v. in the clinic

14 1 0
                                    

Jiro's POV

Boring.

Isang linggo na ang nagdaan pero wala pa ring pinagbago. Wala pa rin akong kasama dito. Halos lahat na yata sa klase namin ay nakapag-adjust na sa buhay senior high. Wala nang nagrereklamo tuwing umaakyat kami sa hagdan papuntang fourth floor. Lahat sila may mga routine na kung sino ang kasama at saan kakain tuwing lunch break. Never have I ever thought the day will come that I would actually be left out from these type of things.

Thankfully, it doesn't bother me that much anymore. Siguro unti-unti ko nang natatanggap ang pagiging outcast ko. I've also been skipping classes a lot so I guess that's one of the reasons why I'm doing quite well now. I mean, why force myself into a situation that suffocates me when I know I can avoid it? So far wala pa namang problema sa mga absences ko. There were times when a few of my teachers noticed and would say how they rarely see me. When that happens, I would attend for a few days muna para makabawi before I disappear again.

Well, not totally disappear since nasa loob pa rin naman ako ng campus. Hindi lang pumapasok sa klase. Over the past week, I managed to find some good spots to stay in when I'm not in the mood to go to class.

Una, sa garden ng Math department kung saan walang masyadong pumupunta dahil nandoon ang sikat na balete tree ng paaralan. Hindi ako naniniwala sa mga multo at dahil wala pa namang nagpaparamdam sa akin, doon ako madalas nagpapalipas ng oras. Iyon nga lang palaging umiikot ang school guard kaya ang pinakatagal na record ko doon ay dalawang oras.

Sa library naman, kilala na ako ng librarian noong junior high pa lang kaya madalas din akong tumambay doon. Naging usual spot ko na palagi ang sofa sa History section na nasa likurang parte ng library. Madalas akong nakakatulog doon dahil nasa likod mismo ng sofa ang bintana kaya ramdam mo ang  ihip ng hangin. Kahit maraming estudyanteng pumapasok sa library, hindi ganoon kaingay sa pwesto ko kaya ang sarap palagi ng tulog ko.

But today, laying down on the sofa is not comfortable enough to distract me from the pain I'm feeling. Napasimangot ako at napahawak sa aking tagiliran nang maramdaman ko ang muling pagkirot nito. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sumasakit ang tiyan ko ngayon: dahil hindi ako nakapag-agahan. As if I want to eat with that devil in our house. Umiinit lang ang ulo ko ngayong naaalala ko na naman ang nakakainis niyang pagmumukha at ang maaga niyang pangbi-bwiset kanina kaya pilit kong kinalma ang aking sarili.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Malapit na palang mag-lunch break. Kaya naman pala kumikirot na ang tiyan ko. But after the fight this morning, I left without receiving my allowance for today. Wala akong pera maliban sa natirang benteng pesos sa allowance ko kahapon at sakto lang ito upang pamasahe ko. Sirado pa naman ang shop ni ate Iris ngayon dahil may lakad siya. Nakasimangot kong tiningnan ang nakabukas na bintana sa tabi ko. Ang presko ng ihip ng hangin ngayon at ang ganda ng sikat ng araw. The old but soft sofa that I'm laying down on is really tempting me to just sleep my hunger off.

Pero mabilis akong napaupo dahil sa muling pagkirot ng aking tiyan. Kainis. I had no choice but to get up and go out of the library. Naglakad ako nang ilang minuto bago ko narating ang clinic na katabi lang din naman ng building.

Maraming mga halaman ang nakapaligid, lalo na sa harap ng maliit na kulay puting building. Tiningnan ko ang mga makukulay na bulaklak sa mini garden. Isa sa mga sikat na dares between the students here in SGNS ay ang kumuha o pumitas ng bulaklak dito. Nag-iisa lang kasi ang nurse ng clinic namin na siyang pinakamatandang staff din dito sa school. Bukod sa pagiging isang napakasupladang matandang dalaga, napaka-overprotective rin niya sa kanyang mga halaman. Maraming mga kwento na ang narinig ko tungkol sa mga estudyanteng napagtripan ang mga bulaklak niya. Madalas ay tungkol sa mga nahuli ng nurse na sa principal's office bumabagsak. Tiningnan ko ang mga roses, sunflowers at iba pa niyang mga bulaklak na naka-pot. Siguro marami siyang time upang alagaan ang mga halaman niya. Halos wala kasing pumupunta sa clinic niya upang magpagamot dahil sa ugali niya. But today, she will have a patient. Since wala naman akong perang pambili ng pagkain, dito muna ako magpapalipas ng lunch break. Wala akong gana at wala rin akong balak na kumain. Aasa na lang ako na sana gumana ang gamot sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On the OutsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon