Kabanata 4

14.4K 522 54
                                    

Kabanata 4

Cassandra

One month. Cassy asked me to be her for one month so she can go to Europe with her secret boyfriend. 

Hindi naman sana mahirap dahil kaya ko namang magpanggap. Nakapagpanggap nga akong tomboy sa loob ng ilang taon, kaya lang hindi ko naman inasahang ganito kagwapo at kalakas ang dating ng fake boyfriend ng kakambal ko. Besides, he's a freaking racer! Literally the man of my dreams!

"Good to see you back, mate," I heard him say to one of his friends. 

Ipinakilala niya ako sa iba bilang si Cassy saka sila nag-usap tungkol sa mga huling karerang nasalihan nila. All I could do is watch his lips curve every time he's smiling at his friends while he's holding my hand as if what we have is a real thing.

I let out a silent breath. If God has His favorite, it's probably Klinn Ducani. Gwapo, matangkad, mestizo, napakabango, magaling makisama sa mga kaibigan, at saksakan pa ng galang magmula kanina noong una kaming nagkita. And his car, oh my goodness! I can't believe I just got inside a real Bugatti!

"Pabayaan mo silang dalawa. As long as Khalila doesn't want to entertain either of them, wala naman silang magagawa," aniya sa kaibigan nang tanungin tungkol sa mga nagkakagusto sa kapatid niyang bunso. 

"Bakit naman kasi saksakan ng ganda 'yang bunso ninyo?" biro ng tropa niya bago ako sinulyapan. "Parang si Cassy. Akala mo dyosang bumaba sa lupa para paglawayin lahat ng lalakeng makikilala."

I gave the guy a shy smile. "Thanks."

Klinn snaked his arm around my shoulders while a proud smirk is plastered on his face. "Ganda, 'no? Akin 'to."

Umalingawngaw ang kantyawan, at kahit na alam ko namang si Cassy talaga ang tinutukoy niya, hindi ko napigilan ang pamumula ng magkabila kong pisngi. 

Umiwas na lamang ako ng tingin at inilibot ang mga mata ko sa mga naggagandahang sasakyang nakapila sa magkabilang gilid ng daan. Sobrang layo mula sa mga sasakyang dati ay nagpapaluwa sa mga mata ko sa talyer.

My lola had a good friend back then who taught me how to repair car parts. Naging part-time ko iyon para naman makatulong ako kay lola. Dahil nga sa madalas akong titigan sa mahalay na paraan ng naging nobyo ni Mommy, nakiusap ako kay Lola na sa kanya na ako tumira.

Good thing my lola loves me so much. Noong una ay ayaw pa niya akong payagang mag-aral ng pagmimekaniko. Katwiran niya ay may maliit namang kita sa karinderya saka panlalake raw ang trabahong gusto ko, pero bata pa lang ay talagang mahilig na ako sa iba't ibang klase ng sasakyan.

Daddy would usually take me and Cassy to the Caranzos. While Cassy is being babied by the couple, I'd sneak into their garage so I could check out their luxury cars. May kotse rin naman kami kaya lang ay isa lamang noon. Kapag inaayos iyon ni daddy ay ako ang taga-abot niya ng tools.

Maybe my longing for him led me to my job as well. Para bang tuwing nag-re-repair ako ng sasakyan ay kasama ko na rin siya.

"Sasakay ka ba o manonood na lang? I know you're scared so I'll understand," ani Klinn dahilan upang muli kong maibalik ang aking atensyon sa kanya. 

"Hmm? Sasakay. Mukhang masaya," I answered that made him slightly wrinkle his forehead. 

"Okay? Great." Tumikhim siya. "Let's go then."

I held my breath when Klinn placed his palm on my lower back. Hindi ko tuloy napigilan ang pagmasdan siya habang kausap niya ang isa sa mga kaibigan niya. 

He's got a pair of calming obsidian eyes, dark locks on a clean cut, a sharp and well-sculpted jaw line, thick eyebrows, narrow nose with a downturn tip, and lips that seems to be inviting everyone for a fairytale kiss. 

God, he's such a prince charming, and I am the nobody playing pretend as the real princess he's meant to be with in the end.

Bakit naman ngayon pa natutong humarot ng lintik kong puso?

"Hey, Cassy! Baka gusto mo rin akong sakyan!" biro ng isa sa mga naroroon, halatang lasing na.

I saw how Klinn clenched his jaw. Halatang napikon siya sa mahalay na biro ng lalake, ngunit imbes na maghamon ng away ay humugot siya ng hininga sandali saka siya ngumisi sa lalake.

"Sorry, mate. But Cassy doesn't get on top low class stuff."

Umalingawngaw ang tawanan. Pinaglapat ko naman ang aking mga labi at nagpigil ng ngisi saka ako sumama sa kanya papasok ng kanyang kotse.

I secured my seatbelt and watched him walk towards the driver's side. Nang mabuhay nila ang mga sasakyan ay parang nabuhay rin ang aking dugo dala ng excitement.

Klinn roared his car while smirking at the other racer. Pinasadahan ko naman ng tingin ang bawat bahagi ng loob ng kotse. Nang mapansin kong isang paa lang ang ginagamit niya sa brake at gas, sandali akong tumikhim at tinapik ang hita niya.

"Put your left foot on the gas pedal."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"I said put your left foot on the gas pedal. Just trust me."

"Okay?" He smirked. "Are you a formula 1 fan at hindi mo lang sinasabi sa akin?"

"Napanood ko lang sa isang vlog," I lied.

"Okay? What else do you think I don't know that you wanna share, hmm?" he asked, his body is slightly facing me.

Pinasadahan ko ng tingin ang hawak niya sa manibela't iba pang aspeto. Nang makumpirma kong ayos naman na lahat ay payak akong ngumiti saka ako umiling.

"Wala naman na. I think mabilis ka lang talagang mag-switch from gas to brake kaya isang paa lang ang gamit mo kanina."

"Yeah. Nasanay na rin." He ran his fingers onto his hair while staring at me. "Akala ko you're a fan. Hindi na talaga kita pakakawalan niyan kung sakali."

Napalunok ako nang madama ang pagdagundong ng aking dibdib. "But we're not even a real thing," I said while trying to conceal his effect on me.

"Hindi nga." Klinn smirked. "Kaso sa pinapakita mo parang plano mo na akong baliwin. Sabihin mo lang. Pwede naman..."

"I have a real boyfriend, Klinn," I managed to tell him.

His smirk widened a little. "I'm a Ducani, Cassy. I can always wait."

"For me to be single?"

"For you to be ready to be loved by a Ducani..."

DUCANI LEGACY SERIES #4: KLINN (Exclusively Available In The VIP Group)Where stories live. Discover now