24. Airport

38 6 0
                                    

❀✿*❀✿*

Nagmumukmok lamang sa bahay si Airah, nag-aalaga kay AJ. Sinusubukan niyang hindi magpaapekto sa ginawa sa kaniya ni Vladimir. Part of her hated him for what he did, and the other half misses him so much.

Nag-aalala na rin sa kaniya ang ina. So she trying really hard not to show them na sobra siyang nasasaktan deep inside. Hindi niya dapat binibigyan ng dagdag problema ang mga magulang pagkatapos ng trahedyang nangyari sa kaniya.

She needs to move on. Mahirap  pero kailangan niyang gawin. Kailangan niyang kalimutan si Vladimir. Hindi maaaring pati anak niya ay maapektuhan sa pighati niyang nararamdaman.

This is her fault. Pagdusahan niyang mag-isa ang kinalabasan ng katangahan niya. Nagtiwala agad siya sa isang taong hindi niya kilala ng lubusan.

She deserves this. She needs to learn not to trust a stranger.


*✿❀❀✿*

Eight nang umaga, nasa airport na si Vladimir. Hinanda na niya ang sarili para sa mga sasabihin kay Azalea.

Sana ay maintindihan siya nito.

Naghihintay siya sa arrival area nang may tumawag sa pangalan niya.

"Vladimir?"

Lumingon siya.

"Kade?"

"Pare,oh God kumusta ka?"

Masaya silang nagyakapan.

"I'm fine now. Ikaw kumusta?" ani Vladimir nang humarap sa kaibigan.

"Ayos lang. Pabalik na ako ng Vegas. How are you? I'm sorry about the tragedy. Tumawag ako isang beses sa bahay niyo pero walang sumagot sa tawag ko. How are you pare?"

"Thanks God i survived pare. Mag dalawang taon na rin since nangyari ang trahedya."

"So how have you been? May anak ka na ba? Akala ko nakalimutan mo na may usapan tayo na ninong ako ng maging first born mo."

Natawa si Vladimir.

"Anak?" aniya sabay iling.

Natawa rin si Kade.

"Ang bagal mo naman pare. So kumusta ang wife mo?"

Nagulat si Vladimir sa tanong nito.

"Wife?"

"Yes, your wife. Natawa nga ako sayo noon eh. Na love at first sight ka sa babae. Well, she was really beautiful. Hindi kita masisisi kung bakit ka tinamaan ni kupido. So how is she?"

Hindi makasagot si Vladimir.

Natigil sa pagsasalita si Kade nang may tumawag sa pangalan nito.

"Coming." anito sa lalaking kasama na nauna na rito.

Tumingin ito kay Vladimir.

"Pare i have to go."

"Kade, about sa sinabi mo. Wala akong maalala tungkol sa mga sinabi mo. About the wife you were talking about."

Napakunot noo si Kade.

"Seriously Vlad?"

Tumango siya.

"Ako pa nga ang nagkasal sa inyo. I was there with you and your wife."

Naguguluhan na rin si Vladimir.

"Okay Vlad, ganito nalang. I will send you the copy of your marriage contract through email. Kasama na rin ang wedding photo niyo."

Dali daling iniabot ni Vladimir ang calling card na may email add niya.

"Can you send it to me asap pare?"

"I will. Pagkarating ko ng Vegas, thats the first thing I'll do."

Hindi na mapalagay si Vladimir. He's a married man. Sino ang pinakasalan niya?

May posibilidad kaya na si Airah?

He needs to be sure.

Kinakabahan siya at nai-excite. Dahil ramdam niyang tama ang hinala niya. May mga parte ng memories ang nawala sa kaniya, same as Airah. Maybe parehong may amnesia silang dalawa. Hindi niya alang alam at hindi pinagtuonan ng pansin.

Could AJ be his son?

That would explain everything kung bakit ang gaan gaan ng loob niya kay AJ. And why AJ seems to know him. Maybe because AJ knows siya ang ama nito.

Anak niya si AJ.

Asawa niya si Airah.

That's why ang bilis niyang mahulog sa babae. It's because he was already in love with her.

The wedding ring, naalala niya. Nang magising siya, ipinakita sa kaniya ni Valerie ang singsing. Totoo ngang sa kaniya ito. That's his wedding ring.

"Honey?"

Napalingon siya.

"Azalea."

"Are you okay? Kanina pa ako tumatawag sayo."

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat."

"I have to tell you something."

"What is it?"

"I can't marry you Azalea."

Kitang kita ang pagka shock nito.

"I'm a married man Azalea. I have a son. I can't remember anything about them, but I have a son and i have a wife. I'm married and I don't even know about it."

Naguguluhan rin ang dalaga sa mga sinasabi niya.

"You're married to whom?"

"To Airah."

Mas lalo pa itong na shock sa sinabi niya.

Niyakap niya ito.

"I'm so sorry Azalea. I don't want to hurt you. Please don't hate me."

Nang itulak siya nang dahan dahan ni Azalea, akala niya sasampalin siya nito. Pero isang nakangiting mukha ang nasilayan niya mula rito.

"I won't hate you Vlad. I can't hate you. Right from the start, na feel ko na you really are not that into me. Maybe because of my age, I was really hoping na it would be you na talaga for me. But i think, niloloko ko lang din ang sarili ko."

"Azalea."

"It's okay. Actually I'm glad na this happens. You have no idea how guilty I am habang nasa plane ako."

"Why?"

"I slept with a guy ten years younger than me."

Matagal bago nakasagot si Vladimir. Akala niya nagbibiro lang si Azalea, pero seryoso nga ito sa sinabi.

''No way!" aniya pagkaraan.

Natawa ang dalaga.

"Oh yes, i really did. Funny ha?"

Pareho silang nagtawanan. Nakahinga rin ng maluwang si Vladimir.

Hinawakan niya ang kamay nito, seryoso.

"Thanks Azalea."

"You don't have to thank  me Vlad. I should be the one thanking you for being my  friend. I hope maging friends parin tayo."

Muli niya itong niyakap.

"Makakaasa ka na we will remain friends. And thank you for understanding my situation."

"Okay tama na Vlad. Puede mo na ba akong ihatid sa condo ko? Nagkaka jet lag na ako sa ginagawa mo."

Sabay silang nagtawanan.

𝙇𝙤𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙧. 𝙐𝙣𝙠𝙣𝙤𝙬𝙣Where stories live. Discover now