Kabanata 1

17.2K 447 32
                                    

Kabanata 1

Cassandra

"Sandro!"

I looked over my shoulder and saw my mom's new boyfriend. Malayo pa lamang siya ay iba na ang kabog ng dibdib ko dala ng takot. 

"Tito."

Nilaklak niya ang bote ng gin na kanyang hawak. "Sabi ng mommy mo kunin ko sayo ang dalawang libong ipinangako mo."

Tahimik akong bumuntonghininga. Hindi ko naman 'yon ipinangako. Pinilit talaga ako ni mommy na mag-advance sa talyer dahil wala nang pambili ng gamot si Chichi.

Pinunasan ko ang puro grasa kong kamay saka ko dinukot ang dalawang libong piso. Hindi ko pa man naiaabot ay inagaw na ni tito Mel ang pera. Napailing na lang si Mang Perry, ang kaibigan ni lola na nagpasok sa akin sa talyer. 

Nang makaalis si Tito Mel ay lumapit sa akin si Mang Perry. "Bakit ba pinagtyatyagaan ng nanay mo 'yang adik na 'yan, Sandro?"

Inayos ko ang sumbrero kong nakabaliktad saka ko pinunasan ang pawis ko sa noo. "Ewan ko ho ba kung ano bang nakita ni mommy diyan. Ang layo ng daddy ko sa mga naging boyfriend ni Mommy."

He sighed. "Baka naman wala nang matira sa sahod mo?"

"Eh, gano'n ho talaga. Aasa na lang muna ako sa tip ng mga parokyano natin dito sa talyer."

"Hindi bale, Sandro. Magdasal ka lang. Kahit naman tibo, mahal ng Diyos."

A small smile was my only answer. Hindi naman talaga ako tomboy, kaya lang ay nagbihis lalake ako mula nang makitaan ko ng interes ang mga lalakeng dumadaan sa buhay ni mommy. I knew she wouldn't choose to protect me once something happens to me, so I chopped my hair and started dressing up like a boy since I was twelve. Hanggang sa tuluyan na akong nakilala sa lugar namin bilang tomboy. 

Mas marami ring trabahong tumanggap sa akin magmula nang makilala ako bilang Sandro. Gaya nitong talyer. They welcomed me and treated me like a boy without any discrimination. 

"Sandro, may umuugong sa kotse ko. Paki-check mo naman."

Ngumiti ako sa isa sa mga suki namin sa talyer. "Sige, kuya Billy. Baka sa mount 'yan."

"I-set up na natin 'to para sa karera, Sandro. Ibibenta ko na 'yong pula ko."

Napatigil ako sa akmang pagsilip sa makina ng kotse. "Ibebenta mo? Full-set up na 'yon. Magkano mo ibebenta?"

"Kahit two million lang. May buyer na ako galing Maynila."

Umismid ako. "Ang layo naman?"

Naglabas siya ng sigarilyo saka nagsindi habang nakasandal sa isa pang kotse. "Mapera naman 'yong buyer. Kaya niya 'yon. Baka sa susunod na buwan kunin."

"Masyadong matagal. Baka magbago pa ang isip niyan."

"Hindi, mukhang kursunada talaga. Ipinagyabang ko ring may personal yaya si pula," he joked, referring to me as his mechanic.

"Magbibigay raw ba ng advance?"

"Oo. Next week, magbabayad 'yon. Tsaka mura lang naman 'yon sa mga nangangarera talaga sa Maynila. Isa ngang kotse ng buyer ko Hennessey Venom kaya nagulat akong pinatulan si pula. Nakursunadahan lang, eh no'ng nanood sila ng karera noong isang linggo."

I smirked. "Balato ko pala, ah."

"Aba, syempre. Makakalimutan ba naman kita?" He puffed his cigarette. "'Yong nanay mo, may nakaaway na naman sa kabilang purok. Mukhang magkakabarangayan na naman."

I sighed before I started checking his car. May bago pa ba? Ever since daddy died, mas naging malala si mommy. She used men to conceal her grief. She jumped from one man to another to deny the truth that she still loves my dad. Pati si Cassy ay kinalimutan niya dahil naaalala niya si daddy. 

Siguro ay iyon din ang isang naging benefit ng pagbibihis lalake ko. She doesn't see Cassy in me anymore, yet she stopped staring at me ever since I started wearing men's clothes. Siguro ay dahil mas kahawig ko ngayon ang daddy ko. 

Nagkwentuhan pa kami ni Billy tungkol sa mga nangyari sa huling karerang sinalihan niya. He kept mentioning about the son of a former drag racer. Sayang nga raw dahil biglang tumigil noon ang ama. Walang gaanong nakakaalam, ngunit marami raw ang nanghinayang dahil mahusay raw iyong mangarera. 

"Eh, mayaman naman pala ngayon. Kaliwa't kanan naman ang negosyo. Hindi na rin masama," kumento ko.

Billy smirked. "Kung sabagay. Isa pa, at least namana ng anak niya. Hindi ko pa napapanood 'yong mangarera pero sabi ng mga tropa ko, halimaw raw 'yon sa karera. Kinukuha na nga raw 'yon para mag, F1."

"Ayos, 'yon. Sana all na lang."

"Malay mo naman dumating ang araw na makapasok ka rin sa malalaking racing events na gano'n."

Ngumisi ako. "Kahit tagapalit lang ng gulong o kaya tagapunas lang ng karborador, okay na ako--"

"Ate! Ate Sandro!" sigaw ng kapatid kong si Chokey.

Nilingon namin siya ni Billy. Muntik pa siyang bumagsak sa bisikletang sinasakyan niya sa sobrang pagmamadali niyang makalapit sa akin.

"Chokey, bakit?"

He sniffed. "Ate, si Chichi, sumusuka na naman siya ng dugo. Hindi namin siya madala sa ospital dahil walang pera."

"Ha? Eh, kakabigay ko lang ng pera kay tito Mel. Paanong walang pera?"

"Naku, ate ipang-iinom na naman niya 'yon!"

Napapikit na ako sa inis. Mukhang nakaramdam na rin si Billy kaya tinapik niya ako sa balikat saka niya ako sinenyasang isara ko na ang hood ng kotse niya. 

I sighed and shut the hood of his car. Ipinasa naman ni Billy ang susi sa akin. Nang makapagpaalam ako sa boss ko ay pumasok ako sa driver's seat. His Mustang roared to life, and the next thing we knew, halos lumipad na ang kotse patungo sa ospital matapos naming makuha si Chichi sa bahay nina Mommy. 

"Sumakay ka ng tricycle, Chokey. Puntahan mo si lola sa karinderya. Sabihin mo nandito tayo sa ospital. Huwag na nating asahan si Mommy."

Tumango siya matapos tanggapin ang singkwenta pesos na ibinigay ko. Sinamahan naman ako ni Billy papasok ng emergency. Siya na ang bumuhat kay Chichi hanggang sa maihiga namin si Chichi sa hospital bed.

The doctor checked Chichi. Nag-undergo na rin siya ng mga tests para makita kung ano ang problema, kaya lang ay dahil kulang ang equipment sa ospital ng lugar namin, maraming tests na hindi nila basta magawa roon. 

"Mapapautang kita ng para sa tests niya sa labas, Sandro," ani Billy.

I sighed. Hiyang-hiya na ako sa kanya dahil siya na lang palagi ang sumasagot sa akin kapag nalalagay ako sa alanganin, kaya lang ay wala rin akong choice ngayon kun'di ang lunukin na naman ang pride ko. 

The tests came, and when we found out that Chichi needs to undergo a surgery, I almost lost my strength to remain standing. Parang nabalot ng fog ang isip ko at nag-fade ang lahat ng nasa paligid ko. 

More or less three seven hundred fifty thousand sa operasyon pa lang. Wala pa roon ang gamot at ibang kailangan ni Chichi. Bibili pa ng dugo at kung anu-ano. Kailangan din niyang ma-admit sa ospital. 

Diyos ko. Saang kamay ng Diyos ko naman kukunin ang halagang 'yon?

Chokey pulled my shirt to grab my attention. "Ate, hingi na kaya tayo ng tulong kay ate Cassy? Na-accept na niya ako sa Facebook."

Lumamlam ang mga mata ko. Cassy got adopted by Daddy's former boss. She's now a Caranzo, and her being adopted is a huge secret. Kaya nga ingat na ingat din ako at baka mapahamak ko pa siya, pero kung hindi ako hihingi ng tulong sa kanya, saan naman ako kukuha ng gano'n kalaking halaga?

I shut my eyes and drew in a sharp breath. Para kay Chichi, kailangan kong subukan.

Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko bago ako tumingin kay Chokey. "Pahiram ako ng cellphone mo, Chokey. Kakausapin ko si Cassy..."

DUCANI LEGACY SERIES #4: KLINN (Exclusively Available In The VIP Group)Where stories live. Discover now