Chapter XII - Kawad

201 16 1
                                    


Binalot ni Anthony sa makapal na tela na nakuha niya sa stock room ang duguan at wala nang buhay na katawan ni Thaddeus. Hinila niya 'yon at pinasok sa loob ng stock room. Nilagay niya sa pinakasulok ang katawan at tinabunan niya pa ito ng ilang mga gamit sa loob. Matagal na rin siyang tumatambay sa lugar na 'yon kaya alam niya na bibihirang umakyat sa pinaka-mataas na floor ng building ang janitor ng kompanya. Maalikabok na nga ang loob ng stock room. Halatang may isang linggo na ring hindi iyon nalilinis. Kung tatamarin pa ang janitor, baka abutin ng isa pang linggo bago ito muling bumisita sa floor na 'yon na pabor para sa kanya. Saoras na makita ng iba ang katawan niThaddeus, baka pinamamahayan na ng mga uod ang mga butas sa leeg nito.

Naglakad siya patungo sa maliit na lababong nasa loob ng stock room at nafghugas ng kamay. Inabot na rin niya ang basahan na nakita niyang nakakalat at pinunas sa mga kamay niya. Binuksan niya ang maliit na bag na bitbit niya at kinuha doon ang t-shirt na dala na nasa loob ng maliit na plastic. Pinalitan niya ang polo shirt na suot niya, nilagay sa plastic ang duguang damit na hinubad niya, at tumingin sa luma at basag na salamin na nasa may itaas ng lababo. Saglit niyang pinagmasdan ang sarili, inayos ang kwelyo bago ngumiti.

Wala nang sinoman ang pwedeng mangutya sa kanya.

*****

"Love, pauwi ka na ba?" tanong ni Gerladine, ang asawa ni Joaquin.

"Oo, eto nga pasakay na ako ng kotse," tugon ni Joaquin. May hawak siyang folder at mga envelope. Inipit niya sa pagitan ng balikat at tainga ang cellphone kung saan niya kausap ang asawa niya, bago binuksan ang pinto ng kotse. Hinagis niya sa katabing upuan ng driver's seat ang mga folder at envelope na hawak bago pumasok sa loob ng kotse.

"Okay, patapos na rin akong magluto ng paborito mong bulalo. Hindi naman siguro traffic kaya aabutan mo pang mainit 'tong niluto ko," masayang wika ni Geraldine.

"Actually, dapat kanina pa akon nakauwi. Kung hindi lang talaga pumalpak 'yung isang katrabaho ko," nanggigigil sa inis na wika ni Joaquin. Katapusan na ng buawan, at maaga niya talagang pinagpapasa ng mga report at presentation ang mga empleyado niya para hindi sila mangarap. Nang magpa-meeting nga siya kanina, um-order pa siya ng pizza para sa mga empleyado niya. Pero bago pa man magsimula ang meeting, nakatanggap kaagad siya ng tawag mula sa isang malaking client nila. Sinabi nito na ang pinadala raw nilang diskette para sa prenstation, ay p*rn video ang laman.

Hindi na niya napigilan pa ang maintinding inis na nararamdaman habang kausap si Anthony, dahil ito ang gumawa ng presentation para sa client nila. Tinanggi naman ni Anthony ang pangyayaring iyon pero walang ibang pwedeng gumawa noon kung hindi ito lang.

"Ano bang nangyari?" pag-uusisa ni Geraldine.

"Mamaya ko na lang iku-kwento. Bata, tungkol na naman 'to sa tangang empleyado namin." Binuhay na ni Joaquin ang makina ng sasakyan pero hindi iyon umandar.

"Sino do'n?" muling pag-uusisa pa ni Gerladine.

"'Yung bagong staff sa office namin. Sobrang hina ng utak, love! Hindi ko nga alam kung paano natanggap 'yon sa amin. Siguro, may kakilala 'yon sa HR kaya nakapasok." Muli niyang sinubukan na buhayin ang makina ng sasakyan pero bigo siya kaya mas lalo siyang nainis. Naalala niya na unang kita pa lang niya kay Anthony noon, iba na kaagad ang dating nito sa kanya. Lalo na nga nang malaman niyang galing ito sa isang malaking kompanya. Ramdam niya kaagad ang yabang ng lalaki dahil hindi hamak na mas matanda ito sa kanya ng ilang taon, tapos mas mataas pa ang position sa kompanyang pinanggalingan. "Love, tawagan na lang kita mamaya kasi magda-drive na ako."

"Okay, sige. Ingat ka. I love you," tugon ni Geraldine.

"I love you too. Bye." Nilagay na ni Joaquin ang cellphone sa may katabing upuan. Napatingin pa siya do'n nang makita ang disket na naging dahilan kung bakit nasira ang araw niya. Nakaramdam na naman siya ng matinding inis. Siya kasi ang tumanggap ng mura ng client na nakausap niya kanina. Pakiramdam daw kasi nito ay nabastos ito lalo dahil sa laman ng disket. Babae pa naman ang client tapos papadalhan nila ng disket na puro p*rn videos lang ang laman.

"Ang tanga-tanga talaga ng Anthony na 'yon," bulong pa niya bago muling sinubukan na buhayin ang makina ng sasakyan. "Lintek naman oh. Bakit ayaw magstart?!" inis na wika niya. Ilang beses pa niyang sinubukan na buhayin 'yon pero bigo pa rin siya. "Nakaka-bad trip! Lahat na lang panira ng araw! Uuwi na nga lang ako, ayaw pa ako tantanan ng kamalasan ng dala ng Anthony na 'yon. Sisiguraduhin ko talaga na –" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang bigalng may manipis na bagay ang pumulupot sa leeg niya. Napansandal siya sa kinauupuan. Pinilit niyang hawakan ang bagay na nakapulupot sa leeg niya pero masyado iyong manipis. At nang makapa niya at nalaman niya na kawad pala ang sumasakal sa kanya.

"Arrkkk."

Pilit na nagpumiglas si Joaquin. Ginalaw niya lahat ng parte ng katawan niya. Sinubukan ding abutin ang tao na nasa likuran niya, na sigurado siyang may hawak ng magkabilang dulo ng kawad. Naabot niya ito, nahampas sa ulo pero hindi lumuwag ang pagkakalupot ng kawad sa leeg niya. Mas lalo pa 'yong humigpit at alam niya na anumang oras, mauubusan na siya ng hangin.

Sino ka?! Bitawan mo ako! Iyon ang gusto niyang isigaw pero hindi niya magawa dahil hirap na siyang huminga.

Muli siyang gumawa ng mas malaking mga galaw. Gusto niyang malaman kung sino ang tao na nasa likuran niya. Gusto niyang malaman kung sino ang gustong pumatay sa kanya. At sa muling pagpupumiglas niya, natamaan ng dulo ng daliri niya ang rearview mirror. Napaharap iyon sa kinauupuan niya.

Nakita niya ang sarili na namumula na ang mga mata, lumalawit ang dulo at nagdurugo na ang leeg. Nakita niya ang isang lalaking nakangiti na parang sa demonyo na may hawak ng kawad na sumasakal sa leeg niya. Nakita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa repleksyon niya ang tao na gustong pumatay sa kanya.

Sa pagkakataon na 'to, alam niyang malalagutan na siya ng hininga. Humihina na ang pagkilos ng katawan niya. Lumalawit na ang dila at niya at parang mapuputol na ang leeg niya. Muli siyang tumingin sa rearview mirror. Nakangiti pa rin ang lalaking nasa likuran niya dahil ilang segundo, magtatagumpay na ito sa nais mangyari.

"A-Anthony."

Isla HarayaWhere stories live. Discover now