the Caranzos flipping the whole world for her." His smirk became wider. "Don't worry. I'm not gonna expose you. I don't want her Dad to find her first."

Napalunok ako. "You won't?"

Miguel ran his fingers onto his hair. "No. You are the perfect decoy anyway. Sayang lang."

"Bakit sayang?"

He smirked in a meaningful way. 

"Sayang dahil nagkaroon ka ng kakambal na handa kang ipagkanulo sa demonyo para lang maisalba niya ang sarili niya mula sa impyerno kung saan ninyo siya iniwan..."

DUCANI LEGACY SERIES #4: KLINN (Exclusively Available In The VIP Group)Where stories live. Discover now