7. Pregnancy

43 8 0
                                    

*✿❀❀✿*

Nag-aayos ng mga bulaklak sa flower vase si Mrs. Arnold at nagbabasa naman ng newspaper si Mr. Arnold nang pumasok sa silid ng hospital si Dr. Clemente, ang doktor ng anak na si Airah. May kasama itong babaeng doktor.

"Good morning Mr. and Mrs. Arnold." bati nito.

"Good morning din dok." ganting bati ng mag asawa.

"This is Doctor Miranda Flores, and she's an ob/gyn."

Nakipagkamay sa mag asawa ang babaeng doktor.

"What is this all about Dr. Clemente?" tanong ni Mr. Arnold.

Si Doktor Flores ang sumagot.

"I need to take a few samples of the patients blood."

"Why? Whats wrong with my daughter?" tanong ni Mrs. Arnold.

Kinabahan agad ang mag-asawa nang makitanh tila nag-alinlangan ang dalawang doktor sa pagsagot sa kanila.

"May problema ba dok?" tanong ni Mr. Arnold.

"I will let you know Mr. and Mrs. Arnold kapag segurado na kami sa resulta. For now, kukuha muna ng blood sample si Dr. Flores."

*✿❀❀✿*

Kinakabahang naghintay sa resulta sina Mr. and Mrs. Arnold.

Nang bumalik si Dra. Flores kasama uli si Dr. Clemente ilang oras ang nakalipas, magkahawak kamay ang mag asawa habang inaantay ang sasabihin nito.

"Mr. and Mrs. Arnold, hindi ko alam kung good news or bad news ba itong sasabihin namin." panimula ni Dr. Clemente.

"Go on dok." lakas loob na sabi ni Mr. Arnold kahit na nanginginig na siya sa takot sa maririnig.

"Your daughter is two months pregnant." ani Dra. Flores.

Hindi makapagsalita ang mag asawa sa gulat.

"Two months ago nangyari ang trahedya, two months pregnant rin ang anak niyo. Alam niyo na po seguro kung ano ang ibig sabihin non? Wala ba kayong kilala na boyfriend na kasama niya sa Las Vegas?"

Parehong umiling ang mag asawa.

"Walang boyfriend si Airah." sagot ni Mrs. Arnold.

"Kung buntis po ang anak ko dok, ano pong mangyayari sa kaniya?"

"Kapag hindi pa siya nagigising hanggang sa kabuwanan niya, kailangan po natin siyang isailalim sa isang operasyon." sagot ni Dra Flores.

"She had to have a caesarean section." dugtong ni Dr. Clemente.

"Will my daughter be fine?" tanong ni Mrs. Arnold.

"Yes po. Both the mother and the child will be fine. Gagawin po namin ang lahat para maging ligtas sila." ani Dra Flores.

*✿❀❀✿*

Nang maiwan ang mag-asawa, lumapit si Mrs. Arnold sa kinahihigaan ng anak. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman anak." simula ng ginang. "Heto ka, walang malay. Hindi namin alam kungkelan ka magigising. At ngayon, there is a little life beating in your womb."

Tuluyan nang napaluha ang ginang. Agad naman siyang nilapitan ng asawa at niyakap mula sa likuran.

"Everything will be alright Amelia." bulong nito sa asawa. "Let's pray na magigising na ang anak natin para mabati natin siya sa blessing na dumating sa buhay niya."

"Nagpakasal ba sa abroad ang anak natin? Maybe the wedding ring was really hers."

"Kung totoo man yan, she have no reason not to inform us. Our daughter is not like that Amelia. She's honest and she won't hide it from us. But we cannot blame her Amelia, not now. She needs us now more than ever. This is a blessing after what happened to Airah we should be thankful okay?"

Tumango tango ang ginang.

*✿❀❀✿*

Napangiti si Vladimir nang masilayan ang kapatid sa silid nito.

"You look stunning Val."

"Thanks Kuya Vlad."

Niyakap ito ng lalaki.

"I'm so happy for you."

"Salamat kuya."

Kumalas rito si Vladimir.

"Your groom must be so anxious to see you. You have to hurry."

Tumawa ito.

"He can wait kuya. He waited for me for eight years, i'm sure he can wait for eight minutes more."

Natawa rin si Vladimir.

Iniwan na niya ang kapatid nang pumasok ang kanilang ina.

"Azalea is waiting for you, hurry up son." anito.

"Yes mom." sagot rin niya.

Hindi pa naman niya nililigawan si Azalea, but they are friends.

He's getting to know her.

He likes her, but not enough to start a relationship no matter how much his mom wanted him to start dating Azalea.

He needs to be sure kung si Azalea na ba talaga ang babaeng nakalaan para sa kaniya.

And then suddenly, biglang may nag flash na image sa isipan niya.

Natigilan si Vladimir.

Bakit bigla niyang naalala ang babaeng nakahiga sa hospital bed nong araw na lumabas siya?

"What the hell? Why would she pop up in my mind?" tanong niya sa sarili.

Nang makita niya sa hallway ng hotel si Azalea, binura niya sa isipan ang babaeng bigla na lamang sumulpot sa isip niya.

Hindi niya kilala ang babae. Walang dahilan para isipin niya ito.







𝙇𝙤𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙧. 𝙐𝙣𝙠𝙣𝙤𝙬𝙣Where stories live. Discover now