iv. the other side

16 1 0
                                    

Dani's POV

Pagkababa ko sa trycicle ay humarap ako kay Becca na nakaupo sa harapan. Pasado alas-singko na ng hapon at kakagaling lang namin sa terminal ng sasakyan nina Jiro na siyang naunang hinatid ng driver.

"Bye, Dani!" Kumaway si Becca.

Nakangiti siya pero alam kong kanina pa siya pinapagalitan ng ate niya sa mga chat nito. Wala kasing tao sa bahay nila kaya dapat sana ay kanina pa siya umuwi. Ayaw naman niyang iwan si Jiro kaya buong araw kaming nasa Colarte. Siguradong mapapagalitan siya pero katulad ng dati ay parang wala lang iyon sa kaniya. She always prioritizes her friends over herself.

Itinaas ko ang aking kamay at kumaway din sa kanya. "Bye, ingat ka."

Nang mawala na ang trycicle sa aking paningin ay saka ko lang binuksan ang gate at pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang malawak na garden at ang malaking bahay. Ganoon pa rin katulad nang umalis ako kanina. Tahimik. Walang kabuhay-buhay. Nakabukas na ang mga ilaw ngunit walang maririnig na kahit ano. Siguro nasa kusina si Aling Nita.

I entered our house quietly. Nakita ko kaagad ang isang pares ng sapatos sa tabi. Hindi ko muna iyon pinansin at dumiretso ako sa kusina.

Nadatnan kong nagluluto si Aling Nita. Hindi ko mapigilang lihim na mapangiti nang mapansin na hindi niya nilagyan ng sibuyas ang bistek. It's just a simple gesture but I really appreciate it knowing that she hasn't forgotten about my allergies to onions. Simula pagkabata ay si Aling Nita na ang mayordoma at tagaluto dito sa bahay kaya parang lola na rin ang turing ko sa kanya. She's the only one who's been there for us after everything that happened all these years.

"Nandito na po ako,"tahimik kong pahayag. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Oh, nakauwi ka na pala, Dani." Ngumiti siya at hinaplos saglit ang ulo ko. "Malapit na 'tong matapos kaya magpalit ka na upang maghapunan. Nandito rin si Kean kaya sabay na kayo, ha?"

I let out a sigh at the mention of her name. "Himala nga po at hindi siya ginabi ngayon."

Tumigil sandali si Aling Nita sa sinasandok niya at saka hinarap ako. May pag-aalala ang kanyang mukha. "Alam mo, hindi ako sigurado pero parang hindi maganda ang modo niya kanina nang dumating siya. Subukan mo kaya siyang kausapin? Ikaw na ang magyaya sa kanyang kumain."

Iyon naman talaga ang plano ko kaya tumango ako. "Sige po. Aakyat muna ako."

Umalis ako ng kusina at saka pumunta sa second floor ng bahay. Dumiretso muna ako sa aking kwarto. Napangiti ako nang sinalubong ako ni Kakeru na kagat-kagat ang rubber toy niya. Kaagad ko siyang kinarga at hinaplos-haplos ang kanyang ulo. Feeling his soft fur made me smile wider. Ilang segundo ko siyang hawak bago siya umalis at lumabas ng kwarto.

I'm left alone and the silence is deafening. Bumuntong hininga ako. Nilapitan ko ang computer ko sa tabi at binuksan ito. After choosing a random playlist to play in Spotify ay pumunta na ako sa banyo ng aking kwarto upang magbihis.

Habang naghihilamos ay tumunog ang cellphone ko. I can't help but frown when I saw the caller's name. Ano na naman kayang sasabihin niya?

I answered the call while rubbing my face with the towel. "Hello, dad?"

"Dani, I've been texting you the whole afternoon! Where have you been?" Sa tono ng pagsasalita niya ay alam ko na kung anong iniisip niya.

"Diyan lang sa labas, nagpahangin." Tipid kong sagot.

"Talaga ba? You know you're supposed to attend the party earlier as my substitute and what did you do? I'm sure nandoon ka na naman sa computer shop-"

"-I'm not," kaagad kong pagtanggi.

On the OutsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon