Chapter XIX - Paglaya

309 20 0
                                    



Present

Pinunasan ni Karina ang luhang lumandas sa magkabilang pisngi niya nang mapahinto siya sa pagku-kwento sa mga taong nasa kasama niya sa retreat sa Isla Haraya. Hindi niya na kasi napigilan na maluha nang balikan niya ang pinaka-madilim na parte ng buhay niya.

"Ibig sabihin, pinatay mo ang Papa mo, Karina?" tanong ni Adelaide.

"Uy, grabe naman 'yung tanong mo, masyadong diretso," pinanlakihan ng mata ni Nathaniel si Adelaide.

"Hala, oo nga. Sorry, nadala lang ako sa kwento mo, Karina," dispensa naman ni Adelaide. Na-realize nito na masyadong ngang mabigat ang tanong na binitawan sa babaeng nagku-kwento.

Napangiti naman si Karina. "Ayos lang. Pero ayun nga, oo. Napatay ko si Papa and after that, naging ulilang lubos na ako. Mabuti na lang, mabait talaga si Tita Malou. Siya 'yung nag-ampon sa akin, nagpalaki at kinilala kong legal guardian ko."

"Ang hirap pala talaga ng pinagdaanan mo," komento ni Elora. Kahit ito hindi ay hindi na napigilang maluha sa narinig na kwento ni Karina.

"Sobra. Pero maswerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Kasi nawalan man ako ng pamilya, palagi pa rin naman akong nakakaramdam ng pagmamahal mula sa mga taong nasa paligid ko," wika ni Karina.

Hindi naging madali para sa kanya na tanggpin ang pagkawala ng buong pamilya pero wala naman siyang choice. Mabuti na lang at magaling ang psychiatrist na kaibigan ni Tita Malou na si Dra. Amor, dahil malaki talaga ang naitulong nito para muli siyang makapagsimula. Dahil sa mga session nila ng psychiatrist niya, may iba rin siyang nakilala na pasyente noon na naging kaibigan niya pa. Isa na nga doon si Junica na balita niya at naging sikat na manunulat. Gano'n talaga siguro ang kapalit na binibigay pagkatapos ng mabigat na pangyayari sa buhay ng isang tao. May paraan ang Diyos para palitan ang sakit na pinagdaanan at suklian ng tagumpay.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Dino sa kamay niya. "Ayos ka lang?"

"Oo naman. Mas okay na ako ngayon," nakangiting tugon niya.

Ramdam niya ang simpatya ng mga kasama sa retreat na 'yon, pero pinakita niya na ayos na siya. Naka-move on na siya kahit paano.

"And that's my story. So, who's next na magku-kwento?" nakangiting pang tanong ni Karina.

****

Nakapantulog na si Karina habang nagto-toothbrush nang bigla siyang yakapin mula sa likuran ni Dino.

"Sweetie, saglit lang... nagto-toothbrush pa ako," natatawang wika ni Karina.

"Okay lang 'yan. Nakayakap lang naman ako sa 'yo," sabi naman ni Dino. Hindi ito bumitaw sa pagkakayakap sa nobya hanggang sa matapos na mag-toothbrush si Karina.

Pinunasan naman muna ni Karina ng towel ang bibig at buong mukha niya bago humarap kay Dino.

"Anong meron at ang lambing mo?" natatawang tanong niya.

"Wala lang. Natutuwa lang ako kasi ramdam ko na mas okay ka na talaga ngayon," tugon ni Dino.

Hinawakan ni Karina ang mga pisngi ng kasintahan. "Okay na ako kasi nand'yan ka. Naalala mo 'yung sinabi ko kanina? Na napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa akin? Isa ka do'n, Dino. Isa ka sa mga dahilan kung bakit mas matatag na ako ngayon."

Isla HarayaWhere stories live. Discover now