Chapter III - Hukay

383 33 4
                                    

Maraming pwedeng ibaon sa HUKAY. Kasama na do'n ang mga mapait na alaalang gusto na nating kalimutan.

****

****

Mataas ang sikat ng araw.

Tagaktak na ang pawis sa noo, leeg at dibdib ng 45 years old na si Dennis habang patuloy sa paghuhukay sa harap niyang lupa. Medyo malalim na 'yon at sapat na siguro para hindi na umalingasaw ang kahit ano po mang karne ang ibaon niya doon. Mga tira-tirang pagkain ng pamilya nila sa bawat araw. Sa lalim ng hukay na ginawa niya, ultimo ilang katawan ng tao na singtaas niyang nasa anim na talampakan ay magkakasya at mababaon doon. At masisigurado niya rin na hindi 'yon mangangamoy sa oras na mabulok at maagnas. Gano'n kasi ang gusto niya sa mga hukay na ginagawa niya. Walang makakalabas na kahit na anong masangsang na amoy.

Saglit na napahinto si Dennis sa ginagawang paghuhukay at napatingin sa maliwanag na kalangitan. Napakaganda ng sikat ng araw. Sana magtuluy-tuloy na 'yon para hindi siya mahirapan sa pagbaba at akyat ng bundok. Sa may taas kasi sila ng bundok nakatira ng pamilya niya. Mas tahimik at malayo sa magulong mga tao.

"Okay na siguro 'to," wika ni Dennis. Dahil sanay siyang maghukay nang malalim, sanay na rin siyang makaalis mula doon nang walang kahit na anong tulong mula sa kaninoman. Sanay siyang magtrabaho ng mag-isa. Inayos na rin niya ang mga gamit na dala niya sa paghuhukay at pangangahoy sa bundok. Nakaramdam na siya ng pagkalam ng sikmura kaya nagdesisyon nang umuwi na muna ng bahay.

May ilang kilometro din ang layo ng bahay nila. Dahil sa mainit na panahon, patuloy ang pagtagaktak ng pawis sa leeg niya na hindi niya inaalintana. Sanay naman kasi siyang maglakad, mainitan at pagpawisan.

Sa pagpasok niya sa loob ng bahay, naabutan niya ang isang babaeng nasa early 20's, mahaba ang buhok nito, balingkinitan ang katawan at nakasuot ng fitted na duster kaya mas lumabas ang kurba ng beywang at balakang. Nakatalikod ito mula sa kanya at abala sa pagliligpit sa lababo.

Bumaba naman ang tingin niya sa makinis na binti ng babae, humagod pataas hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili niya na lapitan ito at yakapin.

"Ay, ano ba 'yan!" bulalas ng babae sa labis na pagkagulat.

"Shhh. H'wag kang maingay," saway naman ni Dennis nang mapaharap ang babae sa kanya. Ngumiti ito nang makita ang mukha niya.

"Ikaw pala 'yan, Dennis! Akala ko naman kung sino. Nagulat ako kasi bigla ka na lang yumayakap d'yan," nakangiting wika ng babaeng si Laura. Pumulupot na ang kamay nito sa may batok ni Dennis, hindi inaalintana ang maasim na amoy ng lalaking kaharap.

"Ang sexy mo naman kasi kaya hindi na ako nakapagpigil pang yakapin ka," pag-ngisi ni Dennis.

Hindi naman sumagot si Laura at hinalikan na sa mga labi ang kausap. Nalasahan niya ang maalat-alat na laway nito nang maglaro ang mga dila nila. Ang isang kamay ni Dennis ay lumalamas sa may pwet niya at ang isa naman ay nakasabunot sa buhok niya. Iyon talaga ang gusto niya pagdating sa pakikipag-romansa. 'Yung marahas na masarap. Hindi na nga niya pinigilan pa ang kamay ng lalaki nang tumuloy iyong pumailalim sa duster niya kasunod ang pagpasok sa panty niya. Sinimulang laruin ang pinaka-sensitibong parte ng kanyang katawan. Ramdam niya tuloy na namamasa na 'yon dahil sa matinding kuryenteng dulo ng ginagawa ni Dennis. Piniglan niya ang sarili na mapaungol dahil sa matinding sarap na nararamdaman.

"Laura, pakiabot mo nga 'yong mga gulay na pinitas ko sa taniman."

Ang boses ng isang babae ang tila nagpahinto sa mapusok na mundong nabubuo sa pagitan nina Dennis at Laura. Kaagad silang huminto sa pagpapalitan ng laway kasunod ang paglayo ng katawan mula sa isa't-isa. Inayos-ayos ni Laura ang buhok bago muling bumalik sa pagliligpit sa lababo. Si Dennis naman ay kumuha ng baso bago lumapit sa may lamesa at inabot ang pitsel.

"Oh, Dennis, nandito ka na pala," wika ng isang babaeng nasa 40s ang edad, malalim ang wrinkles sa kanyang mukha kapansin-pansin din ang magaspang na balat sa may braso at leeg niya. Nakasuot din siya ng duster pero lampas iyon sa kanyang tuhod at maluwag sa kanyang katawan. Pia ang pangalan niya, at siya ang maybahay ni Dennis.

"Kakauwi ko lang," tugon ni Dennis sa kanyang asawa.

"Laura, hindi ka pa rin tapos d'yan?" baling naman ni Pia kay Laura.

"Patapos na po, 'Ma," tugon naman ni Laura sa kanyang biyenan na si Pia.

Naglakad na si Pia palapit sa lamesa dala ang bayong ng mga gulay na pinitas niya mula sa sarili nilang taniman.

Ilang saglit pa, pumasok naman sa bahay ang isang matangkad at morenong lalaki. Bakas sa katawan niya ang pagiging batak sa mabigat na trabaho dahil sa maugat at matigas na mga muscle sa braso.

"Mano po, 'Ma," wika ni Romeo nang makalapit kay Pia at magmano. Tumuloy siyang lumapit kay Dennis at nagmano rin kasunod ang paglapit sa lababo kung nasa'n ang asawa niyang si Laura. "Huhugasan ko lang 'tong karne ng kinatay ko na manok."

"Sige, saglit lang at patapos na ako dito sa ginagawa ko," tugon naman ni Laura. Nang matapos sa pagliligpit ay pinunas niya sa duster na suot ang mga basa niyang kamay.

"Bakit magulo ang buhok mo?" tanong ni Romeo nang mapansin ang buhok ng asawa. Magulo iyon na para bang may humawak sa ulo nito. Kilala niya kasi ang asawang si Laura na palaging palaayos lalo na pagdating sa buhok nito.

"H-Ha? A-Ano... h-hindi pa kasi ako nakakapagsuklay," kinakabahang tugon ni Laura dahil ramdam niya na nasa kanya na rin ang tingin ng mag-asawang Dennis at Pia. Wala sa loob na bigla niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri sa kanang kamay niya. "Sige na, hugasan mo na 'yang karne ng manok. Magwa-walis lang ako sa may likod ng bahay."

Hindi na umimik pa si Romeo at tumalima na lang sa sinabi ng asawa.

Binalik naman ni Pia sa mga inaayos na gulay ang mga tingin niya.

Nagpatuloy na naglakad si Laura paalis ng kusina pero bago pa siya makalabas ng bahay, nagapalitan muna sila ng mga nakaw at ngiti ng biyenan niyang si Dennis.

****

Malaki ang cottage na nakuha nina Dino at Karina para sa ilang araw na bakasyon nila sa Isla Haraya. Walang dibisyon sa loob pero maraming gamit. May TV do'n, lamesa na may dalawang upuan, cassette player, electric fan, kama at hindi kalakihan na cabinet para sa mga damit nila.

Tapos na rin silang mag-ayos ng ilang mga gamit dahil hindi naman gano'n karami ang dala nila. Nasa loob no'n ng banyo si Karina at si Dino naman ay abala sa pag-aayos ng pagkain sa lamesa. Nag-init kasi siya ng tubig para sa ramen cup noodles na dala nila. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom, at 'yon muna ang naisip niya na kainin.

"Ay, wala pa palang chopstick," bulong ni Dino. Lumapit siya sa bag kung saan nakalagay ang chopstick na dala nila. Nakuha niya ang chopstick pero may kung ano pa siyang nakapa doon. Inilabas niya mula sa bag ang maliit na kahon at binuksan 'yon. Napangiti siya nang makita ang laman no'n na singsing na may malaking bato sa gitna.

Mahigit limang taon na silang magkakilala ni Karina pero mag-iisang taon pa lang ang relasyon nilang dalawa bilang magkasintahan. Para sa kanya, sapat na 'yon para masigurado at maramdaman niya na si Karina na talaga ang babaeng gusto niyang makasama sa habambuhay. Kaya naman plano niya nang alukin ito ng kasal sa araw mismo ng anniversary nila.

"Hindi ka pa magsa-shower?"

Kaagad niyang sinarado ang maliit na kahon at pasimpleng nilagay sa secret pocket ng bag niya. Nilingon niya ang nagtanong na si Karina, na noon ay nakasuot ng maluwag na tshirt at nakabalot ng tuwalya ang basang buhok.

"Mamaya na," tugon ni Dino.

"Anong ginagawa mo d'yan sa may bag mo? 'Di ba tapos na tayong mag-ayos ng mga gamit natin?" tanong pa Karina. Tinanggal na nito ang tuwalya mula sa ulo at kinuskos sa basang busok.

"Kinuha ko lang 'tong chopstick, hindi ko pala nailabas kanina. Tara, kain na muna tayo," anyaya naman ni Dino bago lumapit sa lamesa kung saan sumunod na rin si Karina. Pinagsaluhan nila ang dalawang ramen cup noodles na pareho nilang paborito. 

Isla HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon