23. Doubts

36 6 0
                                    

*✿❀❀✿*

Hindi makontak ni Vladimir si Airah, ilang araw ang nakaraan. Ang tindi marahil ng galit nito sa kaniya. Hindi siya mapapalagay hangga't hindi sila nagkakaayos at nagkakausap ng maayos.

And he can't talk to Azalea too. Nag message ito sa kaniya na she's going to Australia to meet her parents. Maybe to personally deliver the news about their engagement. Na mas lalong magpapalala sa sitwasyon niya.

Hindi naman niya puedeng sabihin rito over the phone ang mga gustong sabihin rito. Kailangang sa personal niya ito makausap.

Pinuntahan niya si Valerie sa silid nito para may makausap. Hindi pa ito bumubukod kasama ang asawa kaya andito parin siya nakatira sa bahay ng mga magulang. Ayaw naman ng parents nila na umalis si Val dahil sa laki ng bahay nila, mas maganda kung marami ang nakatira.

"Whats up Kuya?" tanong nito nang maabutan niyang gising pa.

"Hindi ko makontak si Airah."

"She's still mad Kuya. Let her be na muna. Unahin mo muna yung issue mo with Ate Azalea bago mo harapin si Airah. Kapag naayos na ang problema mo, wala nang magiging problema with Airah. You can beg for forgiveness na."

Tumango si Vladimir.

"Babalik din bukas si Azalea. Susunduin ko siya sa airport. At kakausapin ko na siya."

Naupo siya sa gilid ng kama.

"Thank you Val." aniya pagkakuwan.

"For what?"

"For not judging me? For understanding and giving me advice?"

"Kuya, since we were kids close na close na tayo. Kahit nang magka boyfriend na ako, you were always there for me. Kahit sa simpleng broken heart, andiyan ka lagi for me. Kaya i'm giving back my support to you now."

Napangiti si Vladimir.

"Wala tayong itinatago sa isa't isa Kuya. I can even ask you to buy me a piece of underwear you know?"

Natawa siya.

"Yeah, right." aniya.

"Naalala ko nga na nagpabili ako sayo ng lingerie nong nasa Vegas ka. Ayaw na ayaw mo ngang bumili kasi nahihiya ka."

Napakunot noo si Vladimir.

"Really? I can't remember na nangyari yan." aniya.

Tumawa si Valerie.

"Come on Kuya, hindi ka naman nagka amnesia para makalimutan mo yun. You even texted me na nakabili ka with a help from a very beautiful woman you said."

Lalong napakunot noo si Vladimir.

"Woman? I don't remember meeting a woman."

Si Valerie naman ang napakunot noo.

"You don't remember anything?"

Umiling si Vladimir.

Pumasok sa kwarto ang brother in law ni Vladimir kaya iniwan na niya ang kapatid. Bumalik siya sa sariling kwarto.

Naiwan namang napaisip ng malalim si Valerie. Imposible namang makalimutan ng kuya niya ang tungkol sa bagay na yun. Hindi makalimutin ang kuya niya.

Naalala niya ang wedding ring na suot ni Airah. Saka niya kinuha ang phone at nag-google ng wedding ring. Nakailang minuto siya sa pag scroll bago niya nakita ang kaparehong singsing sa suot ni Airah. At ang singsing na para sa lalaki ay kapareho ng singsing na sabi ng nurse ay suot ng kuya Vladimir niya.

There's a possibility  that Airah and her Kuya Vladimir knew each other before.

Could it be possible na pareho silang nakalimot sa isa't isa?

There's only way to find out the truth. Sana lang magawa niya soon.

𝙇𝙤𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙧. 𝙐𝙣𝙠𝙣𝙤𝙬𝙣Where stories live. Discover now