Kabanata 8

13.1K 509 61
                                    

Kabanata 8

Cassandra

I hate it. I hate how they mock and laugh about my twin as if all she did is burn money and climb the social ladder while jumping from one boy to another. 

"Come on, Cassy. We both know na kung matalo ka, magsusumbong ka na naman sa mommy mo. Parang noong nag-break kayo ng kapatid ko? Hindi ba nagsumbong ka sa mommy mo na parang bata dahil hindi ka sanay na lalake ang nang-iiwan?"

Nagtawanan ang mga kasama ni Gregory dahil sa kanyang sinabi. Lalo tuloy humigpit ang pagkakakuyom ko ng kamao, at siguro ay kung hindi ko lang iniisip sina Klinn, kanina pa ako napaaway. 

I've been living like a lesbian for several years. Naranasan ko na ang makipagbasag-ulo sa mga lalakeng nagtatangkang tumarantado sa akin at sa mga kapatid ko. I can endure punches and kicks, but never the insults towards the sister I thought I've already lost.

Nadama ko ang paghawak ni Klinn sa aking kamao na tila gusto niyang ipagsalikop ang mga palad namin. I looked at his angry face and realized that he's just controlling himself because I am here with him. Nahiya tuloy ako na pinatulan ko pa si Gregory. 

Ayaw ko siyang mapaaway dahil sa akin, dahil sabi nga ni Cassy, si Klinn ang pinakapasensyoso sa magkakapatid na Ducani. Siya rin ang bihirang masangkot sa mga gulo dahil sa galing niyang makisama. 

Ano na lang ang sasabihin ni Cassy oras na malaman niyang napaaway si Klinn dahil sa akin? Palpak na palpak na nga ako dahil sa tuwing kasama ko si Klinn, hindi ko mapigilang maging natural bilang Cassandra. I always forget that I am Cassy in their eyes, at madalas ay saka ko lang napagtatanto ang kapalpakan ko tuwing nakakauwi na ako.

Klinn intertwined our fingers before he faked a smirk at Gregory. "You know, mate, if you're scared that my girlfriend will kick your ass tonight, it's fine, though. Let your girl race--"

"Fuck off, Ducani." Umigting ang panga ni Gregory. "Magpasalamat ka na lang na hindi ko pinapatulan 'yang shota mo."

"Right, right. Sorry. I forgot that you care for your reputation so much that you'd rather not fight with my girl to keep yourself high and mighty."

Napatayo na siya nang tuluyan sa inis saka lumapit nang husto kay Klinn. "Why don't you race instead? Tayo ang magtuos, hmm?"

Natawa si Klinn. "Bakit naman kita lalabanan kung alam kong kay Cassy pa lang, wala ka nang sinabi?"

Tumaas ang kilay ni Gregory, halatang napipikon na kay Klinn. "Kapag 'tong shota mo, hindi ako natalo, ito ang ipupusta mo."

Klinn looked at me, and in his eyes, I saw nothing but his faith in me. Para tuloy may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Si lola lamang ang nakitaan ko ng ganoon katinding bilib sa akin. I wanted to show Klinn that I am worth believing in, kaya naman unti-unti akong ngumiti at marahang hinaplos ang gilid ng kanyang palad gamit ang aking hinlalaki.

As if Klinn was able to read my mind, he smiled back before he drifted his gaze towards Gregory again. "Kung hindi ka matatalo ni Cassy, tayo ang sunod na mangangarera."

Gregory smirked with so much confidence. "Heat up your engine, Caranzo. I can't wait to do a threesome with you and my girl tonight."

Umigting ang aking panga, ngunit naniningkit ang mga mata ko na lamang na sinundan ng tingin si Gregory nang magtungo siya sa kanyang sasakyan. Hindi ko pa sana aalisin ang titig ko kung hindi lamang inilapat ni Klinn ang kanyang mainit na palad sa aking pisngi upang mapatingin niya ako sa kanya.

"Hey. No matter what will happen, hindi ko naman hahayaang matalo niya ako. Just get behind the wheel and enjoy the moment, alright?"

I drew in a sharp breath when I finally felt anxious after my anger subsided. "Okay."

Klinn softly smiled before he guided me towards his car. Pinasakay niya ako sa kotse, at nang maisara niya ang pinto ay inilusot niya ang kanyang ulo sa bintana.

Muling nagwala ang dibdib ko nang hawakan ni Klinn ang aking batok saka niya siniil ng halik ang aking mga labi. 

Para na namang lumipad ang isip ko palabas ng bintana. My eyes shut as I answered his kisses until we ran out of air in our lungs, at nang magtama ang tingin namin, namungay ang aking mga mata nang haplusin niya ang aking panga gamit ang kanyang hinlalaki.

"You got this. You're a badass and you're gonna show him that he'd messed with the wrong girl," Klinn reminded.

Lumunok ako't tumango. "I got this."

"That's my girl." He licked his lower lip. "Pakainin mo ng alikabok. Nandito lang ako para pagtawanan siya."

Natawa kaming pareho. Kinurot pa ni Klinn ang aking pisngi bago niya inilabas ang kanyang ulo sa bintana. Ihinawak ko naman ang mga kamay ko sa manibela habang nagsisimula na naman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

I tried to remember the techniques Klinn used when he made me ride the shotgun during one of his races. Inalala ko rin ang tips nina Billy pati na ang mga natutunan ko sa mga napanood ko sa internet. 

I shut my eyes and tried to make myself believe that I am one with the car, and the moment I heard the gun fired, my hands and feet automatically moved. Tila pumipitik lamang ang kamay ko sa kambyo, at kahit na naunahan ako ni Gregory sa unang insadaang metro, pilit akong nag-focus sa sarili kong takbo. 

Gregory kept eating my lane. Nahihirapan akong mag-overtake, ngunit nang malapit na kami sa kurbada, nagawa kong bilisan ang takbo ng kotse. 

Gregory laughed like a psycho. Siguro ay iniisip niyang sasalpok ako sa kurbada. I thought so, too, but I managed to control my speed before I reached the blind curve. Umusok ang gulong sa aking pagliko, at nang mabawi ko ang kambyo ay halos hindi na niya makita ang daraanan niya sa kapal ng usok na iniwanan ko sa kanyang daanan. 

Nakuha ko nang tuluyan ang momentum ko. I managed to speed up and swiftly drift on the blind curves. Nahabol ako ni Gregory, ngunit nang gitgitin niya ako ay pinakitaan ko na siya ng gitna kong daliri sa sobra kong pikon bago ko inapakan ang brake at kinabig ang manibela. 

"Tangina!" he cursed as he stepped on his brake.

Gregory almost turned pale when his car nearly hit the car I'm driving. Ngumisi naman ako habang magkaharap ang aming mga nakatigil na sasakyan, at nang i-reverse ko ang gear saka ko siya pinakitaan ng gitna kong daliri ay gumuhit ang galit sa kanyang mukha, tila pikon na pikon. 

Umigting ang kanyang panga, ngunit nang nagmaneho nang pabaliktad, halos hindi niya kaagad nagawang patakbuhin ang kanyang kotse sa gulat sa aking ginawa.

When he managed to hit the accelerator again, I played tricks on him and blocked his way while I'm driving on reverse. Mura na siya nang mura lalo nang makitang malapit na kami sa finish line, ngunit kahit na ano pa ang gawin niyang singit, hindi ko na siya pinagbigyan pa. 

I reached the finish line while driving in reverse and while blocking Gregory's way. Nang tumigil ang kotse ay si Klinn pa ang nagbukas ng pinto. He removed my seatbelt, pulled me out, and lifted me up out of pure happiness. 

"Did you see that?! Puta, angas!" Humalakhak si Klinn, tuwang-tuwa. "Tangina, wala na! Ididiretso ko na ng simbahan 'to!"

Natatawa akong umiling-iling, at nang magtama ang tingin namin ni Klinn, nakalimutan ko ring si Cassy nga pala ako sa paningin niya. 

I felt so lost in his eyes that looked so proud of me, and when he leaned to give me a quick kiss, yumakap pa ang mga braso ko sa kanyang leeg na tila alam ko sa sarili ko kung gaano ako kakumportable sa kanya.

It feels like my soul had known him for a thousand lifetimes already, and now that we're together, I felt... home in a stranger's arm.

Kumikislap sa saya at admirasyon akong tinitigan ni Klinn. "Call Miguel. Now. Tell him you're breaking up with him."

Napalunok ako. "B--Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Klinn made me sit on the hood of his car before he occupied the space between my thighs. Halos mahigit ko ang aking hininga nang yumuko siya hanggang sa halos wala nang isang dangkal ang layo ng aming mga mukha. 

"Simple." The tip of his nose caressed my cheek. "Because Klinn Ducani is about to conquer you wholly..." Our lips nearly brushed against each other. "Wholly... until you realize how much you really want me..."

DUCANI LEGACY SERIES #4: KLINN (Exclusively Available In The VIP Group)Where stories live. Discover now