PROLOGUE

1.5K 61 5
                                    

Biglang gumuhit ang liwanag ng kidlap sa madilim na kalangitan kasunod ang pagdagundong ng malakas na kulog.

Walang tigil ang pagbagsak ng malalaking butil ng ulan sa maputik na lupa.

Wala ring tigil ang pagtakbo at gapang na ginagawa ko makababa lamang mula sa mala-impyernong bundok na kinaroroonan ko. Wala akong pakialam kahit panty na lang ang suot ko at wala na akong pang-itaas pa. Gusto ko lang makaalis sa lugar na 'to.

Dahil gusto ko pang mabuhay.

Ilang ang araw ang nakalipas nang dumating ako dito sa Isla Haraya, na sinasabi nila na isang tagong paraiso.

Ang hindi ko alam, may nakatago rin palang impyerno sa lugar na ito.

At totoo pala na pwede kang makakilala ng isang demonyo kahit nabubuhay ka pa sa mundong ito.

"A-Aray!" sambit ko nang matapilok ako sa nakausling bato na hindi ko kaagad nakita. Tumama ang tuhod ko sa isang pang bato na lumikha ng panibagong sugat sa balat ko.

Matagal kong iningatan ng lotion at derma ang balat ko, pero ngayon... wala nang ibang makikita dito kung hindi puro sugat nang dahil sa matalim na itak at paso ng sigarilyo.

Pati ang mukha ko ay wala na ring ganda. Ilang ngipin sa harapan ko ang nabasag, hindi na rin makakita ang isang mata ko dahil sa pagtusok ng demonyo ng stick dito, at wala na rin ang isang tainga ko pagkatapos niya iyong tapyasin. Pero wala na akong pakialam pa sa hitsura ko. Dahil mas gugustuhin ko pa ring mabuhay kesa mamatay sa lugar na 'to.

"Yohooo!!! Nasa'n ka na?! Alam kong nasa malapit ka lang! Naaamoy kita!"

Nanginig ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ng demonyong iyon kasunod ang pagsipol niya na lalong nagbalot ng takot sa akin. Sa kabila ng matinding kirot ng namamaga kong mga sugat, muli kong pinilit na makakilos at maglakad nang paika-ika.

Hindi niya ako pwedeng makita.

Hindi niya ako pwedeng mahawakan.

Hindi niya ako pwedeng mapatay.

Paika-ika akong pilit na tumakbo. Ilang beses pa akong nadulas at gumulong sa putikan. May mga sangang tumusok sa paanan at balat ko pero pilit pa rin akong tumayo. Hindi ko alam kung nasa'ng parte na ako ng bundok pero sana... sana may ibang tao na makakita sa akin na pwedeng maging daan para mailigtas ang buhay ko.

"Bulaga!"

Nangatal na ang buong katawan ko sa biglang pagsulpot ng demonyo sa harapan ko. Kaagad akong natumba sa putikan pero mabilis akong bumangon para gumapang palayo sa kanya. Kaya lang mas mabilis ang paa niya na kaagad na tumadyak sa likuran ko.

Napasubsob ako sa putikan na kaagad na pumasok sa bibig ko. Muli akong pilit na gumapang pero isang tadyak pa ang tumama sa likuran ko. Naramdaman ko ang pagkabali ng mga buto ko doon.

Hindi pa siya nakuntento, dahil mga binti ko naman ang kasunod niyang tinadyakan.

"Ahhhh!" malakas na palahaw ko. Namilipit ako sa sakit pero hindi na ako nakatayo pa.

"Akala mo, matatakasan mo ako!?" nakangising wika niya. Umupo siya sa may tabi ko at nagtama ang tingin naming dalawa.

Putikan din ang mukha ng demonyong iyon. Namumula ang mga mata. At nabubulok na ang mga ngipin.

"P-Parang awa niyo na po... p-pakawalan niya na po ako. G-gusto ko pa pong mabuhay... ayoko pa pong mamatay," pakiusap ko sa kanya kahit alam kong napakaimposible na pagbigyan niya ako.

"Gusto mo pang mabuhay?" nakangising tanong niya.

"O-Opo... pangako hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Pakawalan ninyo lang po ako. Buhayin niyo lang po ako. Ayoko pa pong mamatay," pag-iyak.

"Sige, bubuhayin kita. Papakawalan kita pero hindi dito," nakangising tugon niya kasunod ang malakas na paghatak sa buhok ko bago siya tumayo. Maraming hibla ang sabay-sabay na nabunot mula sa anit ko at matinding kirot ang naramdaman ko.

"Aray! Aray, masakit! Bitawan ninyo po ang buhok ko! Parang awa ninyo na po!" pakiusap ko pa pero hindi siya nakinig. Sinimulan niya akong hatakin sa may buhok ko habang naglalakad siya patungo sa kung saan. Pilit akong kumawala kahit nasasaktan ako dahil hawak niya pa rin ang buhok ko. Kumapit ako sa mga sanga na nadaanan naming sa kabila ng mga tinik na tumutusok sa balat ko. Humahawak ako sa mga bato pero kaagad ding napapabitaw. Hinahampas ko ang kamay niya pero hindi man lang siya natinag sa pagkakakapit niya sa buhok ko. Hanggang sa wakas ay huminto na siya sa paglalakad at saka ako inihagis sa kung saan. Saglit akong gumulong sa putikan bago tumama ang tagiliran ko sa malaking batong nakausli doon. Muli akong namilipit sa sakit.

"Gusto mong palayain kita?! Gusto mo talagang mabuhay?!" nakangising tanong sa akin ng demonyo.

Kaagad akong tumango habang nakadapa na nakatingin sa kanya. Halos hindi ko na kasi maibangon ang katawan ko lalo na ang mga binti kong bali na ang mga buti.

"Oh sige, pagbibigyan kita. Tatayo lang ako dito at hahayaan kita na makatakbo hanggang sa kung saan ka makarating," nakangising sabi niya.

Nagpunas ako ng luha, sipon at putik mula sa mukha ko. Wala na akong makapang salita na pwedeng sabihin no'n dahil alam ko na wala rin namang saysay ang maririnig niya mula sa akin.

"Ang sabi ko, ALIS NA BAGO PA KITA PATAYIN!" sigaw ng demonyo na dahilan para muli kong pilitin ang sarili ko na makabangon.

Pero bigo ako dahil parang bali na talaga ang buto sa mga binti ko. Kaya nagsimula na lang akong gumapang gamit ang mga braso ko habang hinihila ang ibabang bahagi ng katawan ko.

"Bilisan mo! Gapang pa bago magbago ang isip ko at patayin kita! Kapag hindi ka pa nakalayo sa akin, gigilitan kita ng leeg at itatapon ko sa ilog ang ulo mo!" muling sigaw ng demonyo.

Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko bago ako mas mabilis na gumapang. Walang tigil na gapang kagaya ng walang tigil na pagluha ng mga mata ko.

Mabubuhay ako!

Alam ko na mabubuhay ako.

Makakalayo ako sa lugar na 'to at makukuha ko ang katarungan para sa kababuyan ng ginawa sa akin ng demonyong ito.

Mabubuhay ako!

Kailangan kong mabuhay!

Kailangan dahil –

Naputol ang tahimik na pagdarasal ko nang bigla akong mahulog sa isang malalim na hukay.

Isang hukay na tila para sa akin talaga dahil sakto ang sukat noon sa katawan ko.

Nangatal ang mga labi ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nanginig ang buong katawan ko.

Ito na nga yata ang paglilibingan ko.

Nang subukan kong tumingin sa itaas, naramdaman ko ang pagtama ng dulo ng pala sa mukha ko. Lumubog iyon na bumasag sa ilong ko at pumisa sa isa pang mata ko.

Umagos ang malapot na dugo mula sa bungo ko.

Kasunod ang tuluyang pagbagsak ng katawan ko sa...





HUKAY NG KAMATAYAN KO. 

Isla HarayaWhere stories live. Discover now