Kabanata 2: Inspiration or Desperation?

23 5 41
                                    

July 26, 2020

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 26, 2020


"GABBIE, sandali lang!"

Awtomatikong natigilan sina Gabbie at kanyang Ate Sef sa paghakbang papasok ng bus nang umalingawngaw kung saan ang isang malagom na boses. At mula nga sa bungad ng terminal ng bus ay humahangos ang binatang si Diego, kasama ang dalagitang si Venus.

"Huy, Gabriella. Sino 'yan?" Isang kalabit sa braso ang iginawad sa kanya ng kapatid kaya kaagad niyang nilingon ito. "Oh! Hindi ba iyan 'yung—"

"Ate, mauna ka na sa loob!" At saka niya ipinagtulakan ito paakyat ng bus para hindi na makapang-usisa pa. "Doon ako sa may bintana ha?"

Nakita niyang umirap ito pero ngumiti na lamang siya. At nang masiguro niyang wala na sa may entrada ng bus ang kapatid ay muli siyang bumaba upang salubungin sina Diego at Venus. Kahit bakas ang hingal sa mukha ng binatilyo'y hindi maitatago ang matinding lungkot sa mga mata nito.

"Pasensya ka na. Makulit ang lahi ng isang 'to eh," ani Venus habang nakahalukipkip ito. "Noong nalaman na ngayon ang alis mo, nagkukumahog na pumunta rito. Nahila pa ako ng loko."

An awkward smile formed upon her lips. "Ah—"

Hindi na niya nagawa pang magsalita nang bigla na lamang siyang hilahin ni Diego upang yakapin. Puno ng pag-aalinlangan tuloy siyang nagpalingon-lingon sa paligid. Hindi dahil apektado siya sa sasabihin ng iba kundi ayaw lang talaga niya ng ganitong mga eksena sa buhay.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na aalis ka na pa-Maynila?" May halong hinanakit ang tono nito nang humiwalay ito ng pagkakayakap sa kaniya at pagkatitigan siya sa mga mata. "Paano na tayo niyan? Akala ko ba sa college pa tayo—"

"Diego, makinig ka sa akin," maagap niyang pagputol sa sinasabi nito. "Hindi ba't masyado pa tayong bata para magsalita ng gan'yan? We're only eighteen kaya p'wede chill ka muna?"

Nagsimulang manlaki ang mga mata ng binatilyo, dahil siguro sa mga tinuran niya. At sa totoo lang, gusto na niyang umirap sa mga oras na iyon dahil masyado nang ma-drama ang nangyayari. Pero sa kabilang banda'y hindi naman niya ugali ang mamahiya ng lalaki lalo na tuwing gusto na niyang makipagkalas sa mga ito.

"Hindi ka na ba talaga uuwi rito?" She was in deep thoughts when Diego held her hands as tightly as possible. "Kasi kung oo, maghihintay ako—"

"Diego…" gaya nito ay hinawakan din niya ang kamay nito nang napakahigpit at saka tinitigan nang diretso sa mga mata. "You're a great guy kaya for sure, marami ka pang mahahanap na iba riyan."

"Paano ako makakahanap kung ikaw ang gusto ko?" Umiling-iling pa ito habang mariing nakapikit habang siya'y halos mangilabot na sa sobrang ka-keso-han nito.

Wala siyang ibang magawa kundi ang bumuga ng hangin at saka pasimpleng nilingon ang kaibigang si Venus na nakatayo lamang sa tabi. Pinandilatan niya ito ng mata upang siya'y tulungan sana nito pero nagkibit-balikat lamang ito sa kaniya. At nang muling mag-angat ng tingin sa kaniya ang binatilyo'y laking gulat niya nang makitang naluluha na ito.

Gabriella (The Modern Filipina Series)Where stories live. Discover now